Chapter Seven: Coffee or tea

18 4 7
                                    

Leah's Point Of View

   “One Expreso Conpana and one americano,” agad kung isinulat sa maliit kung papel ang oder nito. “What about sweet desert ma'am?” Tanong ko muli.

   She then again stared at the cafe’s menu. “Pretzel Donuts for two and one bagel please,” agad akong tumango. “Dine in or take out?” Pahabol ko ulit na tanong sa babaeng ngayon ay nakangiti na sa akin.

   “Dine in,” she answered and walk to where her date I presumed sat. Mapaghahalataan mo talagang maldita siya the way lang ng arko ng kilay niya. At hindi man lang nagpasalamat o kaya ngumiti pagkatapus mag-order.

   “This will take for awhile I guess,” bulong ko at ibinigay sa kitchen ang order nila. Minsan talaga kailangan mong maging plastic sa mga taong masama ugali at mahirap pakisamahan.

   The shop was a bit loaded at medjo busy ang lahat. Commonly mga studyante ang mga nasa loob ng Caffee shop ngayon, most of them are coming from a high class rich bitch, I guess. Sus’yalan kasi ang Cafe namin at s’yempre kung kagaya kung mahirap ang pupunta rito ay talagang mapapanganga ka sa taas ng pres’yo.

   I mean, hindi naman talaga siya subrang mahal, ang problema ngalang ay hindi siya afford ng mga kagaya kung kwek-kwek lang masaya na.

   “Leah! Paki-lagay na ito sa table four,” tawag sa akin ni Stephen. Isa siya sa kitchen staff na kasama ko sa trabaho. Siya ang may responsibilidad sa paghawak ng pagkain at taga-pasa at deliver din ng order minsan. Agas akong tumango at ikinakuha ng order nila.

   Agad akong naglakad papunta sa kung saan ang table number four at nakangiting inilapag sa kanilang harapan ang order nila. They where couple at subrang formal ng lalaki.

   Might be he had a job, kasi naka-suit ito habang ang kasama naman nito ay halatang estudyante pa. He's obviously working on a department store na malapit lang sa shop. Nakadikit pa kasi ang pin niya na may nakasulat na “Assistant Manager” sa kaliwang dipdip nito. While his date, She wears short-shots and a crop top na medjo na aasiwaan ako sa bulgarang slit sa dibdib nito. And as for the guy, he seemed to be more matured and a bit older than the girl.

   Well, as long as nag-order sila I've got no business sa kanila but you know I sometimes notices everything. “Here’s your order! Have a great time,” saad ko at nginitian ang babae. Plastic na kung plastic na iinis ako sa mukha ng babae.

   Nang maka-uwi ay bukas ang ilaw sa ihawan at sa first floor. Paniguradong nag-aantay ‘yung ginang kaya nagmamadali akong pumasok ng bahay.

   Wala akong na abutan pero may nakalagay na napagkain sa ibabaw ng lamesa. Tinakluban pa ito at medjo malamig na ang sabaw.

(Initin mo nalang ang sabaw kung malamig na, p.s matulog ka ng maaga.) nakasulat ito sa sticky note na idinikit sa takip ng ulam.

   Gutom ako kaya umupo na lamang ako sa lamesa at nagtakal ng kanin sa pinggang nakalatag na sa hapagkainan at nilantakan ang mga putahing nasa ibabaw ng lamesa.

   I was about to scoop for another rice nang makitang bumababa sa hagdan ang anak no’ng ilaw ng tahanan dito habang nagkukusot ng mata.

   “Oh! Andito kana pala! How's work?”

Raphael’s Point Of View

   Hindi ko na muna siya kinausap ng mahalata kung puno ang bibig nito ng kanin at halatang pagod at gutom galing trabaho.

   “Akyat na ako,” paalam ko ngunit bago iyun ay pinatay ko muna ang ilaw sa ihawan.

   Iyun naman talaga pakay ko kung bakit ako bumaba. I also let the light switch on sa kusena. She's still eating at baka pagnabulunan siya sa dilim ikinamatay pa ng bagong tenant namin.

   “Hmm” puno ang bibig nitong tumango na ikinapigil ko naman ng hagikhik.

   Talagang busog na busog ang pisngi niya sa subrang puno nito. Dala ang notebook ko ay muli akong umakyat kung saan ang kwarto ko.

   Napapailing akong na pa-upo sa aking study table at muli ay binasa ang laman ng aking notes. May quiz kami bukas at kailangan kung magreview.

   I started to think about her at napapakagat labing napapatulala habang iniisip kung nakapagreview na ba ito.

   “Knowing na nagtatrabaho siya paniguradong hindi pa ito nakakapagreview,” bulong ko sa sarili habang napapahalumbaba sa aking lamisa.

   “Pagpahingahin ko nalang muna iyun bago kuliting magreview,” conclusion ko at napapatango akong napapakamot sa aking baba at muli ay itinuon sa pagbabasa ang aking atensyon.

[Exactly 3am]

   Humihikab akong na pasandal sa sandalan ng aking upuan. Nagkukusot mata at papikit-pikit na at handa na sanang matulog nang maalalang hindi pa pala nagrereview ang bagong tenant namin.

   Nag-unat muna ako bago madaliang tinungo ang aking bintana habang dala sa kaliwang kamay ang notebook ko.

   “Shutik ang lamig,” reklamo ko at mabilisang tinungo ang aking kabinet at isinuot ang aking jacket.

   Full moon ngayon at kita ko ang lumang balkunahi namin noon. Aalisin na sana ito noon ngunit dahil sa kakapusan walang pweding arkilahin para gibain ang balkunahi na ito.

   At mabuti na rin kasi mapupuntahan ko kwarto ng tenant namin. Knowing na bawal daw akong pumasok sa kwarto ng babae kaya ito pwedi namang sa balkonahi ‘di ba?

   “Pst!” sotsot ko pa sabay katok sa bentana nito.

   The thing is iisang balkonahi lang kami kaya madali ko lang narating ang kwarto nito. Wala pa siyang kurtena at kita kung nakabaloktot ito sa kama habang nakatalikod kung saan ako ngayon.

   “Hoi!” ilang katok ko pa at hindi pa rin ito gumagalaw.

   Aktong aalis na ako at baka tulog na ito ay bigla-bigla namang bumukas ang bintana nito.

   “Anong?” takang tanong niya at dinungaw ang balkonahi. “May ganito pala rito?” takang tanong nito.

   “Ahhh Oo! Matagal na pero matibay pa naman kasi semento naman ito,” baliwala kung saad.

   Agad naman siyang umakyat papalabas ng kaniyang bentana na ikinataranta ko. “Hoi! Dahan-dahan,”

   Nakapaang lumundag ito papalabas ng kaniyang silid at agad na napahinga ng malalim habang nakapikit ito at nakabukas ang kamay.

   Nagmistulang titanic pa ang postura niya sa suot niyang night gown na puti habang nakapaa. Napangiwi rin ako ng maalalang nakaputi itong night gown at para itong multo sa balkonahi.

   “Bakit ka pa pala gising?” agad akong napatingin sa babaeng nakatingin sa akin ngayon habang wala man lang emos’yon ang mga mata nito.

   “Wala ka pang-review ‘di ba?”

Leaving The Lights On Where stories live. Discover now