Cam 012: Tears

155 10 47
                                    

Rita's POV



"Ma, andyan si Dani sa bahay?"



Ngayon ay nakasakay na ako sa isang puting taxi. I am going home kina Mama.



"Yes, anak. Hinatid siya ni Trish dito kanina kasi daw may biglaang lakad daw siya"



"Ay yes Ma. Nagtext din siya sa akin kanina."



"Alam mo anak, kausapin mo nga yan si Trish. Baka may problema yung bata"





Actually, last week ko pang napapansin na parang hindi na siya laging bumibisita sa condo and everytime na pinapakiusapan ko siyang magbantay kay Dani ay lagi na siyang may excuses. I hope hindi naman lame excuses yung mga sinasabi niya pero iba yung nafefeel ko.







"Mommy!" at sinalubong na naman ako ng mahigpit na yakap ni Dani. "from work?" she asked.



"Yes baby. Do you know, Mommy has a new TV show"



TV show kasi ang tawag ni Dani sa lahat ng lumalabas sa TV kasi. Wala pa sa kanya yung mga konsepto ng drama or teleserye.



"Really Mommy? Is Tito Ken with you again?"



"Yes baby. Why? You really miss him that much?"



Kinarga ko naman ito at pinuno ng mga halik ang mataba nitong pisngi.



"I think bestfriend ko siya eh."



"Bestfriend mo? Si Tito Ken? Paano mo naman nasabi yan anak?"



"Diba kasi po yung bestfriend will love you and your family? Eh love ako ni Tito Ken and he loves you also, Mommy, right?"







Ewan ko ba. Limang taon pa lang naman si Dani pero kung magsalita akala mo matanda na.



"Sige na baby. Malamig na dito sa labas. Let's go inside na ha"











Isang masayang hapunan na naman ang pinagsaluhan naming family. Puno ng tawanan at hagikhikan. Wala sina Kuya Roy and Lorraine dito kasi hinatid nito ang bata sa bahay ng mommy nito.



"Anak, kailan naman daw ang mediacon niyo?"



"Hindi ko pa alam Mama eh. Wala pa man ding sinasabi si Ms. Tracy sa akin."















"Maaaaaars!"



Nagulat naman ako nang may biglang tumawag sa akin from outside.



"Mars! Grabe ka, hanggang kapitbahay naman yung lakas ng boses mo"



Nagtawanan lang kami ni Lianne. Ganito naman siya parati pag bumibisita siya sa bahay. Akala mo laging may megaphone na dala.



"Mars, nakita ko yung IG post mo ha. New project?"



I nodded.



"Wala ka namang tinag kung sino kasama mo Mars"



I just looked at her and she knows already.



"Naku Mars ha. Talagang pinaglalapit kayo ni Ken. Siguro may unfinished business talaga kayo five years ago no so tinutulungan na kayo ng universe na iaccomplish yun"



Filming LoveWhere stories live. Discover now