Cam 048: End

113 6 17
                                    

Ken's POV





Isang buwan na rin mula nang ikasal kami ni Rita pero parang napapansin kong mas lalo siyang nagiging emosyonal. Sabi nila dahil buntis lang daw, natural lang daw maging emosyonal pero bakit parang halos araw-araw naman yata tsaka parang roller coaster?





May time nga na bigla na lang siyang umiiyak habang nagluluto ng scrambled egg. Minsan din bigla bigla na lang siyang yumayakap sa akin habang nagtutupi ng mga damit tapos kapag yayakapin ko naman pabalik ay agad nitong tinatanggal ang pagkapulupot ng braso niya sa katawan ko. At ang malala, pag magjoke akong hindi naman ganoon nakakatawa talaga, hahagalpak siya sa kakatawa tapos paglingon ko the second time, grabe na yung pag-iyak niya.





Nagwoworry ako. Normal pa rin ba yun? O nababaliw na yung asawa ko?





Grabe ka kay Mommy, Daddy ha. Kung alam mo lang by now, hindi ka magbibiro ng ganyan. Hayyy. 












I was busy signing the papers that I need to sign for our businesses dahil one week akong nagleave muna. Nagyaya kasi si Rita na mag out of town daw kami. Nung una ay hindi ako pumayag kasi alam kong maselan ang pagbubuntis niya pero nagpupumilit talaga siya at iiyak siya kapag hindi ko siya napagbigyan kaya heto, I gave in. 





Siguro gusto lang niyang may time kaming dalawa together just before maging tatlo ang alagain namin. Yun ang akala ko at first pero isasama daw namin si Dani. Arghhh. Joke lang Ate Dani.





I hate you Daddy. Hahaha. Joke lang. Love you ^^









"Dani baby? Ready ka na ba?" pagkatok ko sa princess door ng kwarto ng panganay ko.

Filming LoveWhere stories live. Discover now