Chapter 05

17 3 0
                                    


#MakeHimSoft05

Lumipas ang isang linggo at isang linggo ko ngang hindi pinapansin si Andrei-as if naman magpapapansin siya sa akin. Tinatanong na nga ako ni Sir Philipp tungkol sa progress ng tutoring session pero puro 'okay lang' ang sinasagot ko kahit wala pa naman talagang nasisimulan.

Hindi ko naman siya matuturuan tsaka binigyan ko siya ng notes ko. Hindi ko alam kung binabasa niya ba. Talagang makulit si Andrei at hanggang ngayon ay either 'di siya nagpapasa o binabagsak niya yung mga pinapasa niya.

Medyo maingay sa labas ngayon dahil may event para sa science club. Wala ring klase ngayong umaga at sa hapon pa magsisimula dahil may quizbee ngang nagaganap sa baba.

Nag-iingay lang ang mga kaklase ko at lahat-lahat. Nakaupo ako sa upuan ko habang nakikipagkwentuhan kay Dennise na marami talagang napapansin sa school. Absent kasi yung partner in crime nitong si Dennise na si Caesar eh kaya ako ang kinukulit.

"Naalala ko dati nakigamit kami ng computer doon sa ICT room tapos doon sa naupuan ko, grabe, naamoy ko yung earphone! Ay, nako, ang asim!" Kwento ni Dennise na may actions pa.

"Grabe ka naman,"komento ko pero natatawa talaga ako sa sinasabi niya.

"Totoo! Grabe, kaya sinasabi ko sayo 'wag ICT student kasi... Basta, 'wag!" Napailing na lang ako. Napakageneral naman nitong si Dennise.

"Nako, Dennise! Kung alam mo lang Santi, nabusted kasi 'to ng taga-ICT kasi gan'yan na lang kung makakwento, exaggerated,"sabat ni Lhorie na kakadating lang. Bigla siyang hinarap ni Dennise at pinalo kaya napatawa kami ni Lhorie.

"Hoy, ang ingay ha! Tsaka totoo naman!"

"Dennise, Dennise! Kasama mo ako noong mga oras na iyon. Kakaulam mo lang ng sinigang kaya baka hininga mo lang yung naamoy mo! Makabintang ka eh!"

At doon na nga nagsimulang magbangayan sila Dennise at Lhorie kaya napapailing na lang talaga ako at napapatawa sa mga paratang nila sa isa't-isa.

I heard someone cleared his throat behind and I wouldn't have to look at him to know who it was. I felt him kicked my chair and made noise at the back making the two arguing girls stop and look at him.

Sinitsitan ako ni Lhorie at tinuro ng nguso niya si Andrei na tinignan ko rin habang papalayo at papalabas ng classroom. Parang gusto ko tuloy siyang kausapin pero ayoko magsorry kasi wala akong kasalanan, okay? Pero nagi-guilty din ako na 'di ko siya kinausap.

Ay, basta!

"LQ?" Napabaling ako kay Dennise na nakangisi at tumataas-taas pa ang kilay. Napabuga ako ng hangin at umiling nang mabilis.

"Hindi, ah. Baliw!"

"Weh?" pang-aasar din ni Lhorie. Sinamaan ko silang dalawa ng tingin kaya napatawa silang pareho. Lakas talaga mang-inis eh!

"Hindi nga!"

"Sundan mo kaya? 'di ba lagi ka namang nakabuntot sa kaniya?"tanong ni Lhorie na ikinatawa ko naman.

"Hindi ako buntot!" Tumayo ako habang kinakantyawan nila ako." Magsi-cr lang ako,"paalam ko.

"Cr, ha? Panigurado, susundan."

"Nako, Santi. Tanggap na namin, 'wag mo nang itago."

Pinitik ko na lang silang dalawa sa noo dahil sa mga pinagsasabi nila. Lakas ng tama ng dalawang 'yon. Kung ano-anong iniisip tungkol sa akin.

Pero actually, tama naman sila-sa part na susundan ko si Andrei. Kailangan ko na talagang maging tutor para sa kaniya. Nagpresinta pa naman ako kay Sir Philipp na tuturuan ko siya tapos wala namang nangyayari.

MAKE HIM SOFTWhere stories live. Discover now