chapter seventeen: the quantroplets father

6.3K 374 126
                                    

[Scarlet's POV]

"What are you looking at?" napa-igtad ako nang bigla nalamang ito nagtanong.

'My ghaaaaaaad! Ang hot nang boseeeeees!! Siya nga talagaaaaaa!'

Lumunok ako nang laway bago ito binigyan ng isang seryosong tingin. Aba'y hindi ako natatakot sa kaniya ano! Isa pa iba na ang mukha at pagkatao ko, kaya imposibleng makilala ako nito.

"Nothing, pardon me." seryosong usal ko bago pinulot ang naihulog kong helmet at ibinalik sa shelf na pinagkuhanan ko bago tumalikod, at lumabas nang tindahang iyon.

Agad akong pumasok sa karwahe ko na naghihintay sa labas at agad na sinabihan ang coachman na paandarin ito upang makalayo ako sa lugar na iyon.

Tumingin ako sa likurang bintana at nang masigurong malayo na ako ay tsaka lamang ako nakahinga nang maluwag.

'Gosh! Nakakakaba iyon! Bakit nandito ang lalaking iyon!? Ano ang nangyari sa kaniya?'

Napahawak ako sa aking buhok at tila ba nais ko sabunutan ang aking sarili sapagkat frustrated na ako sa kakaisip Ng dahilan sa pangyayari kanina, at ang pagtatagpo namin.

"Let's not think about it. Maybe it's just my hallucination at hindi talaga siya yun. Kasi imposible eh, yes yes, imposible yun." pagkokombinsi ko sa aking sarili at tumango-tango pa sapagkat sumasang-ayon ako.

Pinili ko na alisin sa aking isipan ang pangyayari kanina at baka nga, guni-guni ko nalamang yun at inisip na Ang dahilan kung bakit ako pinatawag ng emprador sa palasyo gayong wala naman akong kailangan na ereport sa kaniya.

"I greet the sun of the empire. May good health and blessing befall you." bati ko sa hari at yumuko sa kaniyang harapan.

"I really like the sight of you, bowing to me." may halong tawang usal nito na dahilan ng pagtaas nang dugo ko sa ulo at nagsimula nang mainis.

"So why did you call me, oh might emperor?" sarkastikong tanong ko at umupo sa kaniyang harapan at kinuha ang tsaang inihanda para sa akin upang uminom.

"Well, I want to ask how the village's are doing." sagot nito nang hindi tumitingin sa akin.

"I already gave you my report yesterday, and it's still afternoon, your majesty, my report for today shall reach your office by evening! Hindi mo man lang hinintay iyon!?" inis na usal ko at gustong-gusto na itapon sa pagmumukha niya ang tsaang iniinom ko.

"I'm the emperor, Villainia. Harming an emperor will cause you your life." nakangising usal niya sa akin na dumagdag lamang sa inis na nararamdaman ko.

"Then you should be thankful you have that title, Heraf!" 

"Yeah. Yeah. Anyway, I want to introduce someone to you. It's about time, that you meet him." napatingin ako sa kaniya at binigyan siya nang nagtatakang mata.

"Someone? Who is it? Your chosen empress?" sarkastikong tanong ko.

"Nope. But you'll find out soon—Oh! There you are, just in time." masayang usal niya at tinaas ang kamay upang kunin ang atensyon ng kung sino mang dumating.

"What do you want, brother?" napa-igtad ako sa aking kina-uupuan nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Agad akong napatingin sa aking likuran at nakumpirma ko nga!

Kaharap ko ngayon ang police chief officer na siyang pumatay sa akin sa dati kong buhay! Hindi siya ilusyon. Napatingin siya sa akin at pinagkunotan ako ng noo, tila ba pamilyar ang mukha ko sa kaniya at iniisip kung saan ako nito nakita.

"I want to introduce you to my beloved BestFriend. Duke Scarlet Villainia Schurke. Villainia, this is my brother, the third prince. Prince Vrikian de Wintervelt." tila ba biglang nawalan ng pandinig ang aking tenga magmula nang marinig ko ang sinabi ng emperador.

Siya, ang lalaking pumatay sa aking dating buhay, dala ang kaniyang mukha, ang ikatlong prinsipe na halimaw pagdating sa pakikipaglaba!? Siya, siya ang...

"We meet again, Duke Schurke." bati nito sa akin.

Naka-uwi ako nang lutang na lutang at tila ba ang isang taong enerhiya ko ay naubos sa loob nang isang araw lamang dahil sa mga pangyayari na naganap.

'Gusto kong maligo at matulog agad at manatili lamang sa aking kuwarto hanggang sa dumating ang aking ika-22 na kaarawan!!!!'

"You have arrive, your grace." pagbati ni Delfin sa akin nang makapasok ako sa loob ng duchy at kinuha ang aking suot na jacket upang isampay.

"Yes, fortunately I have. Where are the kids?" pilit na ngiting sagot ko. Talaga na mang napaka-suwerte ko't naka-uwi pa ako ng buhay, sapagkat akala ko talaga ay, tuluyan na akong mawawalan ng buhay kanina at hindi na makaka-abot sa aking ika-22 na kaarawan!!!!

"They are in the dining hall your grace, waiting for you.", magalang na sagot ni Delfin at yumuko sa akin.

"Alright, tell the kitchen maid to prepare another dining utensils, a guest will join us for dinner." utos ko sa kaniya at agad na naglakad patungo sa dining hall.

"Hold your ground, Lineal. Don't let Latte and Kaiser beat us! On guard!"

"Waaaaaah but Reg, they are much better than me!"

"Do not fret, for I am here!"

"Ahahahaha just give up, Reg, you are no match for me. Right Kai?"

"Why do I have to join this stupid games of yours?"

"You should! Or else you shall do the dishes this evening on your own!"

Sa labas palamang ng kuwarto ay rinig na rinig na ang ingay sa loob, at mukhang naglalaro na naman ang mga batang ito sa loob ng dining hall. Pinapasakit talaga ng mga ito ang aking ulo. 

"What's with the ruckus?" seryosong tanong ko sa apat pagkapasok ko sa kuwarto kainan. Ang apat ay nabulabog at agad na bumaba si Reg at Latte sa pagkakatayo sa mesa habang tinago naman ni Lineal ang hawak niyang epadang kahoy habang si Kaiser naman ay malamig na nagtungo sa akin upang magpakarga.

"Mom! You're early today!" bati ni Latte sa akin at binigyan ako ng halik sa pisnge bago kinakabahang tumawa at lumayo sa akin. Binigyan din ako ng halik sa pisnge ng tatlo bago nasilayuan sa akin.

"Who started it?" malamig na tanong ko sa tatlo na tuwid na nakatayo sa aking harapan at kaniya-kaniyang tago ng espadang kahoy sa kanilang likuran.

"Who started it, Kaiser?" tanong ko sa karga-karga kong si Kaiser at malamig niya namang tiningnan ang tatlo na dahilan nang pag-igtad ng mga ito at nagsimulang mamawis ang mukha.

"How many times have I told you, that you are forbidden to play inside the dining hall?" tanong ko at hindi naman nagsalita ang tatlo.

"The three of you shall do the dishes tonight, and tomorrow." anunsyo ko na ikinalaki nang kanilang mata at aayaw na sana ng binigyan ko ito nang nanlalaking mata kung kaya't tumahimik sila.

"Your response?"

"Yes, Mom!"

"Good. Now go to your seats, and we shall have dinner." utos ko na sinunod naman ng lahat ngunit mayroong komplikadong ekspresyon.

"By the way Mom, who's that guy behind you?" takang tanong ni Latte sa akin na ikinalaki nang mata ko.

'Pashne! Nakalimutan kong kasama ko pala ang lalaking ito!"

"Ehem. Meet Prince Vrikian de Wintervelt, your father." pagpapakilala ko sa kaniya.

note;

I'm so sorry for the super late update. Busy si Tamad nyo sa school work, tapos nagkasakit pa ako now. I hope you guys understand. Bawi ako next week! Love lots. Enjoy reading Akumatians koooo!

The Villainess' ResolveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon