Cam 023: Shadow

131 10 55
                                    

Ken's POV



Napalabas agad ako ng kusina nang maramdaman kong may takot sa boses ni Rita.



Paglabas ko ay kitang-kita ko ang taong alam kong kinatatakutan niya pero hindi niya masabi-sabi sa akin. I know na ito rin ang dahilan ng lahat ng mga nakita at nasaksihan ko kay Rita.



"Rita may problema ba?"



Lumingon siya sa akin. "Wala naman. Sorry nagulat lang ako sa pagdating ni Brent"



I saw Brent kissed her on the cheeks, "Don't you miss me ha? 6 months lang ako nawala, may iba ka na palang pinapatira dito sa bahay."



"Ah don't mind him. I'll tell you everything later ha."



Yung tense ni Rita kanina ay unti-unti na ring nagsubside pero tingin ko ay kinakaya lang niya.



"Ken, patawag si Dani. Tell her na her daddy Brent is here"



Tumingin ako sa mga mata niya. Nangungusap. Nakikiusap.



Bumalik ako ng kusina and I saw Dani on the corner of the window, facing the backyard.



"Baby, your Daddy Brent is here"



"I know. I heard him."



"Hindi ka ba lalabas to see him?"



Lumingon siya sa akin at patakbong yumakap, "Can't I see him?"



"Baby, but he's your daddy. Sigurado akong namimiss mo siya right?"



Nasasaktan ako pag nakikita kong ganito si Dani but I have to be strong na hindi siya kampihan. Baka magfail yung plan ko after what I heard before.



"Dani, c'mon. Gusto mo magalit ang daddy Brent mo sayo? Go na, your mommy is calling you na rin"



"Daddy Ken, can you just stay behind that door and keep looking at us when I go out there?"



"Oo naman baby. Dito lang ako ha"



"Sige po Daddy. Lalabas na ako"



Nakayuko naman siyang lumabas ng kusina para pumunta sa sala where Rita and Brent are seriously talking to each other. Minabuti kong sundin na lamang si Dani at magtago lang sa likod ng pintuan at an angle where she can see me but they can't.



"Halika baby oh. Si Daddy."



Pinalapit naman siya ni Brent sa kanya pero dama ko ang takot ng bata dito. Bakit? May nangyari ba? Pero bakit clueless si Rita dito dahil sadya pa rin niyang pinapalapit ang anak ko sa kanya?







Ay sorry, anak pala ni Rita.







"Anak, may problema ba?" Rita noticed that she is staring at the door kung nasaan ako. Mas lalo kong itinago ang sarili ko behind.



"Ah wala po Mommy. Inaantok lang po" mabuti at mukhang paartista na rin itong bata. Very good ka diyan. Pero di ko maalis ang maawa.



"Ay kasi naman, ang aga mong magising kanina eh. Shall we sleep again?"



Dani nodded. Tumayo si Rita at kinuha si Dani mula sa lap ni Brent. 



Filming LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant