Chapter 06

18 2 0
                                    


#MakeHimSoft06

Pagkauwi namin ni Jake noong araw na iyon ay nagbihis agad ako nang maayos na damit. Talagang pupuntahan ko si Andrei sa bahay niya.

Nagsuot lang ako ng plain faded yellow tshirt and tucked the front inside a white maong shorts. Nang makapag-ayos na ako ay binitbit ko ang bag ko dahil hindi naman iyon ganoon kabigat at iilang gamit lang laman no'n. Kumatok ako sa unit ni Jake para magpaalam pero ilang minuto na at walang sumagot.

Actually, ang weird niya kanina pa. Nakangiti siya nang masalubong ko pero parang hindi yung normal. Parang hindi tama. Pero isinawalang bahala ko na lang. He fix his things on his own.

Tinext ko na lang si Jake na aalis ako at pupunta sa classmate ko. Hindi ko sinabi na si Andrei ang pupuntahan ko kasi mukhang may away talaga sa pagitan nilang dalawa.

Nang makababa sa condo ay nagbook na lang ako sa Grab at nagpahatid sa tinitirahan ni Andrei.

"Sa Mendez-Arsenal Village po,"saad ko. Nalaman ko lang din na maliban pala doon sa malaking bahay ni Andrei eh pagmamay-ari rin pala ng pamilya niya iyong buong village.

Ang yaman naman pala talaga nila.

The ride didn't took so long. Nang nasa entrance na kami ay tsaka lang kami hinarang kaya doon ako napababa sa may entrance at kinakausap yung guard.

"This village is owned privately so who are you and what are your intentions?" Medyo natulala ako kasi kahit si kuyang guard, na hindi naman mukhang guard-much more look like a celebrity, ay nag-eenglish din.

"Uhm, kuya, Santi Noel Feliciano po. Kaklase and tutor po ni Andrei Arsenal,"sagot ko. Pinaningkitan ako ng mata ni kuyang guard kaya medyo nailang ako.

"I'll just call Mr. Arsenal to confirm your entrance," sabi niya tapos ay pumasok doon sa maliit niyang office at kinuha ang telepono para tumawag.

Nagkaroon ng medyo matagal na usapan sa loob. 'di ko alam kung nagkukwentuhan na ba sila kuya guard o talaga tight ang security kaya natagalan bago siya lumabas at papasukin ako. Dumaan pa nga ako sa security scanner at pinaalalahanan pa ako na puno ang buong village ng security surveillance.

Grabeng higpit naman nila!

Nang makapasok ako sa entrance ay naglakad ako ng pagkalayo-layo bago ko natanaw ang pamilyar na bahay. Isang beses pa lang naman akong napunta dito ngunit mapapansin kasi talaga na isa 'to sa pinakamalaki kesa sa mga nasa bungad kanina.

Sa may gate nung bahay ay nasalubong ko doon si Mr. Butler. Iginaya niya ako papasok ng bahay nila o pwede na ring tawaging mansyon.

Pagbukas ng malaking pinto ay grabe na ang pagkamangha ko. Maraming kumikinang na gamit. Tapos may mga vases na malalaki rin.

Nakakatakot lapitan kasi baka mabasag!

Pagpasok ko pa lang eh nasa bungad na agad ang hinahanap ko. Nakaupo siya sa sofa habang yung mga siko niya ay nakapatong sa hita niya. Magkakrus ang mga daliri niyang natatakpan ang bibig niya habang yung mata niya ay sinasamaan na naman ako ng tingin.

Bigla kaming iniwan ni Mr. Butler kaya lumapit ako kay Andrei at medyo yumuko para bumulong.

"Sure ka bang bantay mo 'yon? Mukha pang siya ang babantayan natin eh,"komento ko kasi mas matangkad pa ako kay Mr. Butler tapos medyo bata pa talaga ang mukha.

"He's already 34. Don't get deceived by his looks and height,"saad niya tapos ay sinalubong niya ang mga mata ko.

Napaawang pa rin ang bibig ko dahil sa sinagot niya tungkol sa butler niya nang magtanong uli siya.

MAKE HIM SOFTWhere stories live. Discover now