Cam 040: Tired

130 5 7
                                    

Ken's POV





So overwhelmed ako sa mga naging suporta sa business na buong puso kong pinagplanuhan. Mas lalo pang naging special ang gabing iyon dahil sa pagsurprise sa akin ng mag-ina ko.





"Honey? Honey talaga. Hindi pwedeng mahal?"





"Mahal kapag kasal na tayo. Na ewan ko kung kailan mangyayari"





I pulled her kaya napaupo siya sa lap ko.





"So ikaw na yung nanghihila ngayon, Mr. Ken Chan?"





"Oh bakit ikaw lang ba pwedeng gumawa noon ha?"





"Hmmmm" she smiled





"Siya nga pala, January 10 na. Malapit na birthday ko. Anong gift mo sa akin?"





"Wala pa eh." umayos naman siya nang pagkakaupo dahil feeling yata niya ay mahuhulog na kaming dalawa sa sofa. Sa sobra kasi naming kaharutan ay alanganin na tuloy yung upo namin dito. 





"Ay wala pa"





"Actually magpapaalam kasi sana ako sayo. Lyka gave me gems for a La Union trip bukas"





"Oh talaga? Samahan kita. Sino ba kasama mo?"



Filming LoveWhere stories live. Discover now