Epilogue Part 2

21 3 0
                                    

—I actually planned Epilogue to be one and for Andrei only to continue the Chapter 20. But I really love Santi so much that I want him to end this story in his last POV in this part. —

#MakeHimSoftEpiloguePart2

Siguro, baka ito na talaga yung huli. Kung noon ay lagi kong hinihiling na mangyari 'to, ngayon iba na.

Dati, sinubukan ko pang magbigti sa sarili naming bahay para lang masundan sila Mama. Wala na sila eh at ako na lang mag-isa kaya naisip ko noon na wala nang saysay ang buhay ko kasi wala na sila.

Pero dumating si Mr. Smiles. Naalala ko pa na siya ang unang sumapak sa mukha ko dahil kahit kailan walang gumagawa no'n sa akin. Kasi ang bait ko daw.

Yung sapak na iyon ang gumising sa akin at minulat ang mata ko sa bagay na hindi ko dapat ginagawa. Nakangiti man si Mr. Smiles no'n ay nakikita ko ang labis na galit sa mga mata niya sa pagtatangka kong bawiin ang sarili kong buhay.

Hindi lang naman 'yon ang unang beses na nagkita kami. Nakilala ko na siya noon nang sobrang lungkot ko kasi walang darating para sa Father's Day special event ng school ko. At siya ang nagpresinta para gumaan ang loob ko na nagawa niya.

Nakita ko na naman siya noong araw na muntikan na akong bumitaw sa buhay. Sinapak ako at sinigawan tungkol sa kamalian ko. Pinaalala niya na kahit kailan ay wala akong karapatan na bawiin ang sarili kong buhay dahil hindi naman 'yon sa akin talaga. Mula 'yon sa Diyos at siya lang ang may pwedeng kumuha ng buhay ko mula sa akin.

Noong mga oras na rin iyon ay tinanong ko siya. Gusto kong may magbigay sa akin ng kasagutan.

"Ano pang saysay ng buhay kung wala na ang mga magulang ko?" Sa napakabatang edad, sa dami-dami ng sakit matapos mawalan ng mga magulang, hinahanap-hanap ko ang kasagutan sa tanong na iyon.

"Babaliwalain mo na lang ba ang lahat ng ginawa sa'yo ng mga magulang mo? Nagpakahirap silang buhayin ka at alagaan. Hinubog ka nila sa paraang mamahalin nila. Mabait ka, masipag at may takot sa Diyos. Lahat ng pwede nilang iturong kabutihan ay nasa iyo. Tapos ngayong wala na sila ay itatapon mo na lang ang lahat? Sinasabi mo bang sayang na binuhay ka nila? Sinasabi mo ba na sana 'di ka na binigyan ng may taas ng buhay sa mundong ito? Kinalimutan mo na ba ang mga turo at aral ng mga magulang mo sa'yo?"

His words hit every nerves in me. I know Mom and Dad taught me many things. They mold myself the way I could enjoy life.

"Alam kong masakit mawalan. But throwing all their hard works for you was like telling them that they should just have left you and enjoyed their life on their own without you. I hope you realized how much efforts your parents did for you. I hope you realized that death was everyone's end but you know why God was giving us chances to live here? It is because He wants us to be happy with this limited life because once we passed away, we won't know when we'll have the happiness again. Maybe, in His paradise? But no one knows what will happens next if we died. We just have to trust Him with pure heart and enjoy what has He given us. That's how life works."

His words were the light to my darkness. But I realized that he himself was in darkness too. He's having a great smile but that couldn't hide the sufferings from his eyes. He's like giving his own torch for me to escape this dark room leaving him from behind.

Simula noon ay ginawa ko ang lahat para maibalik ang pasasalamat kay Mr. Smiles. Nag-aral ako nang mabuti at tulad nang sinabi niya ay nabuhay ako nang masaya kahit na wala na sila Mama at Papa. Naging pribadong tao si Mr. Smiles at hindi ko na masyadong nakikita pero nararamdaman ko pa rin ang pag-aalaga niya sa akin lalo na't nang makilala ko si Jake na naging kaibigan ko.

Tapos nang pinalipat ako ni Mr. Smiles sa St. Augustin ay nakilala ko naman si Andrei. Si Andrei na basag-ulo at hilig mambully ayon sa mga kwento. Marami daw siyang binugbog at laging lapitin ng away.

MAKE HIM SOFTWhere stories live. Discover now