Chapter Three: Family Dinner

29 4 9
                                    

   Agad akong napasandal sa dingding ng aking magiging kwarto habang tagaktak ang pawis sa aking noo.

   Maraming mga kagamitan ang aking nailabas na kanina at gabundok na alikabok din ang aking natanggal sa buong kwarto.

   Nalinisan ko na rin ang banyo rito at napalitan na rin ng mga beddings ang aking magiging kama.

   This place is perfect. Dagdag na ilang hakbang lang ang daan papuntang skwelahan, this place made me felt I am belong and free.

   Isa na rin siguro sa nagustuhan ko ay 'yung mismong pamilya. Taus puso nila akong tinanggap dito at lahat naman sila ay mababait. I met the husband of tita Iya awhile ago and he's so energetic and funny at the same time, her full name was really is Thaleah but she insisted that I should call her Tita Iya.

   “Pampalamig!” Sulpot ng anak ni tita Iya na may dalang isang petchil ng orange juice, pandesal, at baso.

   “Salamat!” Pasalamat ko at nginitian ito. Agad naman n’yang inilapag sa tabi ko ang mga dala n’ya at tumabi sa kung saan ako naka-upo.

   " Woah! Ang linis na ah! Kailan mo isasa-ayus mga gamit mo?" Tanong nito. “Oh! By the way, hindi pa ako formal na nagpakilala sa iyo. I'm Raphael Consolasion, same lang ‘ata tayo ng age,” pakilala nito at inilahad nito ang kan’yang kamay para makipaglamano.

   Uminom muna ako ng dala nitong inumin bago sagutin ang tanong nito.

   Wala pang mas’yadong kagamitan dito. Kama pa lang ang nasa silid kaya napakamalawak ng buong kwarto.

   “Baka bukas na! Hahahaha gabi na rin kasi at medjo napagod din ako ng slight! And I am Seahna Althea Salvadela, nice to meet you Raphael.” Saad ko at napangiting inabot ang kamay nito agad ko namang binitawan ito at inililibot ang tingin sa buong lugar. “Pasens’ya pala kanina, hindi ko kasi alam na nagbibihis ka pala.”

   Agad akong napangiwi ng maalala ko ang pagkahulog n’ya kanina sa hagdan. Agad akong napailing at piking napangiti.

   “Nako kasalanan ko rin naman ‘yun akala ko kasi wala nang aakyat kanina.” Agad na naging awkward ang lahat na ikinatahimik naming dalawa.

   Agad naman n’ya itong binasag ng tumayo ito at nagpagpag nga damit.

   “Nga pala handa na ang haponan sa baba. Sumunod ka nalang kung okay kana!” Saad nito kaya agad akong napatango.

   Maglilinis na lang muna ako ng katawan bago ako bababa para kumain. Agad kung isinantabi muna ang inumin na dinala nito at agad na nagbanlaw ng katawan.

   Masasarap na hampas ng malamig na tubig ang agad na pumawi ng init at dumi sa buo kung katawan. Kahit na nakabalde at nagtatabo lang akong nagbabanlaw ay ramdam ko paring narerelax ako sa lamig ng tubig nito.

   It's already 7:30pm at matapus kung magbanlaw at magbihis ay agad akong bumaba upang makisalo sa kanilang hapunan. This is the first time na mahigit sa isa ang aking kasalo sa hapagkainan. Ever since my dad died ako nalamang ang kumakain mag-isa at sa totoo lang, that moment me being all alone felt like I was living in hell.

   Yung kahit sa pagnguya at paglunok mo sumasabay sa sakit ng lalamunan mo ang patak ng luha.

   “So! You think your happy now?” Agad akong napatingin sa batang nakasandal sa gilid ng pinto nang aking kwarto. “Don’t start with me now, maganda mood ko.” kuntra ko pa rito.

   Nagkibit balikat lang ito at maya-maya pa ay nawala na naman ito.

