Cam 034: Reunited

138 8 7
                                    

Rita's POV



Halata ang pagkasabik ni Mama nang magkita sila ng feeling ko ay long-time friend niya pero pagkagulat ang nakita ko sa tinawag niyang Biyang.



"Biyang! Long-time no see!" lumapit si Mama upang makipagbeso sa kanya.



"K-kamusta ka na Osang?"



"Okay lang. Ikaw? Kamusta ang ibang bansa?"



"O-okay lang din. Pero mas masarap pa rin umuwi dito sa atin lalo na't -ber months na"



"Oo nga. Ibang-iba talaga dito sa 'Pinas. Babalik pa ba kayo ulit doon?"



Matagal na tinitigan nung Biyang si Mama. "Hindi ko pa sure Osang eh."



Napatingin siya sa amin nina Kuya sa gilid ni Mama.



"Eto na ba yung mga anak mo? Malalaki na ah"



"Ah oo. Itong si Greg ikakasal na. Si Roy may anak na. Itong si bunso ko...." sabay tingin sa akin, "ewan ko ba at di pa sinasagot ang lalaking mahal niya noon pa pero may baby na rin siya"



"Mama, grabe ka talaga sa akin!"



"Joke lang bunso. Ito naman" and we laughed, pero seryoso pa rin ang mukha niya.



Tsaka ko lang naremember na this "Biyang" was our tita-friend. Bestfriend nga pala siya ni Mama mula elementary 'til college. Siguro kung hindi sila nagmigrate nang biglaan ng pamilya niya, baka lagi pa rin akong laman ng bahay nila.



"Titaaaa! Yeah I remembered you na! You are kuya Kevs' mommy right? How's he na po pala?"



"Rita, okay lang naman siya. Ayun, psychiatrist na nga by profession kaso narevoke yung license niya about three years ago na rin yata kaya ayun tambay na lang"



"Narevoke yung license?" nagtaka ako. Three years ago?



"Yes hija. Hindi ko rin alam ang nangyari pero nung sumunod siya sa amin doon, mga ilang years lang, binalita niya na narevoke na daw license niya"



"Aww sad for him. Pero baka may better plan si God for him. If Ate Carla is just here, siguradong asar-talo na naman siya kay kuya Kevs."



"Mars, sana makabisita din pala kami sa inyo once. Nasa Laguna lang kami tapos itong si Rita sa Quezon City nagtatrabaho"



"Ahhh kami around QC lang din. Sige pala Osang, mauna na ako. Baka hinahanap na ako ng asawa ko."



"Sige Biyang! Messenger na lang ha. Alam mo na update update sa isa't isa tulad dati."



"Oo nga. Sige Osang. Mauna na ako. Ingat kayo pag-uwi"



Pagkaalis ni Tita Biyang ay naglakad na rin kaming pabalik ng sasakyan.



"Hay kahit kailan talaga yang Kevin na yan, pasaway noon pa"



"Huyy Kuya. Hindi naman siguro. Sure naman na may dahilan yun kung bakit narevoke license niya. Wag na lang natin ijudge"



"Maski nung maliliit pa tayo Rita, lagi na yang nang-aaway. Hindi mo na ba matandaan na tinusok niya ng pencil yung mata mo. Buti na lang napigilan ko, eh paano kung hindi?"



Filming LoveWhere stories live. Discover now