CHAPTER 21: NAPKIN

62 1 0
                                    

Minz POV

Sobrang sakit ng puson ko nang bumangon ako sa higaan. "Mommy, are you ok?" Tanong sa'kin ng anak ko habang naa-alalang nakatingin sa akin.

Mukhang red day ko ata ngayon.

"O-ok lang ako, anak. Ahm, maligo kana at magbihis para sa school mo."

"Ok po mommy."

At humalik siya sa pisngi ko. Hawak-hawak ko parin ang puson ko habang tinitignan ang date ngayon.

Sabi na nga eh. Red day ko nga ngayon.

Dahan-dahan akong tumayo at kinuha ang napkin. Kinuha ko narin ang towel at uniform ko dahil sa cr ng sala nalang ako maliligo at magpapalit.

"Nak, sa labas na ako maliligo."

"Okay, mommy!"

Lumabas na ako sa kwarto at naabutan 'ko si kuya na nagbabasa ng folders sa sala.

"Oh, ayos kalang?"

Tanong sa'kin ni kuya ng makitang hawak-hawak ko ang puson ko. Tumango lang ako at dumiretso sa banyo.

Naligo na ako at nagbihis pagkatapos. Lumabas na ako sa banyo at lumapit naman sakin si kuya at kinuha ang damit ko.

"Ako na maglalagay nito sa labahan. Umupo kana at kumain."

Tumango nalang ako at naglakad papuntang mesa. May mga nakahain nang mga pagkain sa lamesa.

Umupo narin sila kuya at Mina at nagumpisa na kaming kumain. "Oo nga pala. Kamusta na kagabi?" Tanong ni kuya.

"Nasaksak si Dylan."

"Ehh?! Kamusta na siya ngayon?"

"Ok na siya kagabi. Naisugod kaagad namin siya kagabi sa ospital."

"Saan'g ospital naman?" Tanong ni kuya at sumubo ng kanin. "Kila tita." Tipid kong sagot at tumango-tango nalang siya.

Pagkatapos namin kumain ay tumayo na ako at kinuha ang bag ko sa sofa. "Alis na ako." Sabi ko at inayos ang palda ko. Inayos ko rin ang salamin ko na mala-harry potter na salamin.

"Mag-kotse ka."

Agad kong sinalo ang hinagos ni kuya na susi at lumabas na ako. Andito na pala yung sports car ko. Siguro kinuha ni kuya kahapon dun sa company.

Sumakay na ako at nagseatbelt. Pinaandar ko narin ang makina ng sasakyan at nagumpisa ng magmaneho.

Sana hindi ako magsungit mamaya.

Pagkarating ko sa school ay pi-nark ko na ang kotse at bumaba. Kinuha ko narin ang bag ko at inilagay sa bulsa ko ang susi.

Manakaw pa baby sports car ko eh.

Walang emosyon akong naglalakad sa hallway at bawat estudyante na madadaanan ko ay tumitingin sa'kin hanggang sa malagpasan ko na sila.

Hayst... Hindi ba sila nagsasawa na tignan ang magandang ako?

Hindi ko nalang pinansin ang tingin nila at naglakad lang ako papunta sa classroom namin.

Pumasok na ako kaagad at dumiretso sa upuan ko. As usual, they are all here except Dylan, Zack, Blade and Xymon.

Nakakairita.

"Good morning ate Minz!" Masayang bati sa'kin ni Chie pero hindi ko siya pinansin.

Wala ako sa mood.

"Ayy. Hindi namansin." Rinig kong sabi ni Shan pero inikutan ko nalang ng mata at sinalpak ang headset sa tenga ko.

Ganito ako kapag nagkaroon. Madaling mainis, maasar at higit sa lahat ay madali rin akong magalit.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now