Cam 050: Final

142 8 6
                                    

Rita's POV





Napalingon ako at wala nang tao sa labas ng unit. Agad kong hinila si Dani at lumabas ng building. Paglabas namin ay sinalubong kami ni Ken. Tinext pala daw siya earlier ni Bettina na sumunod sa building.






Hinanap ko si Bettina at nang makita ko siyang papasakay pa lang ng police car ay huli kong sinambit....












"I miss and love you, my Ate....M-moon" at hindi ko na napigilang humagulgol. Isang ngiti ang ibinigay niya sa akin at tuluyan nang sumakay sa sasakyan.






Nanlambot ang mga tuhod ko at naramdaman kong inalalayan ako mula sa likod ni Ken.






"Paano nangyari yun?" nakatanaw lang kami sa papaalis na police car. Nakikita ko yung mga mata ni Bettinang nakasilip sa likod na bintana.

























Tama, ang mga mata na yun, na puno ng pagsisisi at pagmamahal. Si Ate yun. Ang Ate Moon ko yun, wala nang iba. 




Yung mga mata na yun, nakita ko yun nung una kaming nagkaroon ng di pagkakaintindihan ni Ate, nung time na sila lang noon ang magkalaro ni Nenet habang ako ay naeechapwera lang sa tabi, na kung tutuusin ay kami ang unang nagkakilala ni Nenet sa tabing-ilog.

Filming LoveWhere stories live. Discover now