Chapter 11

8 2 0
                                    


#MakeHimSoft11

I am wearing a yellow knitted vest with a cute design of a bunny at the center partnered with a black maong shorts. I even styled my hair for this day.

Matapos magbihis at magpabango ay nagmadali rin akong bumaba nang mabasa ang text na naghihintay na sa parking lot si Andrei.

Today's Sunday, two day after his special day. Ngayon namin na pagdesisyunang magcelebrate dahil nga may pasok noong biyernes at busy naman ako sa schoolworks kahapon, sabado.

I planned this day to celebrate his nice birthday. I talked to him last night and we'll go to three places. First, we'll go to church.

Sabi niya kasi bata pa siya noong nakapagsimba uli siya. Gusto ko uling pagsimbahin siya para naman hindi niya makalimutan na maliban sa akin ay kasama niya rin ang Diyos. At tsaka isa pa, dapat na ipagpasalamat namin yung kaarawan niya. Ako rin ay maraming gustong ipagpasalamat sa Kaniya tulad ng mga pagbabago ni Andrei na mabuti para sa kaniya at kinabukasan niya.

Pangalawa, dadalawin namin ang Mama niya. Naisip ko na dapat niyang bisitahin ang mama niya kasi nga hindi rin siya nakabisita noong birthday niya dahil may pasok. Syempre, matapos magpasalamat sa Diyos at kay Jesus, dapat din siyang magpasalamat sa mapagmahal niyang mama na nagbigay sa kaniya ng buhay dito.

Pangatlo, balak naming tuluyang ubusin ang mga oras sa araw na 'to para magsaya sa mall. Gusto kong kumain kami, kumanta sa videoke booth, maglaro sa arcade, at kung ano-ano pa na gagawin namin nang magkasama.

Ano bang nagbago sa relasyon namin? Wala. Ayokong magsalita tungkol do'n dahil sa may nangyari. Hindi pa ako handang magbigay sa kaniya ng kung anong sagot. May agam-agam at takot pa ako tsaka balak ko munang tapusin ang masayang araw na 'to bago ko siya liwanagin sa mga bagay-bagay sa pagitan namin.

Ilang oras ko rin kasing pinag-isipan yung nangyari at lahat-lahat pero wala akong makuhang malinaw na sagot kung oo ba o hindi o kung dapat bang ikonsidera ko ang nangyari para magdesisyon o hindi. Naisip ko na lang na sumagot 'pag pwede na. 'pag hindi ko pa rin alam, e'di kung ano na lang ang maisip kong sagot. Ayoko lang na mag-isip siya ng kakaiba at mali dahil lang sa may nangyari.

Basta, ang masasabi ko lang ay hindi naman ako nagsisi sa halik na nangyari. Ako ang naunang kumilos laya alam ko ang ginawa ko noong araw na iyon.

Pagbukas ng elevator ay lumabas agad ako at 'di kalayuan ay naaninagan ko na agad siya na nakasandal sa likod ng sasakyan.

I see his eyes glittered with amusement as I ran in to him. His lips were all smiles that I always see since that day. That smile, it is so magically special. I'm so invested to see those curved lips that fascinates me.

"Hi!"sabi ko nang makalapit ako. Para siyang hindi makapaniwala sa akin. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa habang 'di nawawala ang kakatwang ekspresyon ng masaya niyang mukha.

Ganoon ba ako kapogi sa suot ko para mamangha siya ng ganiyan?

"That was an easy access, Santino." My eyes rounded in surprise not just because of what he said but also because his hand run through my stomach sending a wild zoo inside my system and it messes my calm self.

Mabilis at nahihiya kong tinapik ang kamay niya na hinahaplos ang tyan ko. Medyo ma-igsi kasi ang suot kong knitted vest kaya medyo nakaangat at kita ang ibabang parte ng tyan ko.

"You look seductive today,"he said and try to pull the garter of my underwear which made me push him far away from me. His eyes were still in between my vest and in my shorts.

"Fashion 'to!"sagot ko. Gusto ko kasi yung pormahan nung ilang korean men and this was inspired to it. Medyo nakalabas din yung garter nung underwear ko kaya 'di ko siya masisi kung seductive nga. But this is merely for fashion style, not for him to be seduced.

MAKE HIM SOFTDonde viven las historias. Descúbrelo ahora