Cam 014: Surprise

146 10 59
                                    

Ken's POV



Hindi ko maalis-alis ang kabog ng dibdib ko kanina pang umaga paggising ko. Hindi ko naman alam kung bakit.



Today kasi is our briefing tapos diretso kami maglock-in taping ni Rita for our reunion project.



Sanay na rin naman ako sa mga paganito dati pa kaya dapat hindi na ako kinakabahan diba pero bakit nararamdaman ko ito. I can't explain.



"Oh anak. Good morning. Pero bakit parang hindi yata good ang morning mo?"



"Hindi ko nga alam Mommy eh pero kasi kanina pa kumakabog ang dibdib ko"



"Naku anak. Feeling ko kinakabahan ka lang kasi love story na naman ang kwento sa teleserye niyo ni Rita. Excited ka lang anak. Halika na kumain ka na."









Agad naman akong naghilamos muna sa banyo at toothbrush. Tinawagan ko na rin si Kuya Arman para dito na rin siya sa amin magbreakfast at nang sabay na kami pumunta sa departure area for the briefing. Sa Bataan pa kasi yung taping.



"Anak, siya nga pala. Nasagot mo ba yung tawag sa phone mo kagabi?"



"Kagabi Ma?"



"Oo, napadaan kasi ako sa kwarto mo tapos naririnig kong nagriring. May tumatawag yata. Nasagot mo ba anak? Locked kasi kwarto mo"



Inalala ko. Wala naman akong narinig kagabi. Siguro ang himbing ng tulog ko.



Agad naman akong umakyat muli sa taas para kunin ang phone ko.



Pagbukas ay tama nga si Mommy. Nanlaki ang mata ko nang makita kong may 50 missed calls ang isang... unknown number?







Sino 'to? Dis oras na ng gabi, tumatawag pa.







Napansin ni Mommy na kumukunot ang noo ko.



"Sino anak?"



"Hindi ko po alam Mommy eh. Unknown number"



"Anong oras ba yun tumawag anak?"



"1 am po Mommy. Baka wrong number lang?"



Nagkibit-balikat lang si Mommy, "Baka nga anak. Pero parang ikaw talaga yung gusto niyang tawagan kasi hindi biro 'yang 50 missed calls at 1 am ha"



















Mag-aalas dose na ng matapos kami ni Kuya Arman na masiguradong kumpleto lahat ng gamit na dadalhin ko for our lock-in taping. Hindi ko pa pala naibabalik kay Rita itong maleta. Nagdala na lang ako ng extra maleta para ibalik ko na itong isa sa kanya pag nagkita na kami.



"Traffic ba Kuya?" sabi ko kay Kuya Arman nang mapansin kong parang nakatigil ang sasakyan namin. Half asleep din kasi ako.



"Oo Sir Ken eh. Pero aabot naman po tayo sa oras na sinet ni Ms. Tracy"



"Ah okay lang naman Kuya" I answered as I am browsing my Instagram account.



"Ay Sir Ken, dadaanan ba natin si Ms. Rita? Wala po siyang sasakyan diba?"



"I texted her kanina po but di siya nagreply. Ihahatid naman siguro siya ng Kuya Roy niya"



Filming LoveWhere stories live. Discover now