Chapter 09

11 2 0
                                    


#MakeHimSoft09

Kakatapos lang namin ni Andrei magdinner. Medyo inis nga siya kasi daw kakain pa lang niya noong sopas. Sarap ngang batukan kasi nagkulitan pa kami bago ko siya napapayag. Tsaka dalawang oras na lumipas noong kumain siya ng sopas, hindi na kakakain lang 'yon. Ano akala niya naidlip lang siya?

"Pwede bang makiligo?" I asked him. He was preparing for another nap. He look at me with a smile of amusement. He slowly nodded at me and so I immidiately stood up and get the towel I saw hanging.

"You'll wear the same underwear?" Napahinto ako nang magtanong siya. Parang nahiya ako sa tinatanong niya kaya hindi ko na lang siya pinansin at pumasok sa loob ng banyo.

Ano naman sa kaniya kung susuotin ko uli? Malinis naman 'to!

Hindi rin ako nagtagal sa banyo. Pinapatuyo ko ang buhok ko nang lumabas ako. Nakita kong mahimbing na natutulog si Andrei sa kama niya.

Dahan-dahan akong lumapit at sinubukang 'di gumawa ng kahit anumang ingay. Napansin kong hindi na siya sobrang nakatalukbong. Nakapatong yung kumot hanggang sa dibdib niya at napatong sa labas ng kumot ang mga braso niya.

Lumapit ako sa study table at naupo. Nilabas ko yung gamit ko at gumawa ng ilang mga essay na pinapagawa sa amin sa Filipino. Alas-otso pa lang at unti lang naman ang mga susulatin ko kaya alam kong matatapos ko kaagad.

Mga alas-nuebe, isang oras matapos kong magsimulang gumawa, ay natapos rin kaagad ako. Abala ako sa pagbabalik ng mga gamit ko sa bag ko nang biglang bumangon si Andrei. Napatayo kaagad ako at napasunod nang makitang papunta siya sa banyo.

"Anong gagawin mo?"nag-aalala kong tanong nang masalubong ko siya sa dulo ng kaniyang kama.

Mabilis kong sinipat ang leeg at noo niya gamit ang likuran ng palad ko. Napangiti naman ako nang bumaba ang lagnat niya. Hindi na nakakapaso ang init.

"I'll pee. You wanna join?"tanong niya nang may maliit na ngisi sa kaniyang mga labi. Bigla naman akong nahiya kasi akala ko kung anong gagawin niya sa banyo. Sana lang ay hindi ako namumula dahil kanina pa niya ako pinapahiya dahil sa mga sinasabi at kinikilos niya.

Nanahimik na lang ako at inalalayan siyang pumasok ng banyo. Isasara ko na sana ang pinto nang pigilan niya ng kamay niya at sumilip sa akin.

"You sure you don't want to join?"he asked, teasing me. Hindi ko alam pero hindi ko maipaliwanag at bigla rin akong nakaramdam ng parang naiihi nga ako kaya nanlaki ang mga mata ko.

Mabilis kong tinulak ang pinto kasi bigla talaga akong nakaramdam na naiihi. Tumapat ako sa banyo at binuksan ang zipper ko.

"Naiihi na ako! Sorry!"sigaw ko kahit na alam kong nasa likuran ko lang siya. Wala namang kaso. Lalaki naman ako, lalaki rin siya. Basta 'wag lang siyang sisili—"

"Hoy! 'wag kang sumilip!"sigaw ko nang maramdaman kong palapit siya sa akin. Aba'y may sakit na at loko-loko pa rin. Nagmadali akong umihi tapos sinara ang zipper ko at naghugas ng kamay.

Lalagpasan ko na sana siya at papalabas na sana ako ng banyo nang hawakan niya ako sa braso at iharap sa kaniya.

Nakaramdam ako ng kaba dahil sa kakaiba niyang tingin. Napalunok tuloy ako ng kung ano dahil parang nanunuyo ang lalamunan ko.

"B-Bakit?"nauutal kong tanong. Nag-iwas din ako ng tingin kasi 'di ko kinakaya ang mga tingin niya. Pinagpapawisan din ako sa tensyong pinaparamdam niya.

Ako ata yung nilalagnat eh!

"I waited for you while you peed. You'll wait for me too." His voice is seductively husky and that made my heart race fast inside my chest.

MAKE HIM SOFTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon