Chapter Thirty Nine: Ecstatic

11 1 1
                                    

ec·stat·ic
/ekˈstadik/

Feeling or expressing overwhelming happiness or joyful excitement.

Iyah/Thaleah’s Point of View

   Naka-tingin lang ako sa malayo habang nakikita ang anak ni Noah, ni hindi ko akalaing sa susunod naming pagkikita ay nasa puntod na ito.

   Hinihitay ko itong matapus na sa pagbisita nang maausap ko ito ulit Maya-maya pa tumayo na ito at  luhaan, ako naman ay dahan-dahang pumunta sa pntod nito.

   Matapus kung masilayan ang pangalan sa puntod nito at makita ang completo nitong pangala,  ay malakas ang pagbagasak nang aking mga tuhod sa lupa at luhaang sinusuntok ang puntod nito.

   "Ang sama mong tao!" may kung anong sakit sa lalamunan kung saad.

    Nag-iyak bata ako ulit matapus makita ang pangalan nito. Halos lahat nang ala-ala nito ay nabalik, lahat nang napagdaanan naming dalawa y nagbabalik muli para saktan ako.

   "Sorry sorry sorry," iyan lang ang paulit-ulit kung saad. Walang sawa kung saad at paghingi nangtawad sa puntod nito.

   Subrang pagsisi ang aking nararamdaman, tama nga talagang nasa huli ang pagsisisi. Halos hindi ako makapagsalita  nangmaayus dahil sa garalgal kung boses.

***

   Matapus ang pagbisita ko sa puntod ay agad na akong umalis umuwi. Mugto ang mata kakaiyak pero nakuhako parin na ngumiti nang salubongin ako nang aking bunsong anak nasi Rain.

   Agad akong napaiwas nang tingin nang maagip nang aking mata si Seah. Hindi ko maiwasang mahiya sa akinang anak dahil sa ginawa ko noon. Pagsisisi lang ngayon at hiya na naging ina ko ngayon sa mga anak ko habang naging eresponsable sa kaniya.

   Nakakahiyang isipin na ipinagtatagpo kami nang tadhana, hinahanap ba niya ako? Pinahanap ba ako ni Noah? Hindi ko akalaing sa tagal nang panahon, maliit pa ito at iyakin sa aking mga bisig noong iniwan ko ito sa kaniyang ama. Ngayon, malaki na at maganda na mas ikinaiyak ko.

   Bakit ako pinaparusahan nang Diyos. Bakit ako pa!

Flashback

   “Noah meet Thaleah Consolasion, galing pa iyang kabilang bayan aba!”

   Unang kita palang namin ngayon at na kukwento na sa akin ni Leslie (pinsan ko) itong si Noah.

    Sabi pareho raw kaming may interest sa musika. Nasa may katutuhanan naman. I love jazz music at syempre worship songs na nakuha ko sa palagiang pagpunta sa church namin. I'm 15 turning 16 this next month of November at sabi ni Leslie ay kaka-18 lang daw ni Noah.

   “Hi!” nahihiya ko pang saad habang siya naman ay nakatanga lang at nakatingin sa akin. Nahiya naman ako bigla sa pagtitig nito.

   Iniisip kung baka nandidiri ito sa akin. Agad akong napatalikod sa pinsan ko at sa lalaking nakatingin pa rin ng tumunog ang cellphone ko. Sa lakas yata ng aking 30310 (thirty three ten) na bagong model ng nokia phone paano ako hindi mahihiya.

   Agad akong na dismaya sa nagtext. Si Louis lang pala. Agad kung sinalent ang aking phone at ibinulsa. Mayaman ang pamilya ni Louis, mas matanda ng 5 taon si Louis sa akin pero gusto nila mama na magkamabutihan kami.

   Isa si Leslie sa palanobyong pinsan ko kaya paminsan minsan dinadala ako nito para busugin at maging excuse nito sa pagsama sa nobyo nito. Ngayon ay may kasama ang nobyo nito at ito’y si Noah.

   “Hala tara na!” anunsyo ni Leslie at kumapit sa braso ng nobyo nito. Agad naman kaming sumunod sa dalawang magkasintahan at parehong nahihiyang nakasunod sa likod nila.

   Buong araw naglibot kami sa ibat-ibang amusement park na kakabukas. Ibat-ibang rides na rin ang aming na puntahan, carnivals at horror house na sinasabi nila.

   Agad kaming nagpahinga sa gilid ng iisang park dito. Pagod akong napaupo kasama ng mga ligaw na bulaklak dito sa aming paligid. Nakasalampak kami sa madamong bahagi at ang iilang bulaklak na ligaw dito ay na mukadkad na.

    Agad akong nagulat nang may isang kamay ay lumapit sa tainga ko at may kung anong isinuksok itong si Noah. Nang napagtanto ay agad akong na mula sa gawa nitong lalaking ito.

    May bulaklak sa aking kaliwang tinga na inilagay ni Noah na ngayon ay tahimik lang na naka-upo sa aking tabi. Wala kasi sila Leslie bumili ng pagkain, habang kami naman ay nag-aantay lang sa kanila rito’t naka-upo.

   “Anong instrument ba ang tinutogtog mo?” Tanong ko na dahil sa subrang tahimik naming dalawa rito at nag-aantay.

   “Ah nagge-guitara ako,” sagot nito at natahimik kami pareho. Maya-maya pa ay sabay kaming humagalpak ng tawa sa subrang awkward ng aming sitwasyon.

    At dahil pareho naman kaming na iwan ay nagtanongan nalang kaming dalawa. Na wala bigla ang awkward namin matapus naming mag-usap ng kaswal.

    Pansin ko matapus ang iilang minuto ang gandang lalaki nito. Moreno, matangos ang ilong, maganda ang hugis ng labi, ngunit payatot. Na kwento nitong kaibigan at magkahati sila ng bayad ng apartment noong lalaking nobyo ni Leslie.

    Nakatira itong mag-isa at wala na raw siyang mga kamag-anak. Hindi ko alam kung maaawa ako o ano, sabi pa niya kahit daw na may kapatid ang nanay nito ay hindi naman daw siya kilala. Nagsalitan kami ng kwento at masasabi kung ang gaan ng pakiramdam ko sa lalaking ito.

   Matapus ng ilang sandali ay nagbalik nga sina Leslie na parang mga pagod. Agad kaming nagkatinginan ng katabi ko at alam na namin ang nangyari.

   Matapus ang araw na iyun ay nagpalit kami ng number sa isat-isa at iyun ang unang pagkakataong na taranta ako kapang may malakas na tunog ang aking naririnig sa along 30310 (thirty three ten) Nokia phone.

Seah's Pint of View

   Ilang araw natapus ang iilang quizzes namin ay ramdam kung iba pakikitungo ni Tita Iyah sa akin. May iilang besis na hindi ako na lulutuan nang ulam o kanin at minsan naman naninigaw nalang ito basta-basta.

   I also mentioned it to Raphael at pati siya ay walang idea sa mga nangyayari. Kahit nga raw sa kanila ay nag-iba ang pakikitungo nito. Nitong mga nakaraang araw pa ay wala ito sa sarili at nahuli ko pang nakatunganga sa labas bahay habang nakatingin sa kalangitan.

   Ayuko naman na sirain ang araw o gabi nito kaya lagi akong umiiwas na makasalubong nito, baka kasi manigaw na naman ito.

   “Seah!” agad akong nanigas nang tawagin ako nito. Agad akong napatingin sa aking likod at na gulat ng yakapin ako nito ng mahigpit.

   Hindi ko alam ano ang gagawin kaya nanati nalang akong yakap nito. Maya-maya pa ay bumitaw ito sa pagkakayakap at umalis ng hindi man lang umiimik. Ako naman na naiwang walang idea ay nakibit balikat na lamang at nagpatuloy sa paglalakad paitaas.

Leaving The Lights On Where stories live. Discover now