Chapter 10

16 2 0
                                    

—A lovely note: Kissing scenes ahead! Please be advised. You can read or you can skip, your choice.—

#MakeHimSoft10

Days passed so fast. Andrei and I were keeping our frienship closed. I am always with him because I am tutoring him. At school, we are still together.

"Alam mo, Jake, nakakainis kasi sabay naman kaming nagreview ni Andrei kagabi pero mas mataas ang score niya sa test kanina kesa sa akin,"'di makapaniwalang kwento ko kay Jake habang naglalakad kami sa hall ng parehong floor kung nasaan ang mga unit namin.

"Tapos—"dudugtungan ko pa sana nang putulin ni Jake ang sasabihin ko.

"Santi, silence, please." Bigla akong kinabahan nang banggitin ni Jake ang pangalan ko na madalang niya lang gawin. Tapos yung boses niya, napakalamig.

Napatigil kami sa harapan ng mga unit namin. Nakatingin ako sa mukha niya. Mukha siyang pagod at wala na rin yung natural na nakakainis niyang ngiti. Hindi na siya mukhang tulad ng dati.

Unti-unting nawala ang mga ngiti ko. Nagkakatitigan lang kami at walang nagsasalita sa aming dalawa.

Matapos ang ilang minutong hindi kumikilos at hindi nagsasalita ay binasag niya ang katahimikan sa pagitan namin.

"I'm tired. I'll rest." His words almost faded. I am very worried about him. I suddenly grab him in the arm.

"May problema ka ba sa'kin?" Bumibilos ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako sa maaaring maging sagot niya. Hindi pa rin siya sumasagot o humaharap man lang kaya nagtanong akong muli.

"Kaibigan pa naman tayo, 'di ba?" Mukhang nabigla siya sa tanong ko kaya napalingon agad siya sa akin at dahan-dahang humarap. Isa sa mga nagbago sa kaniya, madali na rin siyang basahin. Marami na rin siyang emosyon maliban sa nakakainis na ngiti pero ang mga emosyong pinapakita niyang iyon ay puro negatibo.

His eyes were worriedly looking at mine like he's finding something within my eyes. He cupped my face with his hands. He then use his thumbs to wipe my tears which I didn't notice earlier.

"H-Hey, we're still friends. I'm just tired." That cracked voice when he started to talk was remarkable, he's really different. I swallowed a lump in my throat as I slowly nodded my head, trying to believe what he have said.

"Kung hindi ka okay sa'kin, sabihin mo, ha. Tatanggapin ko kung ayaw—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis niyang hinila ang ulo ko para yakapin.

"Shhh, no, li'l cat." He gently rub my back to soothe my feelings. I leaned my head in his shoulder and warped my arms around him. I then tapped his back with my palm.

"Hilig mo talaga akong inisin pero ito yung nakakainis na 'di nakakatuwa,"komento ko dahil naiinis ako na nag-aalala sa kaniya. Kasi wala naman siyang sinasabi. Alam kong gusto niyang sinasarili ang mga problema pero minsan nakakasakit na puro sa sarili niya lang.

Kung kailangan niya ng tulong, handa naman akong tutulungan siya. Ayoko lang na parang ganito na magkasama kami pero awkward. Sabay kaming uuwi pero parang ang layo-layo niya sa akin. Nakakasakit din yung pakiramdam na may kasama ka pero para kang mag-isa. Mas masakit sa mag-isa ka lang talaga.

"I'm very sorry you got worried,"paghingi niya ng paumanhin na tinanggap ko naman sa pagsagot ng tango kahit nakayakap sa kaniya. Dahan-dahan naming nilayo ang sarili namin sa isa't-isa.

"Buti... nakangiti ka na uli,"saad ko nang makitang nakaimprenta na naman ang nakakainis niyang ngiti pero sa mga oras na 'to, hindi naman ako naiinis. Mas natutuwa na lang ako dahil ilang araw ko na 'yang 'di nakikita.

MAKE HIM SOFTHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin