Chapter 03

16 3 0
                                    


#MakeHimSoft03

He heave a sigh and rolled his eyes before throwing my filler in my face. I fought the urge to be mean because my Mom told me to be always nice because I don't know what others had been through but this guy's been testing my patience.

Oras-oras kong kinukulit si Andrei na tuturuan ko siya pero lagi niya na lang ako 'di pinapakinggan at magsusuot pa siya ng earphone.

Uwian na at kinukulit ko pa rin siya. Bigla na siyang tumayo nang marinig yung pagring ng bell senyales na pwede nang umuwi. Nabigla naman ako kasi bakit nga naman siya mag-aayos pa ng gamit niya eh wala naman siyang nilalabas na kung ano sa bag niya. Basta-basta ko na lang tuloy sinalpak sa bag ko yung mga gamit ko at hinabol siya sa may pintuan.

"Hoy, Andrei, makinig ka naman sa akin!" Sumigaw na ako pero talagang makulit siya. Isa sa kinaiinisan ko ay kailangan ko pa siyang tingalain 'pag nakatayo siya. Medyo matangkad kasi siya sa akin, siguro kasi nga mas matanda siya sa akin ng ilang years.

Inagaw ko yung earphone na nasa kaliwang tenga niya at humarang agad ako sa harapan niya bago pa siya makalabas ng classroom. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga kaklase ko.

Tinignan niya ako nang pagkasama-sama. Huminga ako nang malalim at iniabot yung filler ko. Nag-effort pa naman ako na isulat iyon nang maayos at creative para lang maengganyo siyang mag-aral.

"Study these lessons at home and I won't bother you that much." I saw him clenched his jaw and ball his fist, maybe due to annoyance.

I thought he would grab the filler but he grab my collar instead and pushed me. Napaupo tuloy ako sa sahig at pati mga kaklase ko ay nagulat.

"Tutor me? I don't even know who you are and your name." Pagkatapos no'n ay presko niya akong tinalikuran at naglakad habang ang parehong kamay niya ay nasa loob ng bulsa niya.

Lalapit na sana mga kaklase ko sa akin pero bigla akong tumayo at ngumiti nang pagkalawak-lawak. Hinabol ko si Andrei dahil malapit na siyang makababa sa hagdan.

"Santi Noel!" Sigaw ko habang hinahabol siya.

"Santi Noel, pangalan ko!"sigaw ko pang muli. Siguro nagmumukha na akong tanga kakasigaw pero desidido lang naman ako na turuan siya kasi sayang yung ilang years. Napapatingin tuloy sa akin yung mga estudyanteng nadadaanan ko.

Mahahabol ko na sana siya sa hagdan at mahahablot ko na sana ang braso niya nang may humila sa akin at umakbay sa leeg ko.

"Hey, you shouldn't shout your name loud. I would be jealous if someone know your full name except me." Napatingin ako kay Jake na ang lawak-lawak din ng ngiti habang mahigpit na nakaakbay sa akin.

"Tss. Baliw!"sabi ko sabay palo sa dibdib niya.

"Who do you chase, li'l cat?" Tanong niya. Napatingin tuloy ako sa hagdanan at napasilip pa pababa pero wala ng bakas ni Andrei.

Hmp, epal talaga 'tong si Jake.

"May hinahabol kasi ako, Jake, eh. Tuturuan ko sana kasi tutor niya ako." Pinakita ko yung filler na sinulatan ko. Tumango si Jake at niluwagan ang pag-akbay sa akin. Buti naman at 'di ako kinulit.

"Mauna ka na lang muna kasi makulit 'yun eh,"paalam ko kay Jake na tatawa-tawa habang nagpapaalam ako. Tumango uli siya kaya mabilis pa sa alas-kwatrong tumakbo ako pababa ng hagdan.

"Be careful, sweetie,"sigaw ni Jake mula sa floor kung saan ko siya iniwan.

"Baliw!"sigaw ko din habang tatawa-tawa. Lakas talaga ng tama no'n. Buti na lang at medyo good mood ako kasi 'pag ganoong tawag niya sa akin eh naiinis talaga ako eh.

MAKE HIM SOFTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon