Chapter 14

9 2 0
                                    


#MakeHimSoft14

Kinabukasan noong araw na iyon ay binilhan niya ako ng saklay para makatayo ako nang maayos. Parang hindi nga nagagamit yung saklay kasi 'pag tatayo ako, kahit sa pwesto ko lang naman tulad ng 'pag recitation, ay aakbayan niya pa ako at susuportahan sa pagtayo. Paglalakad naman ay lagi-lagi niya akong buhat sa likuran niya. Gusto niya nga nung pabridal pero ayoko na, ano. Nahiya na ako kasi mukhang kalat na kalat na sa buong St. Augustin ang relasyon namin.

Lalo pa't noong magkaroon ng change of relationship status ang mga facebook namin. Nakalagay na doon na in a relationship kami sa isa't-isa. Noong una ay nahiya ako pero kinatuwaan ko na rin.

Medyo mahahaba nga rin ang suot ko 'pag pumapasok tulad ng turtleneck dahil nakakainis na may marka ng mga halik doon si Andrei. I mean, nakakaadik naman talaga yung halik niya pero 'wag naman niyang markahan para ipahalata na hinalikan na niya ako.

Buong dalawang linggo ay siya lang ang kasama ko. Hindi na niya ako pinapauwi sa unit ko. Alam niya kasing magkasama ang mga tinitirhan namin ni Jake sa iisang building at ayaw niya munang bumalik ako doon.

Andrei was so possessive and I am also the same.

Pero iniisip ko talagang kausapin si Jake—yung harap-harapan. Gusto kong humingi ng tawad na hindi ko matutumbasan yung pagmamahal niya. Medyo nasaktan ako nang kaunti dahil pakiramdam ko ay nalagasan ako ng isang kaibigan. Wala rin akong kahit anong balita sa kaniya dahil hindi siya tumatawag o nagtetext man lang.

Hindi ko nga rin alam kung pumapasok siya dahil kahit kailan ay hindi ko siya nasalubong sa school lalo na't tuwing uwian. Pati si Lourd ay hindi ko na nakikita. Para silang nawalang bula at palaisipan pa rin sa akin kung anong meron sa kanilang dalawa at nagkasama sila.

Sa buong dalawang linggo ko nang paninirahan kasama si Andrei, nahati ang mga gawain ko sa dalawa. Ang umaga at tanghali para sa pag-aaral dahil nalalapit na rin ang finals para sa first sem. At ang buong gabi para makipagpaligsahan sa kaniya sa halikan.

Wala naman akong nakikitang mali. Hindi naman kami nalelate ng pagpasok. Maaga kaming nakakapagpasa ng mga school works. Wala kaming naibabagsak na mga activities. Nakakarecite pa rin naman kami. In short, kahit na may nangyayari sa mga gabi namin ay sinisigurado naming nagagampanan namin ang responsibilidad namin bilang estudyante. Tsaka, tulad ng paalala niya, minor pa ako. Kaya hanggang halikan lang.

Sa loob din ng dalawang linggo ay maraming nagbago. Uunahin ko na sa nasabi ko ngang hindi ko nakikita sila Jake o Lourd. Nababahala ako pero ayokong maghanap o magsalita. Bibigyan ko muna ng oras si Jake bago ko siya uli kausapin. Kay Lourd? Sana lang ay wala siyang ginagawang masama dahil pakiramdam ko ay lagi silang magkasama.

Nagsipag rin si Andrei sa pag-aaral. Kahit saang subject mo siya tanungin makakasagot siya kaya hinahangaan na nga rin siya ng mga kaklase ko. Minsan nga ay hindi ako makasabay sa kaniya kasi kapag sabay kaming nag-aadvance read, ang topic niya ay dalawa o tatlong lessons nang nauuna kesa sa akin. Ibig sabihin, mabilis talaga siyang umintindi at napakasipag na niyang magbasa. Natutuwa naman ako kasi magandang senyales na ito. At sa tingin ko ay dapat niya pang pag-igihan.

Dahil nga hinahangaan siya ng klase ay nabago na rin ang pakikitungo nila kay Andrei at ganoon din si Andrei sa kanila. Wala na yung Andrei na masungit at masama kung makatingin sa lahat. Wala na yung Andrei na nambubugbog ng mga aksidenteng bumabangga sa kaniya. Wala na rin yung Andrei makikipagsalitaan sa mga teachers na ayaw niyang kausap.

Nakikipagsabayan pa nga siya sa mga kaklase ko na kinakantyaw kami. Lagi na rin siyang ngumingiti sa lahat. Madalas niya ngang kadaldalan si Caesar na narinig ko muntik na niya basagin ang mukha noon. Kuya Andrei na rin ang tawag sa kaniya ng mga kaklase namin at nagustuhan niya naman na ganoon ang tawag sa kaniya kasi basically, siya ang pinakamatanda sa aming lahat kasi nga kaka19 niya pa lang noong November 8.

MAKE HIM SOFTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon