Prologue

106 9 1
                                    


   "Liah please 'wag mo naman kaming iwan ng anak mo,"

   Pagmamaka-awa ko kay Liah habang buhat-buhat sa kamay ang isang buwang sanggol na mahimbig na natutulog sa aking mga bisig.

   "Please! kung ano man ang nagawa kung mali patawarin muna ako, magbabago ako kung ano man ang mga pagkakamali ko. Hindi ko 'to kakayaning mag-isa Liah," pagsusumamo ko sa babaing nakatalikod sa amin ng kan'yang anak.

   Magkahalong paus, pagod, at pag-aalalang pakiusap ko, kahit alam kung imposibling pigilan s'ya sa desisyon n'ya ay nagbabasakaling kahit kaunting-awa man lang para sa anak namin ay lumambot ang puso nito at pipiliin nitong manatili.

   Ngunit, mistulang nagmamaka-awa ako sa orasan na 'wag tumongtong ng alas sinko. Dahil ni katiting na awa ay 'di ko man lang makita sa mga mata nito.

   Blangko itong nakatingin sa aking mga mata. Kita kung na wala na ang noo'y puno ng pagmamahal at importans'ya nito sa amin nang anak n'ya.

   "Hindi mo kaya?" Walang emosyon n'yang tanong sa akin.

   "Ni minsan ba tinanong mo ako kung kaya ko 'to? Kung handa ba ako? Ni minsan . . . hindi mo ako tinanong, Noah! Kaya 'wag mo akong sat-satan sa salitang "kaya". Her words kept me silent.

   Sa mga sinabi n'yang ngayon ay wala akong nagawa kung hindi ang matahimik habang umiiyak. All this years we've been together she never said a word, ang akala ko okay lang sa kan'ya ang lahat, but I think she felt this is too much for her.

   Ni hindi ko alam na ang pinakamamahal kung babae at pinaka-iingatan kung babae ay nasasaktan at nasasakal na pala sa sitwas'yon namin ngayon.

   "Sinira mo ang pangarap ko Noah, Itinakwil ako ng mga magulang ko dahil sa letsing pagmamahal mo! Akala mo ba naging masaya akong kasama ka?" She's not the Leah I knew and loved before. Parang nag-ibang tao na ito ngayon sa mga salitang binibitawan nito.

   Ito ba ang tinatawag nilang magkakaalaman na kayo ng totoong kulay pagnagsama na kayo sa iisang bobong? Kung ito nga, masakit palang sampalin ka sa katutuhanang hindi pala madaling mag-asawa ng maaga.

   "Oo inaamin kung sa una lang pala masaya ngunit, mula nang maging batang Ina ako wala na akong maramdamang saya dahil sa 'yo, dahil sa inyo!"

   Masakit at na kakadurog ng puso ang mga salitang lumalabas ngayon sa mga labi nitong noon ay purong ngiting matatamis lang ang aking nakikita't na ririnig na mga salita.

   "Nawala na ang mga oras na kailangan ko naman sanang magpahinga at intindihin ang aking sarili. Nawala na ang dating ako dahil sa pagkakamaling 'to,"

   Tuluyan na akong napaluhod habang hawak sa kanang kamay ang aming anak at sa kaliwang kamay naman nakahawak ako sa hawakan ng kan'yang bag. Ito palang ang unang besis na nakita ko s'yang nasasaktan, at sa puntong ito ay hindi ko kaya ang nakikita ko sa kan'yang mga mata.

   Galit, pagkamuhi, sakit, at pagkadismaya ang nakikita ko rito, at ni minsan man lang ay 'di ko 'yun napansing papausbong ito sa kan'ya.

   Marahas n'yang hinablot ang bag n'yang hawak ko at agad isinukbit sa kan'yang kanang balikat. Hindi ko akalaing ang babaeng naging mundo ko at bumuo sa kung anong kulang sa akin ay s'ya rin pala mismo ang dudurog at wawasak sa mundong binuo ko kasama niya at nang anak namin.

   "Paano si Seah? Paano na ang anak natin?" Puno nang pagmamaka-awa ang mga mata ko habang nakatingin sa kan'ya na maya-maya pa ay dahan-dahang papalapit sa kung saan kaming dalawa ng anak namin nakasalampak.

   Uma-asa parin ako na mabigyan namin ng kumpleto at masayang pamilya ang anak namin, kung hindi man n'ya ako mabigyan ng pagmamahal, sana kay Seah maparamdam n'ya kung gaano n'ya ito kamahal.

   "Maalagaan mo s'ya. Hindi ko kayang magising sa umagang nakikita 'yang batang 'yan, pinapa-alala lang n'ya sa 'kin kung gaano kalupit ang mundo't ginawang miserable ang buhay ko. Hindi s'ya sasaya sa poder ko, magiging imperno lang ang buhay namin pareho kung isasama ko s'ya sa pag-alis ko," Walang emos'yon ang mga mata nitong nakatingin sa amin ng anak n'ya, nagmistulang patapong bagay kami sa kan'yang mga mata.

   Nasasaktan ako, hindi sa akin o sa ginagawa ni Leah kung 'di, nasasaktan ako para sa anak namin . . . sa anak ko. Hindi ko akalaing masasama s'ya sa away naming ito at naging dahilan pa ito sa pagdesis'yon nitong iwanan kami.

   "Alagaan mo s'yang mabuti ng hindi matulad sa akin o sa 'yo, kung magtanong man ito kung nasaan ako 'wag kanang magsayang ng oras at panahon. Sabihin muna lang na patay na at maging masaya kayo, 'wag muna akong hahanapin o ipahanap, kailan man 'di na ako babalik sa masamang desis'yong nagawa ko sa buhay ko."

   Walang lingunang tinungo nito ang pintuan at ni katiting o halik ng pamamaalam man lang sa aming anak ay 'di n'ya ginawa. Hindi na ako nakapagsalita pa, alam kung kahit anong pagmamakaawa ay mawawalan narin naman ito ng saysay. Walang salitang paalam ang lumabas mula sa kan'yang labi at nagtuloy-tuloy lang na lumabas sa pinto ng aming apartment na inuopahan.

   Ang malakas nitong pagsara ng pinto at ang ingay na nagmumula sa bentilador lamang ang aking namalayan at maya't-maya pa ay napatingin ako sa aking anak at agad na niyakap ito sa aking mga bisig. Ang mga mapupula nitong pisnge at mga maliit nitong pagkilos ang nagpaluha sa akin ng husto.

   Hindi ko akalaing ang isang buwang sanggol ay mawawalan ng inang kakalinga at kukompleto sa kan'yang pagkatao. Hindi ko aakalaing sa murang edad ay mararanasan na nitong walang makakagisnang ina.

   "Patawad Seah, patawad!" Sa apat na sulok ng aming inuupahan ang mga hikbi ko at singhot lang ang umaakap sa amin ng aking anak. Awa ang sumasaksak sa aking dibdib habang kayakap ang aking munting sanggol.

   Tila naging madilim at nakisabay din sa aming kalungkutan ang langit at biglang bumuhos ang ulan. Sa gabing ito naging malungkot at nawasak ang aking pinakaiingatang pamilya. Hindi ko inaasahang hahantong sa ganitong sitwasyon ang lahat.

   Authors Note:

   This is a work of fiction names, places, event and some chapters of this story was the authors own imagination. Any particular or resemblance of this story was not intended by the author.

   All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information retrieval system, without the prior permission from the author.

Leaving The Lights On Where stories live. Discover now