MAKE HIM SOFT

71 5 0
                                    


Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, bussinesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. There is no intention of writing or promoting any actions in this novel. Reader discretion is highly advised.

This story shows romance between same gender(male to male romance) so if you don't like to read such kind, you may stop right here.

Date Started: September 05, 2021
Date Ended: October 09, 2021

Wattpad: Nathan de Marco(@notreallyawesome)
Facebook Page: Not Really Awesome
Facebook: Nathan de Marco
Twitter: Nathan de Marco(@nathandemarcowp)
Gmail: yeranyoonie@gmail.com

Use #MakeHimSoft in your post or tweets so I could read your comments and opinions about my story. Thank you.

* * *

Lumipat sa St. Augustin Academy ang ulilang si Santi at Jake, magkaibigan na parehong iskolar ng misteryosong lalaki na pinangalanan ni Santi na Mr. Smiles. Hindi kasi mabura ng naturang lalaki ang mga ngiti nito kahit na nababasa ng binata ang mga emosyon sa hindi makapagsinungaling na mga mata. Bago magsimula ang klase ay nakaengkwentro ni Santi ang isang lalaki na nahuli niyang nagnakaw ng inumin sa convenience store. Wala sa kalooban ni Santi na manghusga kaagad kaya minabuti niyang sundan ang lalaki upang itama at pagsabihan. Nasa likas na kalooban na ni Santi ang pagtulong sa mga taong alam niyang nababalot ng kadiliman dahil napunta na rin siya sa ganoong sitwasyon kung saan si Mr. Smiles ang nagbigay liwanag sa kaniya.

Ngunit ang pagmamabuti ni Santi sa lalaki ay nauwi sa bugbugan kung saan dehado si Santi. Nang magpasukan ay nagawa namang makapasok ni Santi dahil matagal na niyang inaasam na makapasok pero hindi niya inaakala nang mamukhaan ang lalaking nakaupo sa likuran niya. Ang lalaking bumugbog sa kaniya noong gabing yon ay kinilalang si Andrei Arsenal na laman ng mga kwento bilang isang delikwenteng estudyante, palaaway, at kahit kailan ay walang nagawang matino sa pag-aaral tatlong taon na ang nakakalipas. Takot man kay Andrei si Santi ay hindi niya maalis sa sarili na tulungang alisin ang kalungkutan, pag-iisa, at kadilimang bumabalot sa binata. Kung kaya kahit palagi siyang sinusungitan, sinasamaan ng tingin, at umaaktong parang bato ay ginusto niyang makilala ang binata.

Hindi inaasahan ni Santi na makikilala niya nang husto ang binata. Hanggang sa hindi niya namamalayang unti-unti na siyang nahuhulog dito. May agam-agam at takot ay hindi niya mapigilan ang damdamin. Bagamat nagkakalapit na sa isa't-isa ang dalawang binata, hindi sila nakaligtas sa maraming mga problema dala ng mga hindi inaasahang pangyayari.

Magagawa bang palambutin ni Santi ang matigas na si Andrei at magawa ba nilang malagpasan ang mga problemang kakaharapin sa hinaharap?

©notreallyawesome

MAKE HIM SOFTDonde viven las historias. Descúbrelo ahora