Cam 005: Stars

148 9 33
                                    


Ken's POV



Pagpasok ko ng kwarto niya ay nakita kong mahimbing na natutulog si Dani. Aliw na aliw talaga ako sa batang ito.



Tumungo ako sa sinasabing brown box ni Rita dito. Maingat ko itong ibinaba mula sa pinagkakatungtungan nito.



"Rita, bakit andito pa yung mga gamit ko sayo?"



Nakita ko kasi ang mga damit na naiwan ko sa unit namin noon. Pati yung mga iilang gamit kong dinadala kapag may taping kami. Inipon niyang lahat?



Pumasok siya at sumenyas na ilabas ang box sa sala nang tahimik.



"May bago na kasi kukuha noon sa unit. Kaya kinuha ko yung mga gamit. Actually ready ko na sanang idonate yan kung di ka lang nagpakita ulit"



Kinalkal ko ang brown box. Punung-puno ito ng mga gamit ko. Pero bakit parang may nawawala yata? Or feel ko lang na may nawawala.



"Nandyan naman yung mga pinangtataping mo, pwedeng yan na yung dalhin mo bukas" walang ganang sabi ni Rita sa akin.



Muli namang pumasok si Rita. Paglabas niya ay dala-dala na niya ang kanyang purple na maleta. May bitbit na rin siyang mga damit at iilang gamit mula sa cabinet. Lumapit naman ako agad para sana tulungan siya pero sumenyas siyang kaya na daw niya.



Sa sala kami nagpack ng aming mga dala. Dahil wala rin dito ang maleta ko ay ipinahiram niya muna sa akin ang isang maleta pa niya.



Tahimik si Rita while packing. Awkward itong scene, oo.



Mukhang nakaready na rin yata ang mga pagkaing dadalhin niya for taping. Ganun pa rin, halos buong kitchen na yata ang dala nito.



Mabilis nang natapos sa packing si Rita. Wala pa rin itong imik. Nabobother na ako.



Aktong papasok na sana siya sa kwarto nang hindi na ako nakatiis at hinawakan ko ang kamay niya.



"Rita, may problema ba?"



Tumingin lang siya sa akin, "Kung tapos ka na magligpit, ayusin mo na lang yung couch nang makatulog ka na. Sa cabinet sa gilid niyan, may extra pillows and blanket. Matutulog na rin ako" saka bumitaw sa pagkakahawak ko.

Filming LoveWhere stories live. Discover now