Chapter 08

19 2 0
                                    


#MakeHimSoft08

"Nabigay mo na ba?"tanong ko kay Jake na nakangiting kumakain ng Andoks na binili niya. Sabay kaming naghahapunan at linggo ngayon.

Hindi ko pa nakakausap si Andrei simula noong iwanan niya ako noong biyernes. Hindi ko rin naman alam ang gagawin dahil hanggang ngayon ay binabagabag pa ng isipan ko yung mga sinabi ni Lourd. Hindi ko tuloy nabisita si Andrei kahapon para sana itutor siya. Hindi ko rin naman siya pwedeng bisitahin ngayon kasi nakalaan ang buong araw ko ngayon para sa paggawa ng mga activities, pagsimba, at pagsulat ng mga liham kay Mr. Smiles na matagal ko na ring 'di nakita.

"Yes, li'l cat,"he answered with a smile but with bore tone. I finished all my activities and just finishing my food tonight. After that, I'll relax myself so I won't be too much stressed for another start of the week tomorrow.

"Bakit ba li'l cat tawag mo sa akin?" Ngayon ko lang natanong kasi wala na akong masabi. Huminto siya sa pagkain at natatawang tumingin sa akin.

"So you better like the 'sweetie' call name?"he asked, starting to get me pissed. I rolled my eyes and continued eating.

"Ewan ko sa'yo,"I said, trying to ignore his response. I heard him chuckle at my remark.

"Because I am a lion and you are just simply a cat. Basically, you're smaller than me,"he reasoned out. Napatingin ako sa kaniya nang masama tapos uminom muna ako ng tubig bago nagsalita.

"Makasabi ka naman ng maliit. Bakit gaano ka ba kalaki?"tanong ko. Hindi man kami magkasing height eh hindi naman nalalayo ang agwat ng tangkad namin. May laman-laman lang siya unti kesa sa payat kong katawan pero hindi naman din gaano nalalayo sa hulma.

Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Maya-maya ay bigla na niyang inaalis ang situron niya at nang bubuksan na sana niya ang zipper ng pantalon niya ay mabilis na nanlaki ang mga mata ko at bigla akong tumayo.

"Anong ginagawa mo?!"pasigaw kong tanong. He raised his hand and slightly pinch my cheek that I felt like burning together with my ears.

"You basically asked how huge I am. So I'm gonna show and prove you that I am bigger than yours,"he answered with full confidence that annoyed me.

Napaiwas ako ng tingin at napahawak sa panga ko. Naiinis at hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi ng loko-lokong lalaking 'to. Hinarap ko uli siya at pinigilan ang sarili kong saktan siya.

"So yung lion at li'l cat ay para idescribe yung..." Napahinto ako. Hindi ko alam kung paano itutuloy. Nakatingin lang siya sa akin nang may malawak na ngiti at tumataas-taas pa ang kilay niya.

"Yes, Santi. Yes. I didn't have to see yours to know how small you are." Umiling na lang ako at tinalikuran siya. At, oo, asar na asar ako sa kaniya ngayong gabi. Tuluyan nga niyang nasira ang gabi ko at hindi pa ako nagpapahinga para magbawas ng stress ay naii-stress na talaga ako.

"Kumain ka na lang tapos iwanan mo ako. Sumasakit ulo ko sa'yo, Jake,"sabi ko ka lang at 'di siya tinitignan. Narinig ko siyang humalakhak tapos ay bumalik sa kinauupuan niya. Nagmadali akong kumain kahit na nararamdaman kong tinititigan niya ako at sinusubukan pang inisin.

Bahala siya dyan!

After I ate, I placed my plate and utensils in the sink and ran in to my room then locked the doors. Ayoko muna siyang makausap. Bahala siya dyan.

Nakatulog ako dahil sa inis kay Jake kaya noong kinaumagahan ay natuwa naman ako nang hindi ko siya makakasabay pumasok. Bigla kasi siyang nagtext na nauna na siya at hinayaan ko na lang muna kasi ayokong mainis ngayong umaga at baka masaktan ko na talaga siya.

MAKE HIM SOFTWhere stories live. Discover now