chapter seven: sword

7.9K 414 56
                                    

[ Scarlet's POV ]

           "Tumigil na po kayo madam! Baka mapaano po kayo!" Na-iinis na ako sa patuloy na pag-dada nitong si Shela. Pabalik-balik lamang ang kaniyang sinasabi, at naiirita na talaga ako.

             "Shela I'm fine! Be quite!" Inis na utos ko dito at nagpatuloy sa aking ginagawa. "Pero madam! Kanina pa po kayo tumatakbo! Naka-ipon kana po ng dalawang balde na pawis!" Nag-aalalang sigaw ni Shela. Tumigil ako sa aking pagtakbo at na-iinis na tumingin sa kaniya.

             Mayroong nag-aalala't takot na ekspresyon ang ipinapakita sa kaniyang mukha habang nakatingin sa akin hawak-hawak ang payong sa kaniyang kanang kamay, at tuwalya sa kaniyang braso habang pamay-pay naman ang hawak niya sa kaliwang kamay. Mukhang mahihinatay ang babaeng ito kapag magpatuloy pa ako sa pagtakbo nang walang paginga.

               "I'll run last lap, and then I'm done!" Malakas na sigaw ko sa kaniya at napabuga naman ito nang hangin at mukhang napalagay na ang kaniyang puso.

                 Kailangan kong sanayin ang katawang ito, kailangan kong magpalakas upang maipagtanggol ko ang aking sarili at ang aking mga anak, sa mga taong nagbabalak na saktan kami. At para narin sa paparating na delobyo, na magdidikta nang hinaharap.

                  Nag patuloy akong tumakbo pabilog sa malaking fountain na makikita sa likod nang dukedom, upang hindi makita nang mga chismosang mga maharlikang nais akong maging sentro nang usapan.

                 Buong umaga akong nagsanay, tumakbo, nag push-up, curl-up, jumping, at iba pang mga pagsasanay upang maging malakas ang aking katawan at hindi na ako mabilisang mapagod

              "Good Morning, Duke Schurke!" Nagulantang ako ngunit hindi ko pinahalata nang biglang bumungad sa akin ang isang lalaking may mataas na buhok at begote, at nakasout nang isang kulay lilak na saya't may make-up ang mukha.

              "You must be, Destiny hm?" I asked with my face in blank mode and stride towards the couch.

                "You already know what you are going to do, right?" Seryosong tanong ko sa kaniya habang naka-upo at nakatingin sa kaniya.

                 He gave me a smirk and nodded. He clapped three times in a row, and three girls in thier early 20's entered the room with, things that's going to size my measurements, I guess?

               "Put it down, carefully. Duke Schurke, please." Hindi ko ka-agad kinuha ang kaniyang naka lahad na kamay nang mapakinggan ko ang kaniyang boses.

             'WAAAAAAAH BAT ANG HOT NANG BOSES NIYA!? HINDI BAGAY SA KANIYANG ETCHURA!!!! Wait, siguro hindi talaga siya bakla anoh? Tapos nagpapanggap lang? Uwuuuuu~'

              "Duke Schurke?" Nabalik ako sa reyalidad nang muli nitong tawagin ang aking pangalan habang nakatingin sa akin, nang may pagtataka. 'Gosh ang hot talaga nang boses!'

               Dahil sa guilt nang pagpantasya ko sa kaniyang boses ay hindi ko kinuha ang kaniyang kamay at tumayo nang ako lamang. Hinubad ko ang suot kong vest at humarap sa kaniya na ngayon ay namumula.

               Ang kaniyang mata ay nasa aking dibdiban kung kaya't napatingin din ako dito't napataas ang aking kilay nang makitang klaro ang suot kong kulay itim na bra sa loob nang manipis, at puting sando na sout ko.

             Ngunit imbis na mahiya ay muli akong tumingin sa kaniya nang nakataas ang kilay. "Do you like what you are seeing, Destiny?" I'm just staring at his face as he was most likely hit by a hammer of embarrassment and looked away.

              "L-Let's start measuring your breas—I mean, let's start measuring." Kinakabahang lintaya nito't agad na kinuha ang measuring tapes at lumulunok habang lumalakad papunta sa aking gawi. 'Kung lalaki pa sana ito, nahiya na ako, ngunit dahil bakla siya, edi, gora!'

---

              Agad natapos ang pagsusukat nang aking katawan para sa gagawing bestida sa paparating na celebrasyon nang Imperyo.

               "Ang iyong kasoutan ay matatapos matapos ang apat na araw." pag-papa-alam nito matapos ang sukatan. Habang naka-upo sa sofa at may hawak na tasa, hindi ko mapigilan ang siya'y tingnan nang nakakunot ang noo.

