Cam 042: Wrath

142 8 12
                                    

Rita's POV



Sobra-sobra akong nag-enjoy sa jamming session namin kanina. I truly love performing talaga.



9pm na rin nang matapos kami. Sinagot na rin nila ang dinner namin. Nasa kalagitnaan kami ng performance ko nang nakita kong dumating sina Josh and Alex. May nakapagsabi siguro sa kanilang andito kami.



"Mamshie Ivan, salamat sa pagsama ha"



"Wala yun ano ka ba, baby girl. Mahal kita eh. Lahat ng mahal ng alaga ko, mahal ko rin no"



"I know. Pero mamshie, babalik na pala ako ng Manila bukas ha"



"Agad?" tanong niya habang tinutulungan akong mabuksan ang pintuan ng cottage. Naparami kasi yung binigay sa aming foods and souvenirs kaya medyo mahirap magbukas. Sasamahan pa sana kami ni Alex pauwi here pero ako na ang nagsabi ng No. 



"Oo eh. Dapat nga kanina kaso nga lang kasi ito oh, may invite na hindi ko naman matanggihan"



"Dahil ba kay Ken? Tinawagan mo na ba?"



"Tinawagan ko kanina pero hindi naman sinasagot. Eh nagpost magkasama pala sila ni Dani sa park pero yung caption kasi, parang patama sa akin. Parang need kong magclarify ng mga bagay-bagay sa kanya"



"Better to do that nga. Sige na gabi na, mag-ayos ka na ng gamit. Ako na lang magsasabi sa boys na nauna ka na ha. Goodnight baby girl. Lock mo itong pintuan mo" sabi ni Mamshie Ivan habang papalabas ng cottage ko.



Medyo napagod din ako doon pero at least napasaya ko sila, lalo na yung birthday celebrant. And kita ko rin kung gaanong nag-enjoy ang mga audience kanina.



Humilata na ako sa higaan pero saglit lang dahil naalala kong kailangan ko pang iempake ulit lahat ito, kasama na yung mga binigay nila sa akin sa restobar.



After ko maayos ang mga gamit ay nagdecide muna ako na maligo para fresh sa pagtulog. Hindi rin siguro muna ako maliligo bukas ng umaga kasi maaga pa ako aalis. Ang hina talaga kasi ng katawan ko pagdating sa lamig.



Teka, anong oras na nga ba? 



Shocks oh my gosh. I skipped one square. I forgot to bring this pala. Wait kuha nga ako ng tubig. Sabi naman if you skip one, you can still take it as soon as you remember. Just don't take two to compensate.

Filming LoveWhere stories live. Discover now