CHAPTER 18: Celine Hermis

51 2 0
                                    

Minz POV

At dahil tumunog na ang bell, bumaba na kaming lahat sa canteen. Pinagtitinginan kami ng ibang mga estudyante at nagbubulungan na bumalik na daw si Kelvin or also known as Kean.

"Bumalik na pala si Kean?"

"Kaya nga nakikita mo siya rito eh."

"Boba! Di'ba kase nasa US siya?"

"O tapos?"

"Sasampalin na kita. I mean, wala man lang kumalat na balita?"

"Ay oo nga noh. Pero atlis nadito na siya."

"Kyaah! Mas lalong gu-mwapo si Kean!"

"True beh! Mas lalo siyang hot tignan ngayon!"

Hindi nalang namin iyon pinansin at naupo nalang sabi nila Xymon sila nalang daw ang o-order kaya sinabi namin ang mga order namin sa kanila.

Pumunta na sila sa counter at sakto namang dumating sila Summer. "Hello, Minz, section ruby." Bati samin ni Summer. "Hello girls. Medyo busy?" Tanong ko dahil ngayon lang ulit kami nagkita.

"Oo mars! Nagpa-project kasi yung AP teacher namin na gumawa ng short novel tungkol sa World War 1." Sabi ni Sunny at hinilot pa niya ang kanyang sintido.

"Madali lang yan." Sabat ni Jerome kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "Ano? Totoo naman eh. Kung marunong kang gumawa ng novel." Dagdag na sabi ni Jerome na ikinatango ko.

"Tama siya. Kung marunong kang magsulat ng novel, madali lang yan."

"Eh, ayun na nga eh. Hindi kami marunong." Nakangusong sabi ni Sunny. "Ayun lang." Nakangiwi kong sabi.

"Tulungan namin kayo?" Suhesyon ni Quichie habang nakangiti ng malapad. "Pwede ba?" Tanong no Autumn. "Aba'y oo naman." Masiglang sabi ni Vince.

May something talaga ang tatlong ugok na'to eh.

"Sige! Total bukas half day lang tayo dahil may meeting ang mga teachers."

"Sige, sige." Tumango nalang kami at saktong dumating na sila Xymon dala ang mga pagkain namin.

Kumain at nagkwentuhan nalang kami. Maya-maya lang ay napatigil silang lahat dahil sa mga chismosang frog dito sa canteen.

"Guys! Alam niyo naba yung balita?"

"Anong balita?"

"Babalik na daw siya!"

"Sinong siya? Yung ka-fling mo?"

"Gaga! Hindi yon! Yung 'real' queen bee!"

"Si Celine?!"

"Oo! Siya nga!"

"Pero di'ba galit sa kanya ang mga section ruby?"

"Ayun na nga eh."

"Ano kayang mangyayari?"

"Malay ko! Hindi naman ako si madam awring."

Taka kong tinignan silang lahat dahil literal na natahimik sila. Bakit? Atsaka sino si Celine? Si Celine Dion ba? At bakit galit sa kanya itong mga ugok na toh?

Tinignan ko naman sila Summer at nakatingin lang din sila sa section ruby.

Nagulat ako nung biglang tumayo si Dylan at lumabas ng canteen. Kahit sila Vien, Zack, Vance at Kai, lumabas din sila ng canteen.

"Can someone tell me what's going on?"

Pagbasag ko sa katahimikan kaya napatingin sila sa akin. "Uhm, Minz. Kase ano...." Parang naga-alinlangan pang sabihin ni Shan. Tinignan ko naman ang iba at umiwas lang sila ng tingin.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now