Cam 027: Give

164 9 21
                                    

Ken's POV



"Hey wait"



Hinabol ko si Rita kasi delikado na rin sa labas. Lagpas alas-diyes na ng gabi eh wala nga itong sasakyan pa dito.



"Bitawan mo nga ako. Doon ka sa Bettina mo. Gusto mo dun diba?" pilit niyang inaalis ang kamay ko mula sa paghawak ng braso niya.



"C'mon Choi"



"Rita nga pangalan ko ano ba?"



Umikot ako at pumunta sa harap niya pero sa kung saan-saang direksyon ito nakatingin.



"Choi, o Rita, o Ta. Ano ka ba? Hindi ko nakakalimutan ang deal natin. Diba nakita mo naman kung gaano mo ako napasaya nang sabihin mo sa aking gusto kong maging daddy ni Dani? Hindi ko nakakalimutan yun"



Nakatingin pa rin siya sa gilid. Ewan ko ba kung sa poste ng ilaw or sa naglalakad na pusa o sa mga puno ng mangga.



"Whatever" tugon niya.



"C'mon. Kaysa mag-init yung ulo mo, ihahatid na lang kita pauwi. Teka bakit ka nga pala andito ha?"



"Itong Lianne kasi, she promised me na maghahangout kami sa BGC tonight and that" she pointed at the restaurant kung saan kami nanggaling, "is supposed to be our meeting place"



She frowned.



"Eh saan ba kayo maghahangout ba? Tara, samahan na lang kita."



"No. Hindi na. Nawalan na rin ako ng gana after kong MAKITA YUNG..." sabay taas ng kilay.



Hindi niya naituloy pa yung sasabihin niya dahil agad ko itong pinatigil ng isang halik sa labi.



As expected, isang malakas na sampal ang inabot ko, "Bastos!"



"Huyy Choi. Sorry na. Kasi naman ayaw mong tumigil sa kaseselos mo. Look, ikaw lang sapat na. Ano ka ba?"



"At sa tingin mo talaga nagseselos ako ha? FYI lang ho, Mr. Ken Chan, gusto ko lang sana mag-ingat ho kayo kasi ayaw kong masaktan ang anak ko kapag nakita kayo in public na magkasama. Asang-asa na sayo yung bata kaya pwede ba?"



"Talaga? Si Dani ba talaga? Hindi ba ikaw?"



"He. Tumigil ka. Bahala ka papara na ako ng taxi"



Tumayo siya sa may waiting shed at naghintay ng taxi.









Isang oras na yata kaming naghihintay dito pero ni isang taxi ay walang humihinto.



"Sumakay ka na kasi sa sasakyan ko. Sige na ihahatid na lang kita sa condo"



Sinamaan niya muna ako ng tingin bago sumunod.



"Akin na susi. Ako magdadrive"



"Oh bakit? Sasakyan mo ba yan?" tanong ko pero kinakapa-kapa ko na yung susi sa bulsa ng pantalon ko.



"Akin na sabi. Kung hindi ako mismo dudukot diyan sa pantalon mo!" pagbabanta niya.



Ibibigay ko na sana sa kanya yung susi pero bigla siyang lumapit sa akin at ipinasok ang kamay sa kanang bulsa ko.



Filming LoveWhere stories live. Discover now