Cam 019: Crossover

145 6 35
                                    

"Saan ba kasi tayo pupunta?"



Hindi ko alam pero bigla na lang akong piniringan ni Rita sa mga mata ko. Naramdaman kong lumabas kami sa pintuan ng unit namin. Masyadong makapal yata itong nakapiring sa akin dahil kahit munting liwanag ay wala akong naaaninag man lang.



"Easy ka lang kasi. Just trust me"



"Pero any clues ba?"



"Quiet ka na nga lang sabi eh. This is my way of saying my thank you sa ginawa mong pag-aalaga sa akin"



"Sus, alam mo naman na masaya din naman ako sa ginagawa kong pag-aalaga sayo"



"I know"







Naramdaman kong pumasok kami sa elevator. "Going down" banggit ng voice ng elevator button.



"Wag ka nga kasing matense. Wala naman tayong gagawing anything private sa isang public place no"



Natawa ako sa sinabi niya. Agad niyang hinawakan ang kamay ko, "Pawis na ha"



"Eh kasi nga naman, saan mo ba ako dadalhin?"



"Shhh kalma. Malapit nang magground"



"Ground floor" muling banggit ng elevator button.



"Tara, andito na tayo. Dahan-dahan, medyo madulas"



Inalalayan niya ako palabas ng elevator at magkahawak-kamay kaming naglakad sa.....damuhan?



"Teka, bakit damuhan ito?"



"Welcome to my safe place"



Unti-unti kong ibinukas ang mga mata ko after niyang tanggalin ang blindfold.



Bakit parang ang bilis naman? Paglabas naman ng hotel, dagat ang dapat kong makita pero bakit damuhan? May iba bang daanan palabas ng hotel namin?



"You like it?"



Honestly, di ko alam kung matutuwa ako. Medyo madilim ang lugar na ito. May mga mumunting ilaw sa malayo. May something sa dulo pero di ko pa maaninag.



Lumapit ako nang bahagya kay Rita to ask her, "Nasaan ba tayo?"



"Hindi mo ba nagustuhan? Bakit nagtatanong ka pa kung nasaan tayo"



"No I mean. Sorry if naoffend kita pero hindi ako familiar sa place na ito"



She smiled, "This is my safe place kapag gusto kong takasan ang lahat. Teka mauuna na ako doon ha"



She points at a far away, kung nasaan yung something na nakikita ko kanina, kung saan ang mumunting ilaw ay parang gumagalaw yata.



"Follow me if you want"



Patakbo siyang umalis. Naiwan ako sa gitna ng damuhan.



Luminga-linga ako sa paligid. Puro damuhan lang ang nakikita ko. Lumingon ako sa direksyon kung saan kami nanggaling kanina. Lumaki ang mata ko nang walang building akong nakita sa likod. Walang elevator. Walang hotel. Puro matataas na damo lang.



Filming LoveWhere stories live. Discover now