Chapter 1: Viral Photo

36K 821 407
                                    

Chapter One

Viral Photo


"Are you fucking kidding me right now?"

"Please, Asher? Last favor na talaga 'to," my best friend, Storm Yap-Ongpauco pleaded with me with his eyes via Facetime. Iniwas ko ang aking mga mata sa screen ng phone ko, hindi ko pa rin matanggap na naga-gwapuhan na ako sa best friend ko.

Lumaki kaming dalawa na pangit ang tingin sa isa't isa! Siya lang naman 'tong biglang nagkagusto sakin tapos nung unti-unti ko nang natatanggap 'yun... nakahanap naman siya ng ibang babae at ginawa niya agad na girlfriend niya.

Bwisit talaga.

Naglalakad na ako papalapit sa address ng studio na sinabi niya nang mag-text siya kanina. Tinatanong niya kung nasaan na ako banda. Ako naman, bilang mabuting best friend ay sinabi kung nasaan talaga ako.

I told him I just went past Starbucks.

Aba, ang reply ba naman ay 7 orders ng coffee sa Starbucks!

At dahil nga mabait ako at mahal na mahal ko itong best friend ko, umikot ako pabalik papuntang Starbucks para bumili ng kape para sa kanila. Kahit na ayoko kay Stella, ayokong magkaroon ng gulo sa kanilang dalawa.

But that doesn't mean I wont say shit to him. He has to know that making me their errand girl is pissing me off.

"Sorry na, Ash..."

I could only roll my eyes at him. Kailan ko ba siya natiis? Kailan ko ba siya natanggihan? Kahit nga masakit sa kalooban ko, pinagbibigyan ko siya!

'Tang ina naman! Gusto ko siyang sigawan. "Just make it sure na ito na talaga 'yung last, ha? Hindi ako alalay ng girlfriend mo!" singhal ko sa kanya, walang pakialam kung pinagtitinginan nang mga taong nasa paligid ko. Mukha siguro akong nasisiraan ng bait sa hitsura ko.

Nasa kalagitnaan ako ng coffee shop na ito habang may dalang dalawang garment bag at nagsasalita mag-isa dahil sa nakasuot ang earphones ko habang kausap ko si Yap sa Facetime. Idagdag mo pa na walang pakundangan ko na siyang sinisigawan dahil sa pagkairita.

Napapikit siya at bumuntong-hininga sa kahihiyan... at perwisyo sa pagiging bungangera kong best friend. "Babawi ako sa'yo. Promise 'yan!"

And I expect nothing less! After the hassle he and his girlfriend put me through this morning, he better make it up to me.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Aba, babawi ka talaga! Nagpa-pick-up na nga kayo sa napakalayong dry-cleaning shit na 'yan, magpapabili pa kayo ng kape?!" sigaw ko sa kanya, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umalis tuloy 'yung babaeng nasa harapan ko sa pila. Natakot yata sa pagiging warfreak ko, 7AM pa lang!

Pinagpatuloy ko pa ang pagra-rant sa kanya matapos humakbang palapit sa counter ng coffeeshop. "Wala ba kayong ibang mauutusan diyan? Punyeta, ang aga-aga! Gusto ko pa matulog, Yap!!!" nanggigigil kong sabi.

Hindi pa rin ako maka-get-over na ginising niya ako nang ganito kaaga. Tumawag siya sa akin kaninang 5AM at ako naman itong si gaga, sinagot ang tawag dahil sa inakalang may emergency. Hindi rin nakatulong na unang lumabas sa bibig niya ay "Ash, sorry... I need your help."

Kaya kahit hindi pa ako naliligo ay umalis ako ng bahay para puntahan 'yung address na binigay niya. Nag-suot lang ako ng jacket at sneakers, hindi na ako nagpalit ng silk pajamas ko na regalo ni Louisse.

Huli na noong na-realize ko kung anong nangyayari.

May fashion emergency si Stella at walang problema sa best friend ko.

When We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon