chapter six: invitation

8.6K 389 71
                                    

[ Scarlet's POV ]

           Ako'y isang tanyag na mamamatay-tao sa aking nakaraang buhay, sa huling misyon na ibinigay sa akin na magpapasiya nang aking kinabukasan ay nagkaroon ako nang komplekasyon. Ang tanging gagawin ko lang ay ang patayin ang ulo nang krimen sa syudad, at kapag nagawa ko iyon, ako at ang nakababata kong kapatid ay magiging malaya na.

          Ngunit sa hindi inaasahan ay dumating ang isa sa pinakamagaling na pulis na siyang tumutugis sa akin at natamaan ako nang bala nito. Habang hawak ang aking kanang dibdib na natamaan, dahan-dahan akong umatras para sana tumakas, ngunit ang dyosa nang kaswertehan ay hindi nakangiti sa akin at ako'y nahulog sa gusaling kinatatayuan ko.

            Habang nahuhulog ay pumasok sa aking isipan ang aking kabataan, ang mga nangyari sa akin, ang aking buhay, at ang aking kapatid. Ayaw ko pang mamatay, ngunit wala na akong magagawa.

           Ang tanging hiling ko lang nang mga panahong iyon, ay ang magkaroon nang maayos na buhay ang aking maliit na kapatid nang wala ako sa kaniyang tabi bago ko ipikit ang aking mga mata.

            Nang tumama ang aking katawan sa malamig na semento ay bigla kong ibinuka ang aking mata't napa-upo dahil sa kakulangan nang hininga. Masakit, masakit hindi lang ang aking dibdib na tinamaan nang bala, kundi maging ang aking ulo nang tumama ito sa semento.

           Habang nakapikit at kumukuha nang hininga, ay napatigil ako't gulat na tiningnan ang paligid. Hindi ako naka-upo sa may semento, kundi nasa isang malambot at malaking kama ako. Napahawak ako sa aking dibdib at walang sugat doon, kahit ang aking ulo ay hindi dumudugo.

           Nang inilibot ko ang aking paningin, nasa loob ako nang isang magarang silid, halos puro ginto ang makikita mo dito, halatang napaka mayaman at materyales nang nagmamay-ari nang silid na ito.

          Ngunit nasaan ako? Bakit ako naririto? Anong lugar ba ito? Ang isip ko'y napuno nang katanungang hindi ko alam kung saan makakuha nang kasagutan. Walang ibang tao sa silid na ito kung hindi ako lamang. Muli, inilibot ko ang aking paningin at napunta ang mga ito sa gilid nang kamang inu-upuan ko.

           Nanlaki ang aking mga mata nang mayroon akong makitang apat na batang naka-upo doon, puno nang luha ang buong mukha at may takot sa mga mata. Napamura ako nang bigla nalamang sumakit ang aking ulo. Sumigaw ang apat at sabay na humingi nang tawad habang umiiyak.

            Nang muli kong makita ang umiiyak na mukha nang mga ito ay tuluyan akong umalis sa kama at lumapit sa kanila para bigyan nang yakap, ngunit umatras ang mga ito at takot na tumingin sa akin, tila ba tinutusok ang aking puso dahil sa kanilang mga tingin.

           Sa kalagitnaan nang yakapan namin ay muling sumakit ang aking ulo dahilan nang malakas na pag-sigaw ko. Maraming imahe, ang pumasok sa isipan ko na mas lalong ikinasakit nito dahilan nang tuluyan kong pagkahimatay.

            Nang muli kong buksan ang aking mata, ay nalaman ko nang ako'y wala na sa dati kong mundo, Earth. Sa pagkamatay ko sa dati kong mundo, muli akong nagkatawang-tao at napunta sa mundo nang libro.

           Ang librong 'Quantroplets Revenge' na isinulat nang isang tanyag na manunulat ay popular sa dati kong mundo, at isa sa mga paborito ko. Ang librong ito ay patungkol sa apat na batang nawalan nang ina sa murang edad nito, at napunta sa pangangalaga sa kapatid nang kanilang ina. Ngunit imbis na aruga ang makuha, ay sakit ang ibinigay nito.

           Ang quatroplets ay ikinulong sa isang kuwartong walang makikita kundi dumi't mga insekto. Hindi sila sinasaktan nang tiyahin nila nang pisikal, kung hindi emosyonal.

           Hindi binigyan nang atensyon ng tiyahin nang mga ito ang apat na bata sapagkat okupado ito sa pag dalo nang mga imbitasyon na ipinadala sa kaniya nang mga maharlika.

             Hindi nakuha nang magkapatid ang aruga at pagmamahal na ibinigay nang Ina nito kung kaya't ang magkapatid ay tuluyan nang nawalan nang emosyon at lumaking malamig ang pakikitungo sa lahat.

            Nang dumating ang coming-of-age ceremony nang magkapatid ay doon nangyari ang isa sa pinaka-malaking trahedya nang libro. Pinatay nila ang kanilang tiyahin. Napunta sa Royal Family ang otoridad nang apat na magkakapatid at nanirahan ito sa palasyo. Ang Isa sa mga malakas at tanyag na pamilya nang emperyo ay biglang naglaho dahil sa pagkamatay nang ulo nito.

            Ang librong 'Quantroplets Revenge' ay isang kuwentong puno nang tarhedya at drama, ngunit nang pinatay nang mga ito ang kanilang tiyahin ay dumating ang mas malaking trahedya.

            Makikilala nang apat ang babaeng nagngangalang Celeste, sa murang edad ay nahulog ang apat sa napakagandang si Celeste na tila ba nagpapa-alala sa kanila sa pinakamagandang bulaklak sa buong mundo.

              Ginawa nang apat ang kanilang makakaya upang makuha ang puso nang babae ngunit hindi ito nag-wagi, walang nag-wagi kahit na isa man lang sa kanila.

             But Celeste fell in love with the main protagonist, the crown prince— Lenden de Wintervelt. As Celeste and Lenden share wondrous and happy time together, the heart of the quantroplets brothers started to get darker and darker which lead to great rebellion. They became the villain, and just like their aunt, they are also destined to die at the age of twenty-two while still hoping that they'll recieve love even just a little bit. They die miserably, and thier death brought peace to the Wintervelt Empire and lead to a happy ending.

---

                At ako, ay napunta sa kuwentong iyan! At talagang namang nadala ko ang aking kamalasan sa ikalawa kong buhay. Sa lahat nang katawan na puwede kong mapasukan, ay katawan pa ni Scarlet! Scarlet Villainia Schurke, ang Villainess sa kuwento, at siya ring tiyahin nang apat na magkakapatid na namatay nang dumating ang coming-of-age ceremony nang apat na bata!

                Na reincarnated ako sa librong gustong-gusto ko, para lang din pala mamatay ulit!? NO WAY! HINDI MAAARI! NO! NEVER! Parusa ba ito nang Diyos sa akin? Dahil sa nga kasalanang nagawa ko sa dati kong buhay? WAAAAAAAAAAAAH!

              Pinagsususuntok ko ang unan dahul sa sobrang frustration at sumigaw habang nakatabon ang unan sa aking bibig. Walang dapat makarinig sa aking pag-sigaw, kasi masisira reputasyon ni Scarlet! Baka multuhin ako nun.

               Nang makarinig ako nang katok ay agad akong napa-upo nang maayos at inilagay ang unan sa aking gilid. Huminga muna ako nang malalim bago sumagot at pinapasok ang kumakatok.

               "Pasensya na sa pag-iistorbo, Duke." Agad na yumuko si Delfin nang maka-pasok ito sa loob. Tumango ako't napatingin sa bintanan nang aking kuwarto. Mayroon akong naririnig na karwaheng papalayo.

              "Mayroong bisita?" nagtatakang tanong ko kay Delfin habang tinatanaw ang papalayong karwahe. "Mayroon lamang silang idinaan, Duke." sagot nito. Tumango-tango ako't binalik sa kaniya ang aking tingin.

               "Ano ang idinaan nila?" tanong ko. Lumapit si Delfin sa akin at ini-abot ang isang sulat. Tinanggap ko ito't nagtatakang pinagmamasdan.

             "It's an invitation?" muling tanong ko at pinagmamasdan nang mabuti ang sagisag na nakapaskil sa sulat. "Yes, the coronation of the next emperor will be held next week, Day 15 of Empire Year 82715." Sagot nito sa akin.

note:

Help guys, I'm so sorry for the very big mistake I made. The chapter six that I have published wasn't the right one and this is the right draft that I failed to publish. So nabasa niyo naman na mas marami right? Yeah, I'm so sorry for the mistake and lack of information.

Your Tamad na writer,

Akuma.

The Villainess' ResolveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon