Chapter Eight: Review

14 4 8
                                    

   “Wala ka pang-review ‘di ba?” agad kung nakitang nag-iwas ito ng tingin. Napapangiting napapalingo ako sa kaniyang reaction.

   Agad kung inabot sa kaniya ang aking notebook na ikinatingin nito rito at sa akin.

   “Anong?” as if hindi niya alam. Alam ko namang wala siyang na isulat kahapon. Lutang kasi ito at alam kung kakailanganin niya ang notes kaya ako na nagsulat ng lahat.

   Wala naman talagang kaso sa akin ang walang maisagot. Kahit naman papaano kahapon ay may natutunan ako.

   “Magreview ka. Sasamahan kita ritong magreview,” saad ko naman na ikinatanggap niya ng notebook ko. “Kaya ko na magreview mag-isa,” sagot nito na ikina-iling ko lang.

   Agad akong umupo sa sahig ng balkonahi habang nakatingin sa maliwanag na kalangitan. Ramdam kung na upo rin ito sa tabi at nagsimulang pagbubuklatin ang notebook ko.

   I stay silent at hinayaan lang itong magbasa ng taimtim. Napapangisi pa ako sa bawat kunot nito ng noo na parang wala itong maintindihan.

   We stayed like that for about an hour hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

   Agad akong na alimpungatan ng mainit na sikat ng araw ang sumunog sa aking balat. Kita ko sa aking kaliwang kamay ang notebook ko at wala na ang tenant namin.

   Nagmamadaling pumasok agad ako sa aking kwarto at madaliang nagtungo sa aking banyo para maligo. Ligong sundalo na lamang ang aking ginawa, binasa ko nalang ang ulo ko para madaliang matapus.

   “Bye ma!” paalam ko matapus kung makapagbihis na ikinakunot naman ng noo ni mama.

   “Mag-almosal ka muna! Sabay na kayo ni Seah,” papalabas na sana ako ng aming pintoan ngunit agad akong bumalik na nakakunot ang noo.

   “Sinong Seah?” takang tanong ko na ikinaturo naman ni mama sa babaeng nakatalikod suot ang uniform na kagaya sa akin na nakaupo sa harap ng lamesa.

   Lumingon ito sa akin na ikinagulat ko. “Woah! Seah pala ngalan mo?” saad ko at agarang pumunta sa harap nito at naupo para mag-almosal.

   Napapalingo naman si mama na napaalis sa pwesto namin at kumuha ng pinggan ko.

   Agad ko namang tinignan ang aking relo na nakapagpatampal sa akin. 6:35 am pa pala at may oras pa sana akong maligo ngalang sa pagmamadali ko ay ito’t wala akong matinong ligo.

Seah’s Point of View

   Hindi ko aakalaing tinutulungan ako nitong lalaking kaharap ko ngayon.  I had never expected that someone would lend a hand for me.

   Talagang napuyat ako kakaisip sa kung ano ang gagawin ko sa quiz, tho! Hindi naman talaga ako nakakatulog ay nakadagdag pa sa inaalala ko kagabi kung ano ang isasagot ko.

   I did write a little bit about the subject pero subrang lutang ako kahapon kaya hindi rin ako nakapagsulat ng maayos.

   Nakapag-agahan na kami at sabay ding pumasok. It's so awkward, alam ko kasi sa sarili kung hindi ako nakapagpasalamat sa ginawa nitong pag-aabot ng notebook nito.

   Tahimik lang kami hanggang sa makapasok kami ng school. Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad akong inakbayan ng isang lalaki at parang tangang nagpapout habang naglalakad ako papunta kung saan ako nakaupo.

   “Seah, samahan mo naman ako magreview. Wala pa akong alam sa quiz natin at hindi ko rin na iintindihan ang binabasa ko,” malamya nitong saad habang kinukulit ako.

   Tumango nalang ako para umayon sa gusto nito. I was been helped, kaya tutulong na rin ako. Ang sama naman siguro kung tumanggi ako.

   Nanghila ito ng upuan at pinaharap agad ito sa kung saan ako naka-upo.

   “Ito basahan mo ako Seah,” he demanded. Wala na akong nagawa kung ‘di basahan siya. I cleared my throat first and started to scan his notes. Maganda naman ang sulat nito ngalang mas detailed ‘yung kay Raphael.

   As I was reading and explaining the topic ay para lang itong tanga sa harap ko habang nagpapahalombabang nakatingin sa akin. I doubt na nakikinig ito, tumatango lang din ito na akala mo ba ay na iintindihan niya talaga binabasa ko.

   I just let him and finishing what I have started. Tinignan ko rin ang oras at maya-maya ay time na namin. Binilisan ko nalang sa pag-explain at bahala na itong lalaking ‘to na umintindi mamaya.

   “Okay let's start,” our instructors voice echoed that stops me from reading.

   “Woah! Wala akong natutunan,” ngawa ng lalaking kaharap ko na nakapagpatampal sa noo ko. Sinasabi na nga ba eh! “Ma’am five minutes,” request pa nito ngalang umiling na ang aming guro na ikinabusangot nito.

An hour had past at natapus na rin kami and surprisingly alam ko lahat ng sagot. Napahinga ako ng maluwag ng maibigay na sa akin ang aking papel na kakacheck lang.

I was satisfied. And I'll probably thank Raphael and treat him something dahil sa ginawa nito kagabi. “Woah bakit ang liit lang ng score ko,” rinig kung reclamo nong lalaking tinatawag nilang Cedric at madrama itong napayuko sa kaniyang upuan.

“Nagreview naman ako kasama si Crushy ah!” napangiwi nalang ako sa saad nito.

Binaliwalang ibinaling ko ulit sa aking papel ang aking tingin at agarang isinuksok sa aking bag. At dahil sa natapus na ang aming quiz tyaka lang ako dinalaw ng antok matapus kung malampasan ang pagsubok na iyun.

Humihikab ako at napatingin sa kalangitan. Maganda ang sikat ng araw ngayon, tanaw ko sa bintana ang iilang puno at iilang nagliliparang mga ibon sa himpapawid.

Our schools window is a sliding one. At dahil sa malapit ako sa bintana ay minabuti kung binuksan ito na ikinapasok ng sariwang hangin. Ramdam ko sa paghampas ng malamig na hangin kung gaano ka presko ito.

Habang ninanamnam ko ang ihip nito ay may biglang naglagay ng isang styrofoam na baso sa aking arm chair na ang laman ay kape.

“Inomin mo,” Raphael said at ngumiting bumalik sa upoan nito. Kailan pa kaya nakalabas ang taong iyun para lang sa kape.

Nakatanga pa ako sa kape at maya-maya pa at nagkibit balikat akong dinampot ang kape at ininom ito.

It's still hot at baka may vending machine pala rito sa loob ng school na hindi ko pa alam. Though wala talaga akong alam kasi hindi pa naman ako nakakapaglibot dito.

Ihip ihip kung hinihigop ang kape habang napapatingin ako sa labas ng room.

“Thanks,” bulong ko pa.

Leaving The Lights On Where stories live. Discover now