Cam 016: Game

140 14 54
                                    

Everyone, the production staff, directors, Ms. Tracy, Rita and Ken are all gathered at the shoreline, habang naka-'indian sit' – a word to describe seating on buttocks while legs are crossed.



Naglabas si Ms. Tracy ng bote mula sa kanyang likuran. Kanina pa pala ito nakaprepare for this game.



"Sorry guys. Kanina ko pa kasi ito naisip. Eh nakakita ako ng bote ng alak na walang laman from the bar counter kaya nilabas ko na while you are all busy sa pagnamnam ng view sa paligid" ani ni Ms. Tracy.



Napatawa ang lahat.



Magkaharap sina Rita and Ken sa isa't isa. Rita is sitting beside the PA and Ken is sitting beside Ms. Tracy. Nag-iiwasan lang sila ng tingin.



"Okay" panimula ni Ms. Tracy, "I will call this game as TYSM. Not as thank you so much, but thank you and sorry much."



Nagbulung-bungan naman ang mga kasali sa game. Lahat ay kasali o pinilit isinali ni Ms. Tracy.



Simple lang ang mechanics ng game. Papaikutin lang ni Ms. Tracy yung bote at kung saan tumigil at nagpoint ang bunganga ng bote ay siyang magbabanggit ng isang pangalan kung sino ang gusto niyang pasalamatan at isang pangalan sa kung sino ang gusto niyang hingan ng tawad.



Nagsimula na ang game.



Unang tumapat ang bote kay Ms. Tracy. Oo gandang bungad ng laro.



"Nananadya yung bote ha. Okay sige gusto kong pasalamatan si Direk Luis for having this project with my mga alaga, and sorry kay Patrick na inagawan ko ng seat sa sasakyan kanina" sabay peace sign sa cameraman na si Patrick.



"Naku Madam Tracy, kulang pa yang sorry mo. Kailangan ko ng libre hahahaha"



Everyone laughed. "Okay next, sino naman kayang tatapatan nito?"



Agad na muling pinaikot ni Ms. Tracy ang bote sa gitna. Napalakas pa nga yata kasi ang tagal na nitong umikot bago tuluyang tumigil at tuluyang tumapat kay....



"Wow second blood!" banggit ni Ken.













Ken's POV



Kinakabahan ako sa pwede kong masabi ngayong gabi. Isang tao lang naman ang gusto kong pasalamatan at hingan ng tawad eh. Itong babaeng kaharap ko.



"Ahmmm" pagsimula ko. Hindi ko alam kung kaya kong banggitin ang pangalan niya sa harap nilang lahat at sabihin kung bakit siya.



"Go na Ken. Naghihintay si Rita oh" pagbibiro ni Direk.



"Wow Sir Ken, si Ms. Rita nga ba?"



"Yieeee"



"Dali na Sir Ken, siya no?"



"Hindi makasalita si Sir Ken"



Sunod-sunod ang panunukso ng grupo sa akin. Lalo yatang namawis ang mga palad ko. Si Rita naman ay nakayuko lang.

















"Yes, ikaw Rita ang gusto kong pasalamatan ng sobra-sobra at hingan ng tawad nang higit pa"

















Unti-unting nag-angat ng tingin si Rita sa akin.











"Ehemmm confession night na yata ito mga friends" pagtikhim at pagbibiro ng lightman namin.



Filming LoveWhere stories live. Discover now