CHAPTER 9: PROTECTING

78 6 0
                                    

Minz POV

Pinapanood naming ang nurse habang ginagamot si Quichie. Hindi naman daw masyadong malaki ang sugat niya. Pagkatapos siyang gamutin ng nurse ay umalis na ang nurse at umupo ako sa kama.

"Kamusta, Chie? Hindi naba masakit?" Alala kong tanong. "Hindi na, ate. Ok na." Ngumiti siya kaya ngumiti ako pabalik. "Dapat kasi hindi niyo ako pinigilan eh." Reklamo ni Kai. "Haynako, Kai. Tumigil ka nga." Saway ko sa kanya. 

"Pero infernes. Tapang mo kanina, Minz ah."

Nakita kong kumunot ang noo ni Quichie. "Nagkasagutan sila nila Demonica." Sagot ni Danth at humiga sa kama at natulog. "Teka lang. Ano nga ulit pangalan nung mga crayons nayun?" Taka kong tanong na ikinatawa nila.

"HAHAHA! Anong tawag mo sa kanila?"

"Lt si Minz! HAHAHA!"

"Crayons amp!"

"Ano nga kase!" Inis kong tanong. "Eherm! Yung green ang buhok, siya si Faye. Yung kulay red naman ang buhok, si Lovely. At yung kulay pink naman ang buhok, siya si Demonica." Sagot ni Jerome.

Well, bagay sa kanila ang pangalan nila ah. Mas lalo na yung Demonica.

"Bagay sa kanila yung mga pangalan nila noh?" Tanong ni Tristan. "Super. Mas lalo na yung name na Demonica." Natatawa kong sagot. "Don't do that again." Napatingin kami kay Dylan nung sinabi niya iyon.

Anong 'don't do that again' na sinasabi niya?

"Hah?"

"Hakdog."

"Hahambalusin kita!" Tumawa naman sila. Nagtatanong ako ng maayos tapos sasagutin ako ng ganon. "Ang ibig sabihin ni Dylan ay wag kana daw makikipag-bardagulan ulit." Sagot ni Michael habang ngumunguya ng chichirya.

"At bakit?"

"Dahil hindi mo sila masyadong kilala, Minz."

Tumingin ako kay Vien ng sabihin niya iyon in a serious tone. Tama naman siya. Hindi ko sila masyadong kilala pero hindi ko naman sila hahayaan na saktan sila ng ganon. Bumuntong hininga muna ako bago tumango.

"Ok. Hindi na yun mauulit." Sabi ko at ginulo niya naman ang buhok ko. "Tumigil ka nga, Vien." Saway sa kanya ni Dylan at nagtinginan naman silang lahat bago mang-asar. Heto nanaman tayo.

"Ayieee!"

"Jelly yarn?!"

"Bakudan naba this?!"

"Huwag daw si Minz!"

"Siya lang daw dapat gagawa non!"

"Kilig si ako!"

"Nagje-jelly si Lan!"

"Shut up!" Sigaw ni Dylan pero tinawanan lang siya. Umiling nalang si Vien. "Tara na sa classroom." Yaya ko at pumunta na kami sa classroom. Pagkapasok namin ay umupo na kami at nagsi-ingayan na sila.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at ang heatset ko. Nakinig nalang ako ng music habang nagbabasa ng wattpad. Maya-maya lang ay may kumatok sa pintuan. Napatingin kaming lahat. Tumawa naman si Chris at lumapit sa pintuan.

"Ano yun?" Maangas na tanong niya. "Pinapapunta po ang section ruby sa principal office." Sabi nung lalaki at umalis na. Tumayo silang lahat kaya tumayo rin ako.

"At bakit ka tumayo?"

Napalingon ako kay Dylan at nakakunot ang noo niya. "Kase tumayo kayo. Atsaka di'ba, pinapapunta daw tayo sa principal office?" Sagot ko sa kanya. "Hindi ka sasama." Napahinto ako sa paglagay ng headset ko sa bag.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now