Cam 004: Miracle

142 8 35
                                    


Rita's POV



"Mommy!" patakbong pagtawag sa akin ni Dani baby ko. Lalo siyang naexcite nang makita na si Ken ang naghatid sa akin.



"Hi po Tito Ken. Carry?" she raised her both arms up to prompt Ken to carry her up.



"Baby girl? Paano mo nalaman yung pangalan ko?" pagtatakang tanong ni Ken sa kanya.



Nakita ko naman na papalapit din sa amin ni Trish. Kakaiba ang ngiti nito pero hindi ko naman pinansin kasi mukhang alam ko na rin ang nasa isip nito. Inirapan ko na lamang siya.



"Hi bestieeee!" sabay bulong sa akin, "bakit magkasama kayo ha?"



Napalo ko lang siya sa braso. "Ikaw? Bestie kita diba? Anu-anong pinagsasasabi mo sa anak ko, ha?" pinalakihan ko siya ng mata. Natawa naman ito.



"Tito Ken, I saw you on Mommy's shared post on IG eh. Yehey magkasama pala kayo sa work!"



"Trish?? Pinagamit mo ng phone si Dani ko? I told you na ayaw ko siyang masanay sa phone diba kasi it's not good for her health?"



"Teka naman bestie. Kalma lang, di ko siya pinagamit. Nasilip lang niya habang nagbobrowse ako sa IG ko no." todo ngiti nito kay Ken, "Hi crush pa din kita til now"



Natawa si Ken. Umirap na naman ako. Bestie ko talaga parang ewan.



Paalis na sana si Ken na nang bigla ko siyang hinila sa braso. Nagulat ito. Ewan ko ba bakit until now, andito pa rin itong reflex sa akin na automatic kumakapit sa braso niya pag gusto ko siyang magstay.



"Hindi ka sumama sa kanila for the afterparty so wala ka pa ring kain. Dito ka na kumain" pag-aya ko.



Saglit niya akong tinitigan.



Hinawakan niya ang mga kamay ko, "Hindi na Rita. Alam kong hindi ka pa ring kumportable na magkasama tayong kumain sa iisang lamesa. Kaya okay lang, uuwi na rin na ako"



"At hahayaan mong makailang tunog pa yang tiyan mo sa daan?"

Filming LoveWhere stories live. Discover now