Chapter 12

8 2 0
                                    


#MakeHimSoft12

Hindi ako nakasabay sa pagsakay sa sasakyan ni Andrei dahil hinila agad ako palayo ni Jake at sinabing siya ang magdadala sa akin sa mall. Si Lourd? Kasama ni Andrei.

Nasa gitna na kami ng byahe habang sinusundan ni Jake ang sasakyan ni Andrei. Nakayakap lang ako kay Jake nang mahigpit, natatakot na baka mahulog ako sa motor niya.

We were wearing light blue helmet that was so cute and lovely. I felt his hand holding my hands in his abdomen. He pressed it hard making me look at him. He ignore me and made his hand took control of the motor again.

The ride didn't took long, we made it in the mall for after 10 to 15 minutes. Huminto ang motor ni Jake sa tabi ng sasakyan ni Andrei. Sabay silang bumaba ni Lourd sa sasakyan at naunang bumaba si Jake.

Pababa na ako nang ilahad ni Andrei ang mga kamay niya sa akin para abutin. Nakangiti na siya kaya natutuwa ako pero nabigla ako nang ibang kamay ang humawak sa akin.

Napatingin ako kay Jake na nasa tabi pala ni Andrei. Hawak-hawak niya ang kamay ko na iaabot ko sana sa nakalahad na kamay ni Andrei. Napatingin tuloy ako kay Andrei at wala na yung ngiti niya. Bagkus seryoso na ang mukha niya at dahan-dahang binaba ang kamay niya bago ako iniwanan sa pwesto ko.

Napabaling ako kay Jake at dahan-dahang bumaba sa motor niya. Nang makababa ako ay lilingon sana ako kay Andrei na binubulungan na naman ni Lourd nang pigilan ako ni Jake sa pamamagitan ng pagpipresinta na tanggalin ang suot kong helmet.

"You good?"he asked after taking the helmet I wore. My eyes suddenly caught the mirror were I saw my face disappointed and frowning so I immidiately look to Jake and forced a hesitant smile.

Nakakahiya na sinimangutan ko siya pero iba lang talaga yung nararamdaman ko. Parang may mali at nababagabag ako sa 'di ko malamang dahilan.

"Hey, let's eat first!"sigaw ni Lourd na umagaw sa atensyon namin ni Jake. Dahil nasa likuran ko si Lourd ay napabaling ako sa kaniya patalikod at humarap muli kay Jake. Bigla niyang kinurot nang marahan ang pisngi ko kaya napareklamo ako.

"'wag mo ngang kurutin,"nakanguso kong pagsaway pero tumawa lang siya nang mahina bago ako hawakan sa kamay at hilahin palapit kela Andrei at Lourd.

Papalapit na kami kay Andrei at hindi ko kayang makatingin sa mga nanlilisik niyang mga mata. Hindi siya nakangiti o kung ano man at parang bumalik siya sa kung ano siya noon kaya unti akong nasaktan.

Nang makalapit kami ay biglang naunang lumakad si Andrei. Napatingin ako kay Lourd at nagkaroon ng nakakainis na ngisi sa mga labi niya at sumunod sa pinsan niya. Bigla akong nalungkot sa kakaibang kinikilos ni Andrei.

Hindi ko gusto yung ganoong mga kilos. Nasasaktan ako makita yung nanlilisik niyang mga mata. Mababaliw ako kakaisip kung bakit nangunguna siya at kung bakit napakatahimik niya. Para akong unti-unting nababawasan dahil mukhang bumabalik na naman siya sa kung ano siya noon. Hindi magandang panoorin.

Mula sa parking lot ay umakyat kami at pumasok na talaga ako sa mall. Magkasabay maglakad sila Lourd at Andrei habang kami ni Jake ay sabay rin at nasa likuran habang hawak-hawak at ayaw bitawan ang kamay ko.

Napakahigpit nga ng pagkakahawak ni Jake sa kamay ko na parang ayaw niyang bitawan 'yon dahil baka mawala ako. Kahit imposible namang mangyari kasi hindi naman na ako bata na basta-bastang mawawala dito.

Si Lourd lang ang maingay sa amin dahil kaming tatlo ni Jake at Andrei ay sobrang tahimik. Si Andrei nakatingin lang sa harapan at tumatango-tango naman siya sa mga sinasabi ni Lourd pero halatang hindi siya nakikinig. Si Jake ay kasabayan kong maglakad sa likuran. Bagama't medyo naiilang ako ay hindi niya tinatago na tinitignan niya ako. Sa akin lang siya nakatingin na parang sa 'pag tingin niya sa ibang direksyon eh mawawala na agad ako na parang bula.

MAKE HIM SOFTWhere stories live. Discover now