Chapter 2: Mudshake Date

13.5K 426 63
                                    

Chapter 2

Mudshake Date


"San ka?"

Hindi ko pa alam kung anong susunod na sasabihin ni Yap pero alam kong may binabalak itong kalokohan sa dalawang salita na salubong niya sa akin sa pagtawag niya.

"Bakit mo tinatanong?" sagot ko sa kanya habang umiirap sa kisame. Mag-aalas tres na ng hapon at hindi pa rin ako bumabangon sa higaan ko dahil ayoko pang harapin ang mga taong naghahanap sa akin.

"Nasaan ka nga?" pangungulit pa nito.

"Bakit mo nga tinatanong?"

Narinig ko ang malakas na pag-'tsk' nito bago magsalita. "Nandito ako sa rehab center. Bakit wala ka rito?"

Muli akong napairap sa sinabi ng best friend ko. "What the fuck? Stalker na rin kita ngayon?"

"Ash," mariin nitong sabi, para bang magulang na papagalitan ako dahil may malaki akong kasalanan.

Ano na naman bang problema nitong mokong na 'to? "Tinamad akong mag-rehab."

"Paano ka babalik sa tennis kung di ka uma-attend ng rehab mo? Baka mabigla yung rotator cuff mo kapag–"

Agad ko siyang sinagot at hindi na pinatapos pa magsalita. "You know I'm not coming back, right?"

"Asher..."

Ito na naman. Nararamdaman kong magpapalipad na naman siya ng sermon sa akin. Inunahan ko na siya ulit. "Magaling na ako. I don't need to be in rehab anymore. I'm not a fucking invalid, okay? You don't have to chastise me, malaki na ako!"

Hindi siya agad nakapagsalita. Tunog ng kalsada lang ang narinig ko matapos ang ilang segundo na hindi umimik si Yap.

Narinig ko ang malalim niyang paghinga. "Kung hindi ka na babalik sa tennis, ano nang gagawin mo?"

Nagkibit-balikat ako kahit naman niya ito makikita. "I don't know? Work? May iba pa ba akong choice?"

"Speaking of, I heard marami ka raw offers."

Napatigil ako. "Offers? Pinagsasabi mo diyan?"

"Modelling, Ash."

"Oh. That." Nakaabot na sa kanya ang balita? Nakaabot na sa kanya na maraming modelling agencies ang lumalapit sa akin? Pero wala pa akong pinagsasabihan tungkol doon. Paanong nakarating na sa kanya? "Teka, paano mo nalaman? Sino nagsabi–Oh. Wait. Don't tell me alam na agad ni Stella?! I haven't even told my friends and my parents!"

"And me."

"Right. You!" singhal ko sa kanya. "But it turns out hindi ko naman pala kailangan sabihin sa'yo kasi 'yung girlfriend mo ang nagkakalat ng balita, right?"

UGH. Is nothing sacred? Na-invade na nga nila social media accounts ko, pati ba naman ang privacy ko pinagpi-piyestahan na nang wala akong kaalam-alam? Is nothing sacred anymore? Hindi naman ako celebrity, public person o influencer para guluhin ng mga tao!

"Look, Ash. Stella has a lot of friends and connections in the industry. She tells me everything even though I have no interest in it. It just so happened na tungkol sa'yo 'yung bago niyang information na nalaman."

I doubt that.

Mas maniniwala pa ako kung sasabihin sa akin ngayon ni Yap na binabantayan ng girlfriend niya ang updates sa biglaang pagsikat ko sa internet dahil sa lecheng viral photos ko!

May point naman si Yap. Mukhang maliit lang ang industry na ginagalawan ni Stella at magiging party na rin ako nito kung pipiliin kong tahakin ang modelling world. Pero maski na! Hindi ako naniniwala! Hindi naman ako ganoon kalaking tao para pagpiyestahan sa internet!

When We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon