chapter eighteen: hunting gone wrong

6.1K 320 22
                                    

[Scarlet's POV]

Dumating ang araw na siyang pinaka-hinihintay nang lahat, ang annual hunting for nobles. Sa araw na ito gaganaping ang pangangaso.

Each and every noble family should have one representative who'll join the hunt that will represent their family and to showcase the talented younglads. But this year has been much more special due to the participation of the commoners.

"Are you participating Duke Schurke?" napa-irap ako ng palihim nang marinig ko ang boses ng lalaking iyon. Pinipigilan ko ang aking sarili na tumingin sa kaniya at baka masuntok ko siya nang wala sa oras sapagkat bumabalik sa akin iyong walang awang pagbaril niya sa akin kahit na ligaw na bala lamang iyon.

"Oo." tipid na sagot ko habang nasa mga taong naghahanda ng mga kabayo ang mata.

"Sigurado ka ba na, makakaya ng iyong katawan?" muling tanong nito at mukhang nasa tabi ko na sapagkat napakalapit ng kaniyang boses.

"Wala ka ng pake-alam." malamig na pagtatapos ko sa usapan at agad na umalis sa aking kinaroroonan at nagtungo kay Delfin upang kunin ang aking baril na siyang gagamitin ko sa pangangaso.

"Kamusta ang mga bata?" tanong ko kay Delfin nang makuha ko na ang aking baril at masuri ito.

"Umiiyak pa rin po. Nais talagang pumunta dito at makita ang kanilang ama at Ina na mangaso." muntik na akong mapasuka sa isinagot sa akin ni Delfin.

Aba'y tinuring ng mga batang iyon ang lalaki na iyon na kanilang ama!? Tsk. Hindi na naka-uwi ang prensipe sapagkat maraming binigay na katanungan ang apat sa kaniya na masaya naman niyang sinagot kung kaya't ang lima ay inabutan ng umaga at hindi na nakatulog.

Napangisi ako sa aking isipan ng makitang humihikab ang Prensipe ng tingnan ko ito. 'Mabuti nga sa'yo! Mahulog ka sana mamaya pagka sakay mo sa kabayo!'

"I see you want to be a murder, Villainia." binigyan ko nang matulis na tingin ang lalaking kakarating lang na may malaking ngisi sa mukha.

"Yes. I just wanted to strangle that neck of yours, Heraf." sarkastikong sagot ko at binigyan ng tingin ang nakayukong si Delfin.

"That's treason, Villainia. I might kill you because of that." usal niya na inirapan ko at walang ganang yumuko sa kaniyang harapan.

"Oh my I'm so sorry your highness. I didn't mean to threaten your life!" exaggerated na usal ko't pinunasan ang mga luha sa aking mata kahit na wala naman talaga.

"Good. Good. Good. You should kneel and beg for more." seryosong usal niya sa akin ngunit nakikita sa kaniyang mata na nasisiyahan din siya sa aking ginagawa.

"Your majesty, the game is about to start."  napatingin kami sa kasama ng emperador na dumating upang pabalikin na ang walang hiyang emperador na ito sa kaniyang silya na nasa harapan upang magbigay ng paunang mensahe bago simulan ang paligsahan.

"Ah right. Duke, Brother, good luck." nakangiting aniya bago tumalikod at kasama ang kakarating Lang, nagtungo sila sa entablado kung saan naroroon ang kaniyang silya.

"Why the h*ck are you beside me again?" naiiritang tanong ko sa ama ng quantroplets na nasa aking tabi hawak-hawak ang sa kanilang kamay ang baril, at sa kabila naman ang kabayo.

Ngunit hindi ko na hinintay pa ang kaniyang sagot at agad ako na umalis sa aking kina-tatayuan dala ang aking kabayo at nagtungo sa unahan kung saan itinalaga ang aking puwesto bago magsimula ang paligsahan.

At kung minamalas ka nga naman, kaharap ko ang walang hiyang lalaking pumatay sa akin sa dati kong buhay! Pashnea!

'Mapapatay talaga kita Heraf!'

Nawaglit sa aking isipan na mayroon pa palang isang Tao na nakakaalam sa katotohanan patungkol sa tunay na katauhan ng quantroplets. At iyon ay walang iba kung hindi ang lalaking mayroong malaking ngiti sa labi habang nakatayo paharap sa aming lahat. Ang emperador, na siyang pinakamalapit na kaibigan ni Scarlet.

"Good Morning, Participants." paunang salita nito at ang lahat naman ng tao na naririto ngayon ay tumahimik at nagsiyukuan sa harap ng emperador.

"You may all rise." lintaya niya. "All of you here today, are given the chance to showcase your strength and talent." pagtutukoy niya sa amin na makikilahok sa paligsahan.

"Today, marks the last day of our one week anniversary celebration ever since the founding of our empire. So go out there, and have fun! The winner, shall receive, whatever he/she wish to have, as long as I, the emperor and this empire can give you whatever you deemed to have." ang moral ng mga manlalahok ay halos tumaas ng limampung porsyento dahil sa kaniyang sinabi. Siguro nagayak ang mga ito na magpursige dahil sa ibinunyag na gantimpalang natanggap sa sino mang makapangaso ng marami.

"Position…" nagsimula nang magtungo ang lahat sa kani-kanilang posisyon habang sakay ang kani-kanilang mga kabayo upang maghanda na sa pangangaso. "Go!"

Sampung minuto. Sampung minuto na ang lumipas magmula ng pumasok kami sa loob ng enchanted forest na ito. At sa kasamaang palad ay wala pa rin akong nakakasalobong na maaari kong maging unang huli.

Nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa dumating ako sa hangganan na hinanda ng emperador. At kahit na ano man ang mangyari, ipinagbabawal ang krus sa hanggang ito. Sapagkat magmula sa hangganang ito, mga mababangis na at makapangyarihang halimaw ang naninirahan doon.

'Ano kaya ang naninirahan sa bahanging yaon?'

"Hey watch out!"

Dahil sa pagkataranta ng kabayo at mukhang may naramdamang kakaiba, ay naging malikot ito't naging maingay na naging dahilan ng aking pagkahulog at siya namang pagtakbo nito paalis.

'Pashnea! Hindi man lamang ako hinintay ng kabayong iiyon'

Tatayo na sana ako mula sa aking pagkaka-upo ngunit nang marinig ko ang galet na ungol ng isang gryffin ay naitutok ko ang aking baril sa walang isipang nagsisigaw na gryffin.

Tinapunan pa ako ng isang fire ball na nagmumula sa kaniyang bibig at kung hindi ako naka-ilag ay panigutadong tusta na ako ngayon.

"Damn you beast! I'm the greatest assassin in my last life! Your little tricks won't work on me!" malakas at galit na sigaw ko sa gryffin na ngayon ay naging dalawa na at pina-ulanan sila ng bala na mayroong kaunting kapangyarihan.

Fortunately, my touch haven't faded yet and the gryffin I was aiming fell down. 'Thats two!'

"We meet again, Assassination Queen." nanigas ako sa aking kina-uupuan at hindi natuloy ang pagtayo ng marinig ko iyon at mamukhaan kung kaninong boses iyon.

Ayaw kong itaas ang aking ulo sapagkat siguradong magtatagpo ang aming mga mata kapag tinaas ko.

"I have been looking for you. And the hunt, is over." tila ba para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kaniyang ini-usal at biglang nanlambot ang aking mga tuhod.

Bakit hindi ko man lamang naramdaman ang kaniyang prisensya? Bakit nawala sa aking isipan na maaaring mayroong ibang tao sa malapit bago isigaw ang mga katagang iyon!? Ngayon na nalaman na niya ang totoo, papatayin niya ba ako? Iyon ba ang dahilan kung bakit niya ako hinahanap!?

'BAKIT BA PALAGI NALANG NALALAGAY SA PELIGRO ANG AKING BUHAY!?'

The Villainess' ResolveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon