CHAPTER 22: PLAN FOR THE BOOTH

47 2 0
                                    

Zack POV

Hello everyone especially ladies! *wink Alam niyo, ang gwapo ko.

(Author: Hangin talaga ng hinayupak na'to.)

Aray naman author. Grabe sa hinayupak ah?

(Author: *roll eyes)

Taray ni author! Kaya wala kang jowa hanggang ngayon eh.

(Author: Eh kung bigwasan kaya kita ngayon?!)

Ahehehe. Joke lang author. Ganda-ganda mo kaya. Back to the story na nga tayo! Baka mamaya totohanin ni author na bigwasan ako eh.

Naglalakad ako sa hallway ng makita ko si Tristan palabas ng room. Naningkit ang mata ko dahil mukhang alam ko na kung saan siya pupunta.

Kaya imbis na pumasok ako sa room ay sinundan ko siya. Halos lahat ng mga babae na madadaanan namin ay tumitingin sa amin.

Hayst.. Ang gwapo ko talaga.

(Author: Heto nanaman po tayo -_-)

Hayaan mo na ako author *pout.

(Author: Bahala ka.)

Napansin niya siguro na may sumusunod sa kanya kaya napatigil siya sa paglalakad at lumingon. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang tinatanong kung bakit ko siya sinusundan.

"Wala lang. Trip ko lang."

Agad niya akong sinamaan ng tingin dahil sa sagot ko. Napanguso ako bago nagsalita. "Nakita kase kita na lumabas ng room kaya sinundan kita." Paliwanag ko habang pasimpleng tumitingin sa mga babaeng kilig na kilig.

Gwapo ko talaga.

"Babaero."

Agad akong napatingin kay Tristan ng sabihin niya yon. Aray ah! Medyo na-hurt ako dun.

"Sakit mo naman pre! Parang 'di kaibigan ah?!"

"Hindi naman talaga kita kaibigan."

Ouch.

Malungkot akong nakatingin sa kanya. Umakto pa akong parang nasaktan talaga kaya napa-irap siya.

Peykprend siya!

"Sakit mo!" Tumawa siya sa sinabi ko at naglakad ulit. Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa rooftop.

Binuksan niya ang pinto at pumasok. Pumasok rin ako at tinignan muna ang kabuuan ng rooftop.

Wala paring pinagbago. Feelings niya lang sa'yo ang nagbago.

Umupo siya sa lamesa na nandirito at tumingala. Lumapit din ako sa pwesto niya at umupo sa tabi niya.

Kapag ganito siya, alam kong may problema siya.

"Tagal mo ng hindi pumunta rito ah."

Pagbabasag ko sa katahimikan. Ngumiti naman siya ng hindi tumitingin sa'kin. "Oo nga eh. 2 years na ata akong hindi nakakapunta rito." Sagot niya.

Ang huling punta kase namin rito ay yung pagbre-break nila ni Jamie dahil sa nalaman ni Tristan na ginagamit lang pala siya nito.

Maliban kay Tristan, may iba pang karelasyon si Jamie. Medyo spoiled kasi si Jamie kay Tristan dahil kapag may magustuhang bagay si Jamie ay agad-agad nitong binibili.

Haystt... Pag-ibig nga naman.

"Ano problema?" Tanong ko. Kapag pumupunta kami rito ay may mga problema siya. Ngumiti siya ng mapait at yumuko.

"May nagugustuhan ulit akong babae."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Masaya ako dahil may nagustuhan na ulit siyang babae pero nagtataka rin ako dahil parang may halong lungkot at tono niya.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now