   Hindi na ako magtataka kung pabalik-balik ito. Noon pa man gan’yan na ’yan bumabalik o kaya nawawala. You might think I'm crazy, apparently malapit lapit na talaga akong mabaliw. We tried pyscho therapy but, dahil sa kawalan nang pera ay natigil ako sa pagpapagamot.

   And I let him be, tinanggap ko nalang din na may nakikita ako. But strangely hindi ako sinasaktan ng imahenas’yon kung ito. Sanayan na rin kasi mga nasa 7 years old ako palagi ko na s’yang kasama.

   I never named him or that thing, sabi rin ni papa na iwasan ko itong pangalanan.

   Nang makababa ay kita kung maliwanag ang buong paligid. May mga malilit na mga ilaw sa aking tinatapakan at iba-iba ang kulay nito. May nakasabit din sa paligid at mga malalaking bilog na umiilaw din ang nakikita ko na nakadesenyo sa lugar ng kanilang ihawan.

   Kita ko sa gitna ang lamisang puno ng nagtatawanang tao at kay gandang tignan na nakangiti sila sa harap ng hapagkainan.

   “Oh ijah! halikana ikaw nalang ang hinihintay!” Agad akong napangiti at nakisalo sa kanilang munting haponan.

   The night was filled with laughter's and I felt like I am not alone anymore. Nang matapus na ang haponan at ang aming munting kasiyahan ay agad na akong umakyat sa aking kwarto at agad na kinuha ang aking guitara.

   Agad kung pinatay ang ilaw ng aking kwarto at umupo sa sahig at gitna nito. Gamit ang flashlight ng aking cellphone inilapag ko ito sa aking harapan at nagmistulang nag-iisa kung ilaw.

   As I strum on my guitar, I close my eyes and starts to remember him again. A warm drop of my tears are flowing as I imagine how he smiles and his laughter sounds like.

   This night for me is somehow happy and sad at the same time. This night was my realization that I'm on my own now. I'm still 21 and I needed someone to lean on, I can't fight without a single reason or person to be my inspiration or motivation.

   I can't do this on my own! I needed someone.

   “Hello? Tulog ka na ba?”

Raphael's point of view

   Sa tingin ko mas’yadong malungkutin ang bago naming tenant. Sa pagdating n’ya kasi kanina tanging s’ya lang mag-isang pumunta dito, mukhang nag-iisa nalang ‘ata ito sa buhay.

   “Ma!” Tawag pansin ko kay mama habang nagmamarenate ito ng aming ititinda bukas.

   “Hmmm?” Sagot lang nito dahil abala pa rin ito sa pagmi-mix ng karne.

   Agad akong lumapit dito at naghalombaba habang nakakunot ang noong nakaharap sa kan’ya.

   “Nailigpit mo pa po ba ‘yung mga pailaw natin no’ng nakaraang pasko?”

   Napatingin itong bigla sa akin at napahinto sa kasalukuyan nitong pagtutuhog na ng karne.

   “Saan mo po na ilagay? Gagamitin ko po sana para sa unang pagdating ng bago nating tenant,” saad ko at ngumiti.

***

   Kunot noo kung sinesearch ang boung google para sa design na pweding edecorate sa aming ihawan.

   May mga nakita ako ngunit ampangit naman kasi ilaw lang yung available sa ‘kin ta’s sa web ang daming designs.

   Agad kung na ibagsak ang aking phone at nakipagtitigan sa mga ilaw na nasa harapan ko. I can’t come up with great design so, sa kung ano nalang ang pumasok sa aking utak ang sinunod ko.

   “Ayan natapus din!”

   Saad ko habang tagaktak ang pawis sa kakadesign at paulit-ulit na pagdesenyo sa buong lugar. This is my first time designing at nag-effort para sa iisang tao, and it’s worth it wasting energy and effort for someone.

   Agad akong napangiti sa aking naging masterpiece at nasasabik na malaman ang reaction nito sa aming kaunting kasiyahan. The place are all aligned at mamaya ay magsisimula na aming kaunting salo-salo.

Leaving The Lights On Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum