Cam 036: Family

150 9 9
                                    

After many months, 


Rita's POV


"Baby lapit na birthday mo ah. When would you like to celebrate it - a Saturday or a Sunday?"


Kalong-kalong ko ang anak ko sa lap ko while cuddling her. Grabe ang bilis ng panahon, magpipitong taon na rin pala si Dani.


"Why Mommy? Can't I celebrate it on the day of my birthday?"


"Kasi anak your birthday is on a weekday. Paano makakapunta yung friends mo if may school kayo?"


"Oo nga pala Mommy. Sige on a Saturday na lang para Sunday is Church Day natin diba?"


"Wow naisip mo pa yun ha. Sige anak, we will celebrate it on Saturday. May naiisip ka na bang iinvite sa birthday mo?"


Bahagyang nag-isip ang anak ko at ngumiti sa akin.


"My classmates po. Sina Camz, Ellen, Vina, at Troy po"


"Hmmm bakit may isang lalaki sa circle of friends mo anak?"


"He's my bestfriend Mommy. Simula nang pumasok ako sa school namin, hindi niya ako pinabayaan. Lagi siyang nakasupport sa akin kasi transferee lang ako eh"


"Wow may boyfriend na pala ang baby girl ko"


"Hala Mommy. Hindi ko siya boyfriend"


"Akala ko ba lalaking kaibigan mo siya? Oh eh di ba boy na friend, boyfriend"


"Tssss Mommy talaga."


"Sus gusto mo rin yung joke ko eh. Crush mo ba yung Troy?"


"Mommy!!"


Nagpumiglas siya sa yakap ko at nagtatatakbo around the sala. Pilit ko siyang hinahabol at tila bumabalik ako sa pagkabata kapag nakikipaglaro ako sa anak ko kahit na parang pagod ang katawan ko ngayong araw.






Maya-maya pa ay she bumped into someone sa kakatakbo niya. Sabay kaming napaangat ng tingin.


"Daddy!!"


Agad na nagpakarga si Dani sa kanya.


"Baby big girl ka na ah. Nagpapabuhat ka pa kay Daddy"


"Naku kahit maging 60 years old pa ang unica hija ko, laging bubuhatin pa rin yan ni Daddy niya. Tama ba ako anak?" sabay tingin kay Dani.


Dani just nodded. "Siyempre naman Daddy. Promise yan ha? Pati si Mommy bubuhatin mo?"


Agad namang napatingin at napasmile si Ken sa akin.


"Naku anak kung alam mo lang. Lagi kong binubuhat papuntang kama yang Mommy mo"


"Huyy grabe ka sa bata" sabay hampas ko sa braso niya.


"Bakit? Kasi matutulog ka diba? Ito kung anu-ano pinag-iisip"


"Bakit po Mommy? May iba pa po bang ginagawa sa kama other than sleeping there?"


Nilakihan ko ng mata si Ken, "Ayan tuloy napaisip yang anak mo. Kung anu-ano kasi pinagsasasabi mo, nacurious tuloy"


Kinuha ko si Dani mula sa kanya at animo'y tinakpan ang tenga, "Naku anak alam mo 'yang Daddy mo, sobrang mapagbiro. Wala naman talagang ibang ginagawa sa kama kundi matulog. Dani, baby. Joker lang 'yang Daddy mo ha"


Filming LoveWhere stories live. Discover now