Cam 009: Caldereta

138 9 63
                                    

Ken's POV



"Was that Brent?" tanong ko kay Rita. Halatang nagulat ito pagkasagot niya ng tawag.



Tumingin siya sa akin and replied, "Uhmm yes. Nasa bahay daw siya ngayon"



"Oh hindi ako issue ha pero bakit parang di ka masaya?"



"Hindi mo naman alam kung kailan ako malungkot at kailan ako masaya ah. Kaya wag kang ano diyan"



Halos gabi na nang makarating kaming Quezon City.



"Mars, Ken, Diyan na lang ako sa susunod na street"



Tinulungan naman ni Ken and Kuya Arman na ibaba ang mga gamit ni Lianne pagkahinto nito sa mansion ng bestfriend ko.



"Bye mars. Text text na lang ulit. Until next taping?"



"Bye mars. Mamimiss na naman kita for real. Chat na lang tayo. Ingat kayo sa biyahe, malayo pa lalakbayin mo"



We kissed each other on the cheeks then we bade goodbye. Nakita ko rin na nakatanaw na ang Mommy nito sa pintuan kaya pati siya ay kinawayan ko.



Mga one to two hours pa ang babiyahein namin ni Ken from Lianne's house. Kung doon lang ako sa condo magstay, malapit-lapit lang ito kina Lianne but doon ako didiretso kina Mama.



Ang gulo ring kausap ng bestfriend ko na yun kahit kailan. She said earlier sa bahay siya didiretso since andun si Kuya but biglang sa bahay na lang nila nagpahatid. Nagmakeup pa nga, wala ring nakakita.









8pm na nang makarating kami sa bahay ni Mama. Mukhang kumakain na yata sila ng dinner kasi naririnig ko yung mga kubyertos at plato pagkababa ko ng sasakyan.



Ibinababa naman nila ang mga gamit ko mula sa likod ng sasakyan.



Naaninag ata nila mula sa loob ang ilaw ng sasakyan ni Ken kaya biglang bumukas ang pinto. There are Dani and Lorraine, running towards us.



"Tito Ken!!! I miss you. Up up!" Dani motioned her hands para magpakarga kay Ken. Iba na talaga ihip ng panahon, kay Ken na siya mas excited. Nakakainis.



"Baby, nakakatampo naman. Si Tito Ken ang una mong hinug, hindi si Mommy."



Instead of answering me ay inextend niya ang kamay niya to me while karga-karga pa rin siya ni Ken. Ipinulupot niya ang braso niya sa leeg ko, dahilan para mapalapit ang mga mukha namin accidentally.



Nagulat naman ako nang may maliit na kamay na pilit nagpapahiwalay sa amin sa ganitong posisyon.



It was Lorraine.



"Lorraine, baby. You want to hug Tita Tata too?" binababa ko ang sarili ko para magkalaevel na kami.



"No Tita. I don't want you to hug that man again. Never again."



Dali-dali siyang tumakbo pabalik ng bahay. Sinundan ko siya ng tingin at doon ko lamang nakita nan nakatayo pala sa pintuan ang buo naming pamilya, including Brent.



I saw Mom's eyes. She is meaningfully staring at me. I gave them a gaze also that made them go back inside the house.



I know what they're thinking but they are wrong. Never again.







Filming LoveWhere stories live. Discover now