Cam 008: Waiting

128 6 30
                                    

Rita's POV



"Everyone pack up na tayo!"



Nagising na lamang ako nang marinig kong sumigaw si Direk Easy. Nakatulog na pala ako dito by the beach. And hindi pa rin ako nilulubayan ng 2021 even in my dreams. That 2021 memory that I just wanted to forget



Taping's over. One episode lang naman kasi yung project kaya one week lang din yung taping. Pero kahit one week lang yun, feel ko ang tagal-tagal kong nawalay sa anak. Ganoon naman talaga if mother ka na, super attached ka na sa baby mo.



Dali-dali naman akong umakyat sa taas para magligpit na ng mga gamit ko. One week seemed one month for me.











Ken's POV



Pinagmasdan ko si Rita na nagmamadaling umakyat sa kwarto ng tinutuluyan namin. Mukhang excited ang mukha nitong umuwi. Di katulad noong dati na parang ayaw pa naming matapos ang lock-in taping namin na umaabot pa ng isang buwan samantalang this time, isang linggo lang.



"Tinago niya kaya yung binigay ko?" nasabi ko sa sarili ko. Sana naman. Alam kong sa kanya lang babagay yun, wala nang iba.



"Kennie!"



Napalingon naman ako at nakita kung sino ang tumawag ng pangalan ko. It was Bettina in her red full swimsuit. "Swimming tayo" she added.



Bettina is so hot and sexy, with all her curves. However, my eyes really did not shine for her. Ever.



"Hindi na Bettina. I'll just stay here na lang. Go sige na lublob ka na sa dagat habang maganda pa ang araw."



"Ang daya naman ng Kennie ko" sabay kapit sa braso ko. She's like a baby kapag magkasama kaming dalawa pero tigre naman kapag kaharap niya ang ibang artista, lalo na si Rita. I can feel her jealousy towards my previous loveteam, and I know it's my fault.



Teka nga self, alam ko galit ako kay Rita sa pag-alis niya nang di nagpapaalam pero bakit ganoon? Bakit siya pa rin yung nakikita ko na kasa-kasama ko sa mga performances ko kahit si Bettina na ang kapair and kaduet ko. Siya rin ang lagi kong nakikita kapag magkaeksena kami ni Bettina. Tuloy, lagi akong napapagalitan ni Direk.



Nonetheless, nakakamiss din talaga ang isang Rita Daniela. Bumalik nga siya pero parang ang layo layo naman niya sa akin.



Buong one week namin, never niya akong binisita sa standby area namin. Lagi niyang kasama si Lianne. One time, I even bought her favorite Starbucks drink, and yet, one little thank you lang ang binigay niya sa akin. Talagang tinotohanan niya ang banta niya sa akin noon, na to keep my loveteam with Bettina, she'll going to keep distance from us, which actually worked. But I'm longing.



I can never ever compare Rita with Bettina. They're completely different. Bias na ako kung bias pero hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Baka I just needed that closure na sinasabi.



Nakatanaw lang ako sa dagat nang mapansin ko na may nagpipicture sa akin from my side.



"Kennie, smile ka naman diyan oh! 1, 2, 3!"



Napatawa ako.



"Bettina, sabi nang huwag mo akong pipicturan sa side profile ko eh"



"Bakit, ang gwapo mo nga eh"



"Delete mo please" pilit kong inaagaw ang camera niya from her pero ayaw niyang bitawan. Hanggang we found ourselves na naghahabulan sa tabing-dagat. Sinasabayan pa ito ng peaceful na tunog ng tubig na humahampas sa mga buhangin at malamig na simoy ng hangin.



Filming LoveWhere stories live. Discover now