Chapter 16

14 2 0
                                    


#MakeHimSoft16

Pinili kong 'wag magtanong noong araw na iyon kahit na sobra-sobra ang pag-aalala ko dahil sa mga sinabi ni Lourd. Itinikom ko na lang ang bibig ko mula sa pagtatanong at nirespeto ang pananahimik ni Andrei tungkol doon.

Para mabawasan ang tensyon na nararamdaman namin, gumawa ako ng paraan para pagaanin ang mga dibdib namin kaya noong kinagabihan ay nagpresinta akong maghanda para sa noche buena.

Nagluto ako ng spaghetti para sa aming tatlo nila Andrei at Mr. Butler na sama-samang magsecelebrate ng Pasko kinabukasan. Nag-order pa nga si Mr. Butler ng isang buong lechon at ham para sa magaganap na salo-salo sa gabi.

Noong malapit nang sumapit ang pasko, sama-sama kaming tatlo na nagkasiyahan sa hapag kainan. Nagkaroon din ng maliit na inuman sila Andrei at Mr. Butler. Sasali sana ako sa inumang iyon pero ginamit na naman ni Andrei ang alas niyang 'minor age' pa lang ako kaya juice muna ang binigay niya sa akin.

Kinabukasan, hinayaan naming magsaya sa buong kapaskuhan. Binigyan ni Andrei ng pera si Mr. Butler para magliwaliw kung saan niya gusto at bumili ng mga kung ano-anong gusto niya para mapasaya ang sarili niya at pasasalamat na rin namin na lagi siyang nandyan para bantayan kami at ihatid kung saan-saan.

Dahil nga may tirang lechon at mga ham, nagsaing ako nang pagkarami-rami tapos nagpabili ng styro na lalagyanan at mga inumin na juice para ipamigay sa mga pulubing lagi naming nadadaanan malapit sa St. Augustin. Alas-tres na kami ng hapon natapos sa pamimigay ng mga pagkain at inumin.

Masaya lang at hindi nakakapagod na mamigay lalo na 'pag nakikitang nagniningning ang mga mata nila sa tuwa.

Ang mga natitirang oras namin ay ginugol namin ni Andrei para sa sarili lang namin. Nagkulong kami sa kwarto at hindi na nag-abalang gumala pa. Masaya na kami basta magkasama kami.

"This is for you, my love." Napadilat ako nang magsalita siya. Napabangon naman ako habang nauupo si Andrei sa tabi ko.

Nakahubad pa ako at tanging boxer lang ang suot. Wala namang nangyari maliban sa tipikal na halikang minamahal ko.

Iniabot niya sa akin yung maliit na box. Malaman ko pa lang na regalo niya iyon sa akin ay napababa ako sa kama at napahalughog sa bag ko para naman hanapin ang regalo ko rin para sa kaniya.

Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama at iniabot din sa kaniya ang isang box na mas malaki kesa sa box na binigay niya.

"A gift for me?"tanong niya na sinagot ko lang ng matamis na ngiti. Magkaharap kami at nagtititigan, parehong hindi pa binubuksan ang mga kahong regalo namin sa isa't-isa.

We both mouthed our thanks and slowly opened the gifts we received. My lips hanged with awe when I saw a small silver ring inside the box. That was already touching even it is a simple ring. No diamonds, just flat ring. But I thought there were no other special than itself when I saw the names curved outside and inside. Outside was our names curved in cursive.

Santi Noel Andrei

Then the names inside were all the people who we are thankful for. Three names were specially important to me and the other one was his very lovely mom.

Love you Santana, Ronoelino, Andrea, and Mr. Smiles.

Napatakip ako ng mga palad sa mukha ko nang sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ko. Sa lahat ata ng regalo ay ito na ang pinakanagustuhan ko at pinakaiingatan ko. Maliban sa nakaimprenta ang pangalan ko katabi ng mahal ko ay nakalagay din ang mga pangalan ng mga taong importante sa amin na parang sinasabi na sila ang bumubuo sa kung ano kami ngayon. Sobra akong masaya na hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko.

MAKE HIM SOFTOnde histórias criam vida. Descubra agora