Chapter 02

23 3 0
                                    


#MakeHimSoft02

Bigla ko siyang sinamaan ng tingin na ibinalik niya rin sa akin. Hindi ako nagkakamali, siya nga talaga yung lalaking bumugbog sa akin kagabi. Sa lahat talaga ng pwedeng pagkitaan, dito ko pa talaga siya makikita.

"Quit staring or I'll scoop your eyes out,"pagbabanta niya sa akin habang naiinis na tumitingin sa akin. Magkasalubong pa ang kilay niya.

I am about to speak to him when I heard someone cleared his throat so I faced in front immidiately, knowing that it was my teacher who cleared his throat.

"Mr. Arsenal, wear your proper uniform or leave my classroom," utos nung teacher namin. Bigla akong kinabahan kasi parang strict pa naman si sir. Ang lalim din ng boses kaya nakakatakot.

Lumingon akong muli sa likuran ko para pagmasdan yung lalaki na nakatinging muli sa bintana na parang walang naririnig.

Nasaan ba ang uniform niya?

Napansin kong nakasabit lang sa likuran ng upuan niya ang uniform niya tapos yung necktie niya nasa sahig lang. Napa-iling na lang ako.

Hindi niya siguro naiisip yung mga paghihirap ng magulang niya para pag-aralin siya tapos ganito lang asta niya sa klase.

Bumalik sa harap ang tingin ko pero nagulat ako nang tawagin at ituro ako ni sir.

"A-Ako po?"tanong ko habang tinuturo rin ang sarili ko. Tumango lang si sir at wala pa ring emosyon. 'di ko tuloy alam kung gaano siya kagalit ngayon.

"Pakibihisan naman si Mr. Arsenal at pakituro ang tamang pagsusuot ng uniporme sa paaralang ito." Parang akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.

Bakit ako pa?

I swallowed a lump in my throat and slowly stood up, hesitating because what I'm gonna do is kinda embarassing. I slowly went near the guy and he still acts like he heard nothing.

Inuna kong pinulot yung necktie niyang nasa sahig tapos ay tumayo ako para kuhain yung polo niyang nakasampay lang sa likod ng upuan.

I sighed after getting his things. Argh, this is embarassing.

Kinalabit ko siya pero hindi niya ako pinapansin. Magkasalubong ang may kilay niyang nakatingin sa labas. Talagang gangster na gangster ang datingan nito eh. Sa panahon ngayon, 'di na 'yan cool. Siguro noon dahil laman pa ng mga storya ang mga gangster pero hindi na sa panahon ngayon. Rebelde na siya at ang panget ng ganoong imahe.

Kinalabit ko na naman siya. Tapos kinalabit ko uli. Tapos isa pa. Tapos bigla siyang tumayo.

Akmang isusuot ko na sana ang uniporme niya sa kaniya nang bigla niya akong itulak kaya napaupo ako sa sahig. Bigla na lang siyang lumabas sa klase at sumandal sa pader sa labas.

Tsk. Sama ng ugali, itulak ba naman ako nang malakas.

Sa 'di malamang dahilan, parang natuwa ako na nainis ko siya kasi hindi ko pa rin makakalimutan yung ginawa niya sa akin kagabi at yung pagnanakaw niya.

Nilapitan ako ng isa kong kaklase at tinulungan akong tumayo." Salamat."

Napangiti ako at bigla akong nakaisip na inisin pa siya. Ganti lang para sa ginawa niya sa akin kagabi. Tapos sa susunod ko na sisingilin yung pagnanakaw niya sa 7/11.

I walked out in the class. I faced him who was throwing daggers at me with his fierce stares. I fought the urge to smirk.

Hindi niya naman ako sasapakin sa harap ng klase 'di ba?

I look back at our class. Kitang-kita sa glass window na nakatingin din sa akin yung mga kaklase ko tulad ni sir na tinanguan ko lang kahit wala naman siyang kung anong sinasabi.

MAKE HIM SOFTDonde viven las historias. Descúbrelo ahora