              Alam kong alam nito na kanina pa ako nakatingin sa kaniya sapagkat mayroong mga pawis na patuloy na lumalabas sa kaniyang mukha. Ngunit hindi ako sigurado kung ito'y dahil lang ba sa pagod sa pagsusukat, o dahil sa mga titig ko.

              Aking ibinaba ang tasa matapos kung sumupsip nang tsaa dito at tumayo. Habang patuloy siyang nakikipag-kausap sa kaniyang mga apprentice ay dahan-dahan akong naglakad at nakarating sa kaniyang likuran. Sakto namang pina-alis na nito ang dalawang babae.

              Napatingin ang dalawa sa akin at nanlaki ang mata nang makita akong na sa likod ni Destiny, nginitian ko ang mga ito't kinawayan. Tila nabalik ang mga ito muli sa reyalidad at agad na nagsi-yukuan at tuluyan nang lumabas.

              Nang mawala ang dalawang babae ay nawala ang nakangiti kong ekspresyon at tumingin sa likod ni Destiny. Ito ang kauna-unahang pagkikita namin, at kahit na tinagurian itong pinakamagaling na mananahi sa buong emperyo—sa buong kontenente. Hindi siya masiyadong pinag-uusapan nang mga mambabasa sapagkat kaunti lamang ang kaniyang paglitaw sa libro, sa madaling salita, isa lamang siyang normal na karakter sa libro, hindi mabait at masama. Wala akong nalalaman sa kaniya, maliban sa isa na tumatak sa aking isipan.

               Nakita ko itong bumuga nang hininga bago humarap sa akin. Nanigas ang buong katawan nito nang makita akong nasa kaniyang harapan, at malapit pa ang mukha sa kaniyang dibdiban.

                "I was just wondering, Destiny." Tiningnan ko ang mga mata nito habang pinakiramdaman ang kaniyang pulsohan. May nagtatakang mata ang mga ito habang nakatingin sa akin.

               Ang natatanging impormasyon na nalalaman ko sa kaniya mula sa libro, ay ang kaniyang namumuhing naramdaman para kay Scarlet—ako. Sa libro, palagi siyang pinapatawag ni Scarlet sa tuwing mayroong okasyon upang magpaggawa nang bestida, ngunit kahit isa, hindi niya sinagot. At ang dahilan nito ay dahil kinasusuklaman ni Destiny si Scarlet.

                 "You're a tailor, right?" while still making eye contact with him, my hand slowly reached his side and with my swift hands, his possession are now mine.

                 Agad akong umatras habang ang kamay ay nasa likuran, tinatago ang gamit niyang nakuha. "What's your problem, Duke Schurke?" naiinis na tanong nito nang makalayo ako.

                  "Answer me, Destiny. You are a tailor, right?" demanda ko habang may seryosong ekspresyon. Binigyan ako nito nang matulis na tingin bago pinagpagan ang kaniyang sarili at ako'y sagutin.

                "Yes, Duke, I'm a tailor, I guess it's obvious." sarkastikong sagot nito na nagpa-init nang ulo ko. Seryoso akong nagtatanong tapos magpapaka-sarkastiko siya? Aba'y ang sarap niyang barilin sa ulo!

                 "Then, can you tell me, why you are bringing a sword, with you?" Tanong ko't ipinakita ang bagay na nakuha ko sa kaniya, at isang espada ito na nasa pinakamataas na kalidad na materyales.

                 Nanlaki ang kaniyang mga mata at agad na kinapa ang kaniyang tagiliran at nang napagtantong wala nga ito sa kaniyang lalagyan, ay binigyan ako nito nang nakakamatay na tingin at biglang lumalim ang kaniyang boses.

                "How did you get my sword, without me even knowing?" I smirked at his question, because it's pretty obvious.

A/N:

       So hi guys, early morning tayo ngayon kasi mag momodule, and then biglang pumasok sa isip ko na "HALA! DI KO PA PALA TAPOS YUNG CHAPTER 8!" kaya ayon, tinapos ko siya kagabie para mapublish yung chapter & 8 today, para naman Hindi masiyadong bitin para sa inyu heheheheheheh. I'm so sorry if hindi ako masyadong active na ha, kasi, busy eh. And I hope you understand! So yeah, Yun lang talaga sasabihin ko bwehehehehe. GOOD MORNING AKUMATIANS KO! DON'T FORGET TO EAT BREAKFAST AND START YOUR MODULE/ONLINE CLASS WITH A FULL TUMMY~ LAVE YAH!

The Villainess' ResolveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon