Chapter Fifteen: Her

5 1 0
                                    

Raphael's Point of View

   Nagpapaypay ako ng tinda namin nang may isang kamay ang agad na tumakip sa aking mga mata. Agad akong napahinto sa ginagawa ko at kinakapa ang kamay ng taong nasa likod ko.

  Malambot ito at paniguradong mabango. May kaliitan din ang kamay nito na paniguradong babae ang may-ari.

   “Sino ‘to?” agad akong humarap sa taong nakahawak sa mata ko at agad itong dinamba.

   Napahagikgik pa siya ng makiliti ko ito sa tagiliran.

   “Ikaw pala!” it was Jasmine So, siya ang kababata ko na t'yamba naman na nakita akong papalabas ng school.

   We also exchange contacts para naman kahit papaano ay makumusta o kaya may balita kami sa isat-isa.

   Lalo pa at magkakalapit na kami ng tirahan ay paniguradong katulad ng dati ay magkakasama kami, hopefully.

   After that day, nagkikita na kami madalas sa labas at ngayon naman ay inimbita ko itong dito na sa bahay para maghaponan.

   Matagal na rin kasing hindi nakikita ni mama si Jas. At ngayon ay makikita na naman nila ang isat-isa. Parang anak na rin ni mama si Jas. Nakwento pa naman ni mama na may anak siya noon sa una niyang nobyo at babae ang anak nila, ngalang daw ay namatay ito sa sakit at iniwan niya ang kaniyang kinakasama.

   Sa pangungulila sa anak niya ay naging anak-anakan na ni mama si Jasmine.

   “Nakita mo na ba si mama?” tanong ko pa. Umiling agad ito at ngumiti, “Oh sino ba ang gusto akong makita?” tanong ni mama habang may dalang isang planggana na isaw.

   “Hello po tita!” saad naman ni Jas at agad na nagmano kay mama. “Oh ijah!” nakakunot noo ito ngunit agad naman niyang pinamano si Jasmine.

   Paniguradong katulad ko ay hindi niya na rin tanda si Jasmine. At paniguradong hindi niya namumukhaan ang magandang dalaga sa harap niya.

   “Si Jasmine po ako,” pagpapakilala nito na ikinagulat ni mama at ikinalapag niya ng kaniyang bitbit sa lamisa at agad na dinamba si Jasmine at agad na hinalikhalikan.

   Napahagikhik agad si Jasmine sa reaction ng nanay ko.

   “Jusko! Ang laki mo na at gumanda ka pa lalong bata ka, Kumusta? May boyfriend ka na ba? Pwedi pa bang manligaw si Raprap sa ‘yo?” agad akong napangiwi sa sunod sunod na tanong ng nanay ko.

   “Nakakahiya ka ma,” kuntra ko na ikinatawa naman ni Jasmine. Agad na nagkwentohan sila habang ako naman ay bumalik sa pagpapaypay ng aming binibinta.

   “Dito ka na muna matulog ngayon, na miss kitang subra,” rinig ko pang saad ng nanay ko habang kausap niya si Jasmine.

   Hindi ko na masyadong nakikita si Seah no’ng mga nakaraang araw. Nakikita ko nalang ito sa school at kung minsan pa ay natutulog.

   Minsan naman sa gabi ay hindi ko na nakikitang nakabukas ang kaniyang ilaw o kaya naman ay nakabukas ang bintana nito.

   “Tulungan na kita d’yan,” sulpot ni Jasmine na may ngiti at nakasuot na ng gloves at apron. “Nako sinong tatanggi kung ready ka na para,” saad ko naman at hinayaan itong kunin ang mga naluto ko at inayos sa mga nakahilirang lalagyanan ng mga naluto na.

   Ginabihan na kami sa pagpapaypay at pagseserve ng mga binibinta namin at malaking tulong si Jasmine para mapadali ang mga order na pumapasok.

   Sa dami rin ng mga estudyante ay nakakagaan din pala ang may extrang tulong. At subrang thankful kami na tumulong si Jasmine.

   Makaraan lang ang ilang oras ay nagsisi-alisan na rin ang mga costumer at papakaunti na rin ang aming tinda.

   Maya-maya lang ay paniguradong magsasara na kami. It's already 7:59pm at iilang mga inihaw nalang ay magsasara na kami at iyun din naman ang oras na maghahanda na rin kami sa aming haponan.

   Halos nasa bahay na ang lahat. Nasa bahay narin si papa na galing trabaho habang si Seah naman ay paniguradong mamaya pang alas-otso ang out nito.

   Nang matapus ay agad na akong na paunat sa sakit ng kamay at likod ko. “Oh! Magpahinga muna kayong dalawa g’yan at maghahanda na ako ng makakain natin,” saad ni mama na ikinapalakpak naman ni Jasmine.

   Nauwi sa kwentohan ang pamamahinga naming dalawa at habang nag-aantay kami sanhaponan. Abala si mama sa pagpeprepare sa haponan sapagkat hindi lang naman kami ang lulutoan niya.

   Maghahanda rin siya ng haponan ni Seah at ilalagay ito sa container na lalagyan at ilalagay sa lamisa.

Jasmine’s Point of View

   I was currently having my milkshake here in a local milkshake shop when I saw a familiar face from a nearby school. It’s still noon but he was walking out in a hot sun.

   That would be probably cutting classes. I then stood up on my seat and started to walk out of the shop to approach that person. I also left my milkshake cause I am a bit excited.

   “Raphael?” I called him but he seemed occupied. I then again called him three times until he turned left walking the opposite direction to mine.

   I hurriedly walk to him and kinalabit ko ito ng tatlong beses. As soon as he turned around I flash a smile confirming that he really is Raphael.

   And now, he is cutting meat for me while telling me to finish my food on my plate. “Swerte at nandito ka Jasmine, bubuksan ko iyong ginawa kung atsara (atchara) no’ng nakaraang araw para sa iyo,” his mom stated that made me smile with greatness.

   “Ow matagal na rin noong huli kung natikman ang specialty mong atsara, (atchara) Tita!” sagot ko naman na ikinalapag nito ng panibagong plato na puno ng bagong grilled na karne sa aming hapagkainan.

   “Marami akong ekwekwento sa ‘yo mamaya Jamine, ay nako maraming kalukohan ng ginawa nitong si Rap rap no’ng nawala ka.”

   Agad akong napatawa habang nakikitang napapalingo ang aking kababata sa aking harapan habang sinusubuan naman ang kaniyang kapatid.

   Bali tatlo kaming nasa hapag ngayon habang pabalik-balik lang si Tita sa lamesa, si Tito naman ay may ginagawa pa raw sa kwarto nila. Pinapakain ni Raphael si Rain habang nasa harap ako nito na pinaghihiwa rin niya ng karne.

   And in this scene, I love it! Para kaming bagong kasal na mag-asawa.

Leaving The Lights On Where stories live. Discover now