chapter four: lunch

9.2K 475 18
                                    

[ Scarlet's POV ]

          Ginugol ko ang buong umaga ko sa pagbabasa nang mga papeles at pag-susulat nang tugon sa mga ipinadalang imbitasyon nang nga noble peps.

           "Madam, nais mo bang magtanghalian dito sa iyong Opisina, o sa silid-kainan?" Natigil ang aking pagsusulat at inangat ang tingin sa nagtatanong na Delfin na kakapasok lamang sa kuwarto.

            Inilagay ko ang aking pluma sa kaniyang lalagyan at nag inat nang kamay at paa bago tumayo at nagtungo sa pintuan. "I'll have it on the dining room Delfin." Sagot ko at yumuko naman uto tsaka ako pinagbuksan nang pintuan.

            "How's the modifying going on, Delfin?" Tanong ko sa nakasunod na Delfin sa gitna nang aming tahimik na paglalakad.

             "The room for the four master are almost done. We bought the best and finest things. From the bed, carpet, couch, vases, toys and more. I also ordered a servant to clean the previous room that the Masters have occupied for the last five years. As for the servants and guards, we are trying to find the best." Mataas na sagot nito na tinanguan ko naman. It's not even half of what I wanted yet, but that's a good result given that they started it just this morning.

             "Have you called the best tailor in the empire?" I asked again. "I've investigated it, and the best tailor in the empire is currently on the south kingdom. i already sent him a letter, he'll be receiving it by tonight. With ahorse, he'll be here by sundown tomorrow." Walang emosyong sagot nito.

             So hi is at the South huh? That's alright. I'll just bring the kids outside to buy them clothes. "Alright, call my kids to the dining room. I'll be waiting." Pinal na utos ko nang makarating ako sa harap nang silid-kainan. Nang sumagot at umalis si Delfin, ay tsaka naman akong pumasok sa loob.

            Isang napakalaki, at engrandeng silid ang bumungad sa aking mga mata. Isang mataas at malaking mesang kasiya ang isang dosenang tao ang makikita sa gitna nang silid at sa kisame sa ibabaw nito ay nakasabit ang isang malaki, at mamahaling aranya na kumikinang pa.

             Deretso akong nagtungo sa mesa at tumayo sa pinaka-una nito. Tinulungan ako nang isang katulong sa paghila sa aking upuan upang ako at maka-upo. Nagpaalam agad ito at ihahanda na raw nila ang aking tanghalian.

            "Make it five, my children are eating with me." Pahabol na utos ko na agad naman nitong tinanguan at lumabas. Muling bumukas ang pintuan sa kusina at pumasok ang apat na tagasilbi nang may dalang mga plato, kutsara't tinidor, at iba pang kagamitan pangkain.

            "Place it here." Utos ko sa apat at tinuro ang espasyo sa aking mga gilid. Agad namang sinunod nang apat ang aking utos at minabuting nilagay ang mga kagamitan sa aking tabi. Ako ang nasa unahan, sa kanan may dalawang set nang kagamitan at ganoon din sa kaliwa.

              Matapos ang pag-aayos ay nagpaalam ang mga ito at lumabas, muling bumukas ang pintuan nang kusina at doon pumasok ang mga tagapagsilbi na dala-dala ang mga pagkain.

             "Nandito na ang mga young masters, Madam." Napatingin ako kay Delfin nang biglang magsalita ito sa aking tabi. Hindi ko man lang narinig ang yabag nang taong ito, ninja ba siya?

               "Papasukin mo sila, Delfin." Sagot ko dito ngunit hindi ito nagsalita, kung kaya't muli ko itong tiningnan at nakatingin din ito sa akin. Gamit ang kaniyang mga mata, tinuro nito ang pintuan kung saan siya lumabas.

              Agad akong tumayo at nagtungo sa pintuan nang makuha ko ang ibig nitong sabihin. Sa gilid nang pintuan naka-upo doon ang apat at maliliit na mga bata, mukhang nag-uusap ang mga ito. Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa kanilang tabi, seryoso itong nag-uusap kung kaya't hindi ako nito napansin.

              "Papasok ba tayo?"

              "Baka pagalitan tayo?"

              "Pero kung hindi tayo papasok at magalit siya, baka ibalik niya tayo sa kuwartong iton?"

              "Waaaaaah ayaw ko sa kuwartong iyooon! Ayaw ko!"

               Lumambot ang aking mukha at nawala ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang pinag-usapan nang mga ito.

              "Hindi ba kayo nagugutom?" malambot na tanong ko na ikinasigaw naman nang apat at agarang umatras. Nang makita ako nang mga ito ay nanlaki ang kanilang mata at sabay-sabay na nagsiluhuran.

               "Hey! Don't do that! Get up!" napalakas ang aking boses dahil sa gulat sa kanilang ginawa kaya nanginig ang apat. Agaran ko itong pinatayo at pinagpagan ang kanilang kasuotan.

                "Sweetie don't do that. Why are kneeling when you did nothing wrong? You are nobles, don't do that!" Naiiyak na linataya ko habang patuloy na pinagpagan ang kanilang kasuotan. Tiningnan ko ang mga ito at ang apat ay may iba't ibang ekspresyong pinapakita.

                 "Let's talk while we eat, okay?"

                Nagsitayuan ang mga ito at humarap sa akin nang naka-yuko. Tumayo na rin ako't ginaya sila papasok sa loob nang silid-kainan. Nagsi-upuan sila sa mga selyang katabi sa akin na ikinatuwa ko.

              Nang maka-upo ako sa aking upuan ay agaran kong nilagyan nang pagkain ang kanilang mga plato. Hindi nila ito ginalaw at tiningnan lamang bago tumingin sa isa't isa.

              "U-umh, what's this?" Mahina at nahihiyang tanong nang batang may kulay asul na buhok at gintong mata, Lineal ata ang kaniyang pangalan.

             "Lineal, iyan ay tinatawag na paa nang manok. Masarap yan!" Nakangiting sagot ko sa kaniya. Hindi man ito tumingin sa akin, ngunit kita ko ang paglaki nang kaniyang mga mata, gulat siguro dahil ngayon lang siya nakakita nang paa sa manok o dahil tinawag ko siya sa pangalan niya? Am I disrespectful now?

              Nang kumagat si Lineal ng paa sa manok, ay nanlaki ang kaniyang mata at agarang tiningnan ang kaniyang mga kapatid. Binigyan nang tatlo si Lineal nang nagtatanong na mata at ang maliit na si Lineal ay tumango nang mabilis. Mukhang naintindihan nang mga ito si Lineal kung kaya't tumingin ang mga ito sa akin, at nang makita ang aking nakangiting mukha, ay sabay-sabay silang kumagat nang manok.

                Nagsi-kislapan ang kanilang mga mata nang malasahan nila ang sarap nang piniritong manok. Walang tigil nilang kinagat-kagat ang paa nang manok na ikinasaya ko, ngunit nalulungkot din.

                  From thier expressionᜓ, it's shows that they have never tasted something as delicious as fried chicken. Back in my previous world, kids favorite food was fried chicken, they tasted chicken from a very young age such as two years old. But these kids, haven't tasted it at all before this moment came.

                  "Just slow down, sa inyu lahat nang iyan!" Natatawang usal ko sapagkat mabibilis ang bawat subo nang mga ito.

                    Sobrang tagal natapos ang aming tanghalian sapagkat alas dos na nang tanghali. Sobrang nagugutom ang mga bata at tila ba halos isang buwan itong hindi kumakain, tapos napaka payat pa, mas payat pa sa akin!

                   "Gusto niyo bang lumabas? Bili tayo nang bagong damit ninyo?" Tanong ko sakanila nang nagsitayuan ang mga ito sapagkat tapos nang kumain. Takot parin ang apat sa akin sapagkat hindi sila tumitingin sa aking mukha.

                   "Kung ayaw ninyo, ayos lang naman. Mayroon na akong ipinahandang kuwarto para sa inyu kaya magpahinga kayo. Shela!" Nakangiting lintaya ko sa kanila at tinawag si Shela. Pumasok si Shela sa silid-kainan nang may ngiti.

                   "Lead the kids to thier roo—sasama po kami!" Hindi natapos ang aking sasabihin nang biglang magsalita si Regieren nang may kaangasan ngunit natatakot na boses. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Ihanda ang karwahe, lalabas kami nang mga anak ko!" Muling utos ko kay Shela na tinanguan naman nito bago lumabas.

                 'Yiiiiieeeee lalabas kamiiii! Excited na rin akong makita ang bagong lugar na nilipatan ko, hindi nang katawan ko, kundi nang kaluluwa ko!'

[©] TamadSiAkuma

The Villainess' ResolveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon