Cam 015: Eggs

142 11 46
                                    

Tracy's POV



"Rita, anak. Halika na, ready na daw yung dinner sa cafeteria. Si Ken?"



Mukhang nag-away na naman sila ni Ken. Di pa rin yata nila mapatawad ang isa't isa.



"Nasa taas pa po Ms. Tracy. Susunod na lang daw po. Tara kain na tayo"



"Oh sige. Akyatin ko na muna. Una na kayo ni Direk sa cafeteria ha"



Tumango naman si Rita.







Nag-elevator na ako paakyat dahil nasa 22nd floor pa yung kwarto nila. Nagsabay pa ang pagkatok ko sa pagbukas ng pintuan.



"Oh Ms. Tracy" bungad ni Ken sa akin.



"Oh tamang-tama. Ang sabi kasi ni Rita susunod ka na lang daw. Tara na kain na tayo sa baba"











While we were inside the elevator ay napansin kong tahimik lang si Ken, walang imik at mukhang nakatingin lang sa kawalan.



"Uy Ken, anak. May problema ba?"



Nagulat naman ito sa pagtapik ko sa balikat niya, "Ah wala naman po" sagot niya.



"Oh eh bakit kanina ka pa tahimik dyan?"



"Wala naman po. Gutom lang po"



Ilang taon ko nang hinahandle si Ken and I know na iba ang sinasabi ng bibig niya sa pinapakita ng mata niya. Hayaan ko na lang siguro siyang mag-open sa akin.









Pagdating sa cafeteria ay agad kaming kinawayan ni Direk para palapitin kung saan na sila nakaupo ni Rita.



"Anong pagkain meron?"



Naaamoy ko ang adobo, pancit, at caldereta. May mga pangbreakfast din dahil all-day daw ito sa cafeteria.



I remembered when Rita cooked 60 eggs for the whole production team nung taping namin ng Ang Dalawang Ikaw. Isa na yata yun sa pinakamasarap na itlog na nakain ko.













**FLASHBACK**



Ken's POV



"Choi, are you cooking?"



Naabutan ko kasi siya dito sa may kusina. Mag-isa lang siyang nagpeprepare ng mga cooking pans and ingredients niya.



She looked up to me and smiled, "You wanna help?"



"Oh sure. Ano ba 'yang lulutuin mo?"



I immediately went sa may likod nito at tiningnan kung ano ang mga hinahanda nito. Nakita kong may halos tatlong tray ng itlog ang nakalagay sa kitchen counter.



"Itlog?"



"Ahaaa. Your favorite scrambled eggs. Nirequest kasi ni Ms. Tracy at pinagmalaki pa sa buong prod kaya ito, ipapatikim ko na sa lahat itong best recipe ko"



"Ilan lahat 'to Choi?"



"Ahm 60 yata 'yan"



I slowly placed my arms to wrap her waist from behind. I leaned my chin on her shoulder as well.



"Naku naku naku Chow, tigilan mo ako sa payakap-yakap mo. Ikaw ha, ang sweet sweet niyo kanina ni Bea. Naiinis ako"



Filming LoveWhere stories live. Discover now