CHAPTER 2:NOT LIKE OTHER GIRLS

110 6 1
                                    

Vien POV

We are all shocked on what's nerd girl do on Dylan. Hindi namin inaasahan na gagawin niya iyon. Akala namin ay masusuntok siya ni Dylan but not. She grabbed Dylan's hand and she twist it and go on Dylan's back. Sinubsob pa nga niya ang mukha ni Dylan sa board eh.

"Ka-lalaki mong tao, nanununtok ka ng babae."

Nagpumilit na pumiglas si Dylan pero mas lalo lang siyang isinusubsob sa board. "A-ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ni Dylan. Agad naman siyang binitawan ng nerd girl at itinulak para mas lalong masubsob ang kanyang mukha sa board.

"Sabi mo bitawan kita. Ayan, binitawan kana."

"The h3ll! Bakit mo ako tinulak?!"

"Tss."

Inis na inis na nakatingin si Dylan kay nerd girl habang si nerd girl naman ay nakatingin din kay Dylan na bored.

Kakaiba siya ah.

"Umalis kana dito!"

"Eh, ayoko nga."

"At bakit naman ayaw mong umalis?! Ahh... Dahil puro lalaki kaming nandito tama?!"

"Sinasabi mo?"

"Hindi kalang basta nerd, malandi kapa!"

"Anong sabi mo?!"

"Ang panget mo na nga, malandi kapa."

"Aba't gag* ka ah!"

Boogsh! (Tunog po yan ng nasuntok hehehe)

"Dylan!"

"Lan!"

"Boss!"

Sabay-sabay naming sigaw dahil sinuntok siya nung nerd girl. Dali-dali kaming pumunta sa pwesto ni Dylan at tinulungan siyang tumayo.

"Gag* ka ah! Bakit mo siya sinuntok?!" Galit na tanong ni Michael. Sa aming lahat, siya ang pangalawang warfreak. Unang-una kase na warfreak sa amin si Dylan. "Bakit? Paano ka nakakasiguro na malandi ako hah?!" Singhal nung nerd girl kay Dylan. "Bakit?! Totoo naman ah! Kaya nga ayaw mong umalis dito eh!" Sigaw naman ni Dylan.

"Hah! Bago mo ako sabihan ng ganyan kilalanin mo muna ang totoong ako." Mahinahon ngunit may diin na sabi nung nerd. "Ako dapat ang kilalanin mo, nerd." Sabi naman ni Dylan ng may diin. "No need. Dahil isang tingin ko palang sayo, alam ko na ang ugali mo." Sabi naman ni nerd kay Dylan.

Susugurin sana ni Dylan yung nerd pero kaagad ko siyang hinawakan sa balikat. "Tama na Lan." Pagpapatigil ko sa kanya. Buti naman at nakinig kaya tumigil rin siya.

"Anong nangyayari dito?"

Agad kaming napatingin sa pintuan at nakita namin si ma'am Santiago na nakatingin sa amin at nakataas pa ang isang kilay.

"W-wala po ma'am. Babalik napo kaming lahat sa mga upuan po namin."

Lahat kami ay bumalik sa mga upuan namin at nakita ko na ang samaan ng tingin nilang dalawa ni Dylan.

Kahit kailan talaga to'ng si Dylan.

Naglesson na si ma'am at tahimik lang kaming lahat. Tinitignan ko si nerd girl at naka-focus lang siya sa harap at nakikinig.

"Tss. Huwag mo nga yang tignan." Rinig ko sa katabi ko. Hindi ko ito pinansin at nakatingin parin ako kay nerd girl.

Kakaiba siya.

She's not like other girls.

"Ok, class dismiss." At umalis na si ma'am. Inayos niya na ang gamit niya at nilapitan naman siya ni Quichie.

Nagkatinginan kaming lahat dahil nagulat at nagtataka kami kung bakit siya lumapit kay nerd girl.

Minz POV

Inaayos ko na ang gamit ko ng may kumalabit sakin. Tinignan ko ang kumalabit sakin at nagtataka ako kung bakit ako nilalapitan nito.

Baka mamaya utos 'to nung band aid guy.

Band aid guy ang tawag ko sa lalaking nakaalitan ko kanina. Sabihan ba naman daw akong malandi eh sila nga-----. Hindi niyo pa pala dapat malaman ngayon hehehe.

"Hello."

Sa itsura nito, mukhang bata pa siya.

Nakangiting bati nito sakin. "H-hello din." Nagtataka kong bati sa kanya. "Ako si Quichie." At naglahad siya ng kamay sa akin. Tinignan ko muna ang iba at nakakunot ang mga noo nila habang nakatingin sa amin.

at bumitaw na kami. "Bakit mo ginawa yun?" Tanong niya sakin habang pinapanood akong ligpitin ang gamit ko.

"Ano bang ginawa ko?"

"Yung pagsuntok mo kay Dylan."

"Ahh, yung lalaking may band aid?"

"Anong lalaking may band aid?!" Singit ni band aid samin. "Oh, bakit? Diba may band aid ka jan sa mukha mo?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Tama na, ate." Awat sakin ni Quichie. "Tsk!" Inis na sabi ko at kinuha na ang bag ko.

"Sige, ate. Bukas nalang. Babye!" Sabi sakin ni Quichie at tinanguan ko lang siya.

Lumabas na ako sa classroom at pumunta sa parking lot. Kinuha ko na ang motor ko at nagdrive na pauwi.

Pagkauwi ko ay nakita ko si kuya at ang anak ko na naglalaro. Oo. May anak na ako pero hindi ko siya biological daughter. Adopted daughter ko lang siya.

"Kuya! Anak!" Tawag ko sa kanilang dalawa. Napalingon naman sila sakin at ngumiti. "Mommy!" Masayang sabi ng anak ko at tumakbong lumapit sakin.

Umupo ako para magkasing-pantay lang kami at nagyakapan kami. "Nakauwi kana pala. Kamusta first day?" Tanong sakin ni kuya habang papalapit siya samin kaya tumayo ako at niyakap siya.

Siya si kuya Renz. Panganay na kapatid ko. Dalawa lang din kaming magkapatid.

"Kuya. Okay naman pero grabe pala sila." Sabi ko at bumitaw na sa yakap. "Bakit naman?" Tanong ni kuya at kinuha ang bag ko. "Mga bully pala sila, kuya. O mas tamang sabihin, mga badboys sila." Sabi ko at umupo na sa sofa.

"Hayaan mo na, bunso. Pero sana hindi ka mahirapan sa kanila." Sabi ni kuya at naghain na. "Sana nga, kuya." Sabi ko at tumayo na ako para tulungan si kuya.

Tumulong na rin ang anak ko at pagkatapos naming maghain ay umupo na kami at kumain.

Habang kumakain kami ay nagu-usap kaming tatlo. Pagkatapos naming kumain ay sabi ni kuya siya nalang daw ang maghuhugas ng plato kaya tumango nalang ako sa kanya at pumunta na kami ng anak ko sa kwarto ko.

"Magha-half bath lang ako, anak ahh." Sabi ko sa anak ko habang nilalaro niya ang stuff toy niya. "Ok po, mommy." Sabi niya at nahiga sa kama.

Kinuha ko muna ang damit ko sa closet at pumunta na ng cr. Pagkatapos kong maghalf bath at magbihis ay lumabas na ako ng cr at pumunta sa kama.

"Mommy, i'm sleepy napo." Sabi ng anak ko at humikab na. "Ok, sweetie. Matulog na tayo." At humiga na sa kama at niyakap siya.

Maya-maya lang ay natulog na siya at nakaramdam narin ako ng antok kaya natulog narin ako.

ZZZ...ZZZ...ZZZ...

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now