chapter nine: terminating oa means forgetting my past

3.7K 202 8
                                    

[Scarlet's POV]

Agad kong sinipa ng malakas ang pintuan at hindi nagdalawang isip na pumasok sa loob upang pigilan si Marquess Fleron sa kaniyang pananakit sa mga bata, lalong-lalo na kay Celeste.

Nang masira ko ang pinto at makapasok ay nakit ko ang isang kumpolan ng mga bata habang umiiyak at nakatingin sa nakaluhod na si Celeste na maraming pasa sa katawan. Mayroon ding mga batang nakakulong sa mga kulungan, at puro pasa ang mga ito.

Ang lahat ng naroon ay napatingin sa akin. Inilabas ko ang aking tinatagong espada at itinutok sa nanlalaking matang si Marquess Fleron na mayroong hawak na latigo. Iyan siguro ang ginamit niya para saktan ang mga bata.

Tinutok ko ang aking espada kay Marquess Fleron at gamit ang seryosong tingin, nagsalita ako. "Stop whatever you are doing, Marquess Fleron. I came to put you behind bars." malamig na usal ko.

Ang kaninang gulat na ekspresyon ay napalitan ng isang ngisi at tuwid na tumayo paharap sa akin.

"I guess you are a genius," tumingin siya sa gilid at tiningnan ang tatlong malalaking lalaki na nakatayo lang at mukhang naghihintay ng utos. "but you are naive and reckless." dugtong niya sa kaniyang sinabi.

Agad kong hinanda ang aking sarili nang ikumpas nito ang kaniyang kamay at biglang tumakbo papunta sa akin ang kaninang nakatayo lang na mga lalaki at mayroong mga hawak na sandata.

Malakas na sumigaw ang isang lalaki at hihiwain na sana ako nito gamit ang kaniyang palakol, mabuti na lamang at naiwasan ko ito. Hindi roon natapos ang kaniyang atake at muling inimbay ang kaniyang palakol. Sinangga ko ang kaniyang palakol gamit ang aking espada na pinahawa ko sa Inyu Black Smith.

Gamit ang dagger na nakatago sa aking paa at tinapon ko ito sa papasugod na malaking lalaki. Dahil sa ulo ito tumama, ay agad itong naputulan ng hininga at namatay.

'One down, three to go.'

Patuloy ko pa ring sinasangga ang mga atake Ng dalawang lalaki at dahil sa malalaki ang mga katawan nito't malalakas pa, ay nasugatan ako sa aking braso.

"Why don't you just give up, Duke Schurke? Or should I say... Oscuro Albacea's leader?" hindi ko binigyang pansin ang sinasabi ni Marquess Fleron at nagpatuloy na salanggin ang bawat atakeng binabato ng aking kaaway.

Ng sumigaw muli ang isang lalaki at tinaas nito ang kaniyang kamay na may hawak na palakol ay agad akong sumugod at hiniwa ang kaniyang braso ng mabilis. Hindi talaga maipagkakaila ang katibayan at tulis ng black tungsten diamond. Sapagkat naputol ko nga ang braso ng lalaki at tumilapon naman ito sa gilid.

Napaluhod ito at mahigpit na nakahawak sa kaniyang putol na braso at malakas na sumisigaw dahil sa sakit. Kapag hindi niya agad aagapan ang hiwang ginawa ko ay mamatay ito dahil sa pagka-ubos ng kaniyang dugo.

"Aaaaah!" agad akong napatingin sa kumpolan ng mga bata ng nagsigawan ang mga ito. Ang isang lalaki palang naiwan ay papunta sa kanila na may dalang malaking espada kung kaya't baka natatakot ang mga ito.

Gamit ang napakabilis kong takbo ay nagtungo ako sa kanilang gawi at kinurba ang aking espada upang putulin ang kaniyang ulo. Malakas na umagos ang malapot na dugo ng mapagtagumpayan ko ang pagputil dito.

Agad akong lumapit sa mga bata at sinabihan silang kumalma at pakawalan sa kulungan ang kanilang mga kasama. Ang lahat ay tumahimik ngunit tumutulo ang mga luha sa mata, pinipigilan ang sumigaw ng malakas dahil sa takot.

"Everything will be fine. I'll get you out of here okay?" usal ko sa kanila at binigyan ang mga ito ng matamis na ngiti. Nagsitinginan naman ang mga ito sa isa't Isa bago dahan-dahang at sabay-sabay na pinunasan ang kanilang mga luha at tumango sa akin.

Tumango ako sa kanila at agad naman silang naglakad papunta sa mga kulungan, upang pakawalan ang kanilang mga kasama habang ako ay napatingin sa gawi ni Celeste ng sumigaw ito.

Agad akong napatayo mula sa aking pagkaka-upo at mahigpit na hinawakan ang aking espada ng makita ko si Celeste na hawak-hawak ni Marquess Fleron at mayroong nakatutok na punyal sa kaniyang leeg.

"Marquess Fleron, why are you doing this? Let go of the kid." kinakabahan man at natatakot ay pilit kong tinatago iyon at sinusubukang kumbinsihin siya na pakawalan ang bata.

"Ha! This is all your fault, Scarlet. You should've just give me the organization just like what your father suggested! Then this whole thing shouldn't have happen in the first place!" malakas na sigaw niya sa akin. Mayroon kang makikitang poot sa kaniyang mga mata ngunit nakangisi habang nakatingin sa akin.

"And this bitch have one thing to do, but she failed! Infiltrating your office and steal your documents is an easy thing! Para saan pa na binihisan at pinakain ko ang babaeng ito kung wala naman pala itong silbi?" muling sigaw niya ngayon ay nakatingin na sa nahihirapang si Celeste at mas lalo pang diniinan ang kutsilyo sa kaniyang leeg.

My legs are already that weak because of my fight a while ago. I can't run with my full speed to stop Marquess Fleron. What should I do? Celeste might die!!

Mahigpit kong hinawakan ang aking espada bago ito itinaas at akma na sanang itatapon sa mukha ni Marquess Fleron ng bigla nalang ako makarinig ng isang kalabog at kasabay noon ang pagkahiga ni Marquess Fleron sa malamig na semento.

"You shouldn't hurt a girl, moron." napatingin ako sa lalaking nakatayo sa likod ni Marquess Fleron at nakita roon si Vrikian na mayroong naiinis na mukha habang tinutulungan na makatayo ng maayos si Celeste.

"I thought you left?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Galit na galit ito sa akin sapagkat hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo at hindi rin ako nakinig sa kaniyang sinabi, ngunit bakit siya naririto?

"I know you can't handle things here alone, especially in combat. I thought you need a hand." walang ekspresyong sagot niya habang tinatakpan ang sugat ni Celeste sa leeg.

Napangiti ako sa kaniyang sinabi at napahinga ng malalim. Gustong-gusto ko nang umuwi at matulog, pagod na pagod na ang katawan ko't napakasakit pa ng aking braso dahil sa hiwa rito.

Tiningnan ko ang mga bata at nakita ang mga itong umiiyak ngunit mayroong malaking ngiti sa mga labi habang niyayakap ang bawat isa.

'I hope these kids grew up as good people.'

Napatingin ako kay Vrikian ng hinawakan nito ang aking braso at agad na tinakpan ang sugat gamit ang isang kulay itim na tela na mukhang galing sa kaniyang suot sapagkat nakita kong may punit ito.

"You should be careful." lintaya niya nang hindi tumitingin sa akin at patuloy pa rin sa pagtakip ng aking sugat. Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita sapagkat pinipilit kong hindi umaray dahil sa higpit ng kaniyang pagkakatakip.

"I'll be terminating Oscuro Albacea." bulong ko sa kaniya. Tumingin ito sa akin gamit ang kaniyang seryosong tingin bago ako mahigpit na niyakap at kasama ang mga bata, lumabas kami sa underground basement.

'It's a tiring day, but I still have a lot of things to do.'

Pagkalabas namin ng orphanage ay agad naming nakita ang mga royal knights na nasa buong paligid ng orphanage. Nang makita kami ng mga ito at lumapit sa amin ang isa sa mga royal knight at tinanong kung nasaan si Marquess Fleron kung kaya't sinabi naming nasa underground basement.

"Today I'll be terminating OA. And terminating it means forgetting my past. Will I be able to do that?" tanong ko kay Vrikian nang makalayo na kami sa marami. Tumingin siya sa akin bago nilipat ang tingin sa maliwanag na kalangitan.

"I know you will. I'll be here beside you." kalmadong sagot niya. Hindi nakatakas sa akin ang maliit na ngiti sa kaniyang labi na naging dahilan din sa aking pagngiti.

The Villainess' ResolveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon