Cam 021: Mission

143 14 37
                                    

Rita's POV



"Mama naman. Kung anu-anong pinagsasabi mo kay Dani eh"



We are already having our dinner here muna sa bahay. Balak ko munang dito na patulugin sina Kuya Arman and Ken dahil alanganin na rin ang ganitong oras pag nagbiyahe pa sila. And I know na pagod na rin naman si Ken sa biyahe.



"Oh anak, wag ako yung sisihin mo. 'Yang kaibigan mong si Lianne ang sisihin mo" sabay turo sa busy na busy na kumakain na si Lianne.



"Mars" paghampas ko sa likod niya. Muntik na siya tuloy mabilaukan sa ginawa ko.



"Grabe Mars ha. Makahampas"



"Sorry na. Ikaw kasi kung anu-ano tinuturo mo sa anak ko"



"Bakit? Totoo naman ah, daddy naman talaga niya si Ken ah"



Sabay sabay kaming nagulat sa sinabi ni Lianne. Even Lianne was shocked when she said carelessly. Napatingin ako kaagad kay Ken at mukhang busy naman ito sa pagkain niya but I still asked, to make sure.



"Ken?"



Tuloy pa rin siya sa pagkain. Buti na lang masarap magluto si Mama at focused na focused siya sa kinakain niya.



"Ken? Pangit mo" I tried to provoke him.



Nagtawanan kaming lahat tsaka pa lang niya inangat ang ulo niya. Confirmed, hindi niya kami narinig. Thank God.



"Ha?"



"Ah wala. Sige na tuloy ka na sa pagkain mo. Sarap no?"



Ngumit siya at gayundin ang ginawa ko.



"Mars" pagtapik ko muli kay Lianne, "Ikaw talaga maghinay-hinay nga yang bibig mo. Pasmado eh"



"Sorry na nga mars. Nabigla lang. Hindi naman niya yata narinig" pabulong niyang sagot sa akin.



"Buti nga hindi. Eh kung narinig niya yun, sira lahat ng plano ko"



"Peace na nga tayo. Kumain ka na lang diyan oh"



"Ken, kamusta pala ang Bataan?" pagbaling ni Lianne dito.



"Ah okay naman. Parang hindi mo naman naexperience yun dati? HAHAHA oh well, maganda yung beach sa may hotel na pinagstayhan namin"



"Mars, grabe. Ako yung katabi mo, kay Ken ka pa nagtanong. Excuse me part of the cast din ako no?" pagsingit ko.



"Eh namiss ko lang naman kasing kakwentuhan itong si Ken. Diba Ken?" pagtingin niya muli kay Ken.



We were able to finish our dinner by 12 midnight. Nagpaalam na rin si Kuya Greg na ihahatid na niya pauwi si Lianne at baka doon na rin muna matulog. Medyo malayo ang bahay nina Lianne mula dito kina Mama pero mas malapit na rin as compared sa bahay nina Ken.



Una ko na munang pinatulog si Dani sa kwarto namin.



"Baby, what book do you want Mommy will read to you?"



"Mommy, can I make a request?"



"Sure baby. Anything basta kayang ibigay ni Mommy"



Filming Loveